Chapter 45

2.6K 122 39
                                    

Yana's POV

Bumaba ako sa sala habang hinihilot yung sintido ko. Pagbaba ko, saktong nakabukas na iyong tv namin.

"Ate dali! Si Jungkook magpeperform na!" sigaw niya sa akin.

Dali-dali naman akong umupo sa sofa namin at tinabihan si Yella. Nakakainis. Hindi ko madescribe yung nararamdam ko. Kinakabahan ako na excited.

Excited ako sa kung anuman ang kakantahin niya.. at at the same time, kinakabahan sa kung anuman ang ibig sabihin noon.

"OMG ate!!! Ayan na!!! Magduduet na sila!" sigaw na naman ni Yella. Minsan nagtataka ako sa kanya. Ni hindi lang ba sumama ang loob niya kay Jungkook? Biruin mo, niligawan siya tapos bigla na lang siyang iniwan sa era. Sabagay naiintindihan ko naman si Yella, dahil una pa lang naman alam ko na kung sinong gusto nito eh.

At ayun na nga, nagduet na sina Jungkook at nung babaeng nakamaskara. Kinilabutan ako sa boses ni Jungkook.. Sobrang ganda.. Sobrang sarap pakinggan..

"Uyy, may naiinlove ulit." biglang bulong sa akin ni Yella. Hinampas ko siya ng unan, lakas makapang-asar eh.

"Manood ka na nga lang." saway ko sa kanya. Tumawa lang siya at ibinaling na ulit ang atensyon sa palabas.

Natapos ang round 1. Inannounce nila na panalo si Fencing Man which is si Jungkook. Sobrang saya ko, pero hindi ko masyadong pinakita. Ayoko namang bigyan ng malisya ni Yella 'to.

Pumasok na ulit sa stage si Jungkook para sa round 2. Nagulat na lang ako nang biglang tumunog yung phone ko. Pagtingin ko, may nagtext.

Siya nga.

Dugdug. Dugdug.

Jeon Jungkook 20 seconds ago

Noona.. Alam ko nanonood ka :) Pakinggan mong mabuti yung kakantahin ko sa round 2 ha, para sayo yun. :)

Napalunok ako. Hindi ko alam kung anong isasagot ko kaya naman hindi ko na siya nireplyan. Kinakabahan na ako kanina pero mas lalo akong kinabahan pagtapos mabasa yung text niya..

Ayun na.. Nagsimula ng tumugtog ang intro.. Unti-unti ay ibinuka ni Jungkook ang bibig niya at nagsimula ng kumanta.

Geunyeoga tteonagayo
(She is leaving)
Naneun amugeotdo hal su eopseoyo
(And I can't do anything)

"OHMYGOD." ang tanging nasambit ni Yella.

Napasinghap ako.

BIGBANG — IF YOU

Hindi ko alam pero parang biglang tumigil yung katawan ko sa paghinga. Unang nota pa lang, unang biglas pa lang ng salita, alam ko nang si Jungkook talaga siya. Yung tayo niya, yung tindig niya, yung istilo ng paghawak niya ng mic, kilalang-kilala ko na.

Kakasimula pa lang ng kanta pero yung puso ko..

Tila ba sasabog na..

Sarangi tteonagayo
(Love is leaving)
Naneun babocheoreom meonghani seoinneyo
(Like a fool, I'm blankly standing here)

That One Fan (BTS FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon