Chapter 43

3.1K 145 125
                                    

Yana's POV

Hindi ko alam pero parang.. Nakakawalang-ganang mabuhay.

Lahat na lang ba ng importanteng tao sa buhay ko ay iiwanan ako? O sadyang may mali lang sa akin kaya nagagawa nila 'to?

Napabuntong-hininga ako. Wala na si Taehyung. Pagkatapos niyang bitawan ang kamay ko kanina ay kaagad na siyang umalis. Ni hindi man lang niya ako hinayaang magsalita o magpaliwanag.

Ganoon lang pala niya ako kadaling iwan.. Ganoon lang pala kadali sa kanya ang sabihin lahat ng mga katagang iyon..

Kinabukasan, pilit ako nag-ipon ng lakas ng loob para pumasok sa Bighit, kahit na ayoko muna sanang makita si Taehyung. Wala naman akong magagawa dahil simula ngayong araw na ito ay balik trabaho na naman ako.

"Good morning, Yana!" paglingon ko, si Hoseok.

Nginitian ko siya kasabay ng pagpasok ko dressing room nila. Nilapag ko na yung mga gamit ko at inayos na ang mga kailangang ayusin.

"Bakit ka nandito? Wala ba kayong practice?" tanong ko sa kanya habang nag-aayos pa rin ng gamit.

"Meron pero mamaya pa. Tsaka wala pa naman sila. Ang aga pa oh?" sagot niya. Napatingin naman ako sa relo ko. Oo nga at ang aga pa pala, hindi ko rin namamalayan na 6:00 pa lang ng umaga.

"Eh bakit nandito ka na kung maaga pa?" tanong ko kay Hoseok na hindi maalis-alis ang tingin sa cellphone niya.

Hindi siya kaagad sumagot. Tumabi ako sa kanya sa sofa nang matapos kong ayusin yung mga gagamitin namin mamaya.

Inialis niya yung tingin niya sa cellphone niya at ibinaling ang atensyon niya sa akin.

"Wala lang. Naisip ko lang na.. baka kailangan mo ng makakausap?" matamis na sambit ni Hoseok habang nakangiti at habang ginugulo ang buhok ko.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Narinig ko siyang bumuntong-hininga. Alam pala niya ang nangyari kagabi.

Naglabas ako ng ngiti na may kasamang hinga. "Ikaw talaga. Okay lang ako, sanay naman ako sa ganito kaya 'wag kang mag-alala."

Nagpeke siya ng tawa ang humarap ng kaonti sa akin, "Oo. Tama ka. Sanay ka namang maging okay kahit hindi.." sambit niya.

"Ha. Kilalang-kilala mo na ako ah." sagot ko.

Bumalik siya sa dating pagkakaupo niya, bale hindi na siya nakaharap sa akin.

Nakita kong ngumiti ng bahagya si Hoseok tapos bumulong siya sapat na para marinig ko. "Ganun talaga. Kapag gusto mo ang isang tao, bawat kilos niya, kilala mo na.. Bawat emosyon niya, kabisado mo na.."

"Hoseok.."

Hindi ko alam kung paano ko sasagutin yung sinabi niya. Hindi siya nagtatanong pero, alam kong sa bawat salitang binigkas niya, naghahanap at naghihintay siya ng sagot.

"Sabi ko naman sa'yo, ako na lang eh." bulong niya.

Sa puntong 'to hindi ko alam kung seryoso ba siya o sadyang ito lang ang paraan niya para pagaanin ang loob ko.

"Hobi naman eh. Alam mo namang kagagaling ko lang sa heartbreak 'di ba?"

Tumawa siya, tapos tumingin siya sa akin. "Edi sana kung ako yung pinili mo hindi ka sana nasasaktan ng ganyan ngayon. Kasi ako si J-Hope, sa akin may hope, may pag-asa."

That One Fan (BTS FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon