Chapter 40

4.4K 205 109
                                    

Yana's POV

Dalawang linggo na yung nakalipas simula noong date namin ni Taehyung. Kinabukasan bumisita ako ulit sa BigHit. Welcome na welcome pa naman daw ako sa BigHit Family at anytime pwede raw akong bumalik sa pagiging stylist noona sabi ni Bang PD nim.

Maraming sumang-ayon pero marami rin namang hindi.

At isa na doon si Sewon, yung girlfriend ni Jungkook.

"Masyado na tayong marami rito, sana hindi na magdagdag pa ng mga empleyado si Bang PD." sabi niya doon sa mga kasama niyang stylist noona. Hindi man niya ito direktang sinabi, alam kong ako yung pinaparinggan niya.

"Ayos lang naman na magdagdag. Basta si Yana." sagot ni Kath tapos ngumiti siya sa akin. "Di ba guys? Ano sa tingin mo, Sewon?" dagdag pa niya.

Sumang-ayon lahat ng nandoon pwera lang talaga sa isa.

"Pampagulo lang." narinig kong bulong niya. Tinaasan niya ako ng kilay tapos umalis na siya sa dressing room. Sumunod sa kanya yung iba kaya ako na lang yung naiwan.

Unang-una, wala akong problema sa pagiging mataray niya sa akin. May karapatan siyang magalit lalo na't nalaman niya yung nangyari sa amin ni Jungkook noong araw ng pagdating ko.

Pangalawa, nararamdaman kong alam na niyang may nakaraan kami ni Jungkook. At syempre bilang "present girlfriend" ni Jungkook, nagalit siya.

Pangatlo, galit siya sa akin at okay lang naman yun dahil hindi ako pumapatol sa mga tulad niya.

Pang-apat ㅡ

"Yana!!!"

At ayun, naputol na yung sasabihin ko dahil sa sigaw ni Hoseok.

"Miss you! Ahehe." sigaw na naman niya.

"T-Teka Hobi nasasakal ako yung kamay mo naman!!"

Paano ba naman kasi, imbes na sa balikat niya ako akbayan, sa leeg siya umakbay.

"Ay sorry." sabi niya tapos tinanggal na niya yung kamay niyang nakaakbay sa leeg ko.

"Okay lang 'di mo kailangan mag-pout." pero ayun at mas lalo pa siyang nag-pout pasaway talaga!

"Namiss kita." biglang sabi niya.

Napalunok ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Mas lalo akong napipi sa mga tingin niya sa akin.

"Huwag mo nga kong tignan ng ganyan."

"Bakit? Baka mahulog ka sa akin?" sagot naman niya.

Yung kaninang makulit na Hoseok naging seryoso bigla hindi ko alam kung matatakot ako o matutuwa.

"I hate you, Jung Hoseok." pabiro kong sabi sa kanya. Akala ko titigil na siya at babalik na sa pagiging makulit pero hindi pa pala.

"The more you hate, the more you love." sabi niya tapos lumapit pa lalo siya sa akin habang tinititigan ako nang mata sa mata.

Damn you Hoseok.

Ewan ko na kung anong nangyari sa akin pagkatapos noon basta nakita ko na lang siyang nakahawak sa may tiyan niya at tumatawa.

"HAHAHAHAHA. Naninigas ka." tawa pa niya.

"Hoseok naman eh."

"Sorry na. Namiss lang talaga kita. HAHAHA."

Sa sobrang inis na may halong tuwa nahampas ko ng sobrang lakas sa braso si Hoseok.

"Ohmygod my arms is ohmygod! Yung maskels ko." sigaw niya. Syempre, hindi siya si Hoseok kung hindi siya sisigaw.

That One Fan (BTS FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon