Chapter 31

5.8K 234 124
                                    

Yana's POV

Nakapagdesisyon na ako.

Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para magdesisyon ng ganoon. I guess para tulungan na rin yung sarili ko? Aamin ko, sa una mahirap talaga pero kailangang kayanin eh. Kailangang gawin.

And the good thing is, nagkakamabutihan na kami ni Taehyung. Hindi naman niya ako pinilit. Morelike, tinutulungan niya akong makamove-on. Masaya ako sa mga ginagawa niya sa akin. Minsan nga bigla na lang niya hahawakan yung kamay ko. Minsan naman gugulatin niya ako at bibigyan ng rose. Binigyan rin niya ako ng baller kagaya nung binigay sa akin ni Jungkook pero kulay puti.

"Kath, favor naman." bulong ko kay Kath habang inaayos niya yung mga gamit sa dressing room.

"Yes ano yun?" sagot niya.

"Pupunta kasi mamaya ang Bangtan dito. Bababa muna ako, itext mo na lang ako kung wala na sa dressing room si Jungkook." sambit ko sa kanya.

Susukatin kasi nila yung mga damit nakakailanganin nila sa concert.

Tumingin sa akin si Kath at tumango.

"Sige sige. Umiiwas ka na pala talaga." sabi niya at tinapik ako sa may balikat.

Tumango at malungkot na nginitian siya, "Oo, ibabalik ko na sa lahat yung dati. Itatama ko na ang lahat."

Tapos ayun, noong mismong araw na yun, pumunta si Jungkook sa dressing room. Bumaba muna ako. Alam kong sinundan ako niya ng tingin pero hindi ko siya pinansin. Pagkababa ko, umupo lang ako doon sa waiting area tapos pagkalipas ng 30 minutes, nagtext na si Kath. Wala na raw doon si Jungkook kaya umakyat na ako.

Pero pag-akyat ko, laking gulat ko ng makita siyang papunta sa direksyon ko. Napatigil ako saglit. Hindi ko alam ang gagawin ko. Parang bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil ngayon na lang ulit nagtama ang mga mata namin.

Napalunok ako at dahang-dahang umatras ng makita ko siyang naglalakad papunta sa akin. Tumakbo ako at naghanap ng ibang daan para hindi ko na siya makasalubong.

Ang hirap. Ang sakit pala talagang pigilan yung tibok ng puso.

Pag-akyat ko, sina Taehyung at Jimin na lang ang nandoon. Buti na lang at naiwasan ko si Jungkook. Kaagad akong lumapit kay Taehyung na kasalukuyang hinihintay yung turn niya sa pagsukat ng mga damit.

"Taehyung." sambit ko at umupo sa tabi nila ni Jimin.

Inangat naman niya kaagad yung ulo niya nang marinig ang boses ko.

"May problema ba, Yana?" tanong niya sa akin tapos ibinaba niya yung cellphone niya at tumingin sa akin.

"Ano kasi.."

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya.

"Gusto kong bumalik na sa dati yung lahat." bulong ko.

Pagkasabi ko noon, kumunot yung noo niya tapos pinakiusapan niya muna si Jimin na umalis.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya sa akin.

Bumuntong-hininga ako at unti-unting yumuko.

"Simula kasi noong dumating ako sa buhay niyo, para nasira na ang lahat." sabi ko sa kanya nang hindi tumitingin sa kanya.

Hinawakan naman niya yung kamay ko at hinawakan ako sa baba para iangat yung mukha ko.

"Ano ka ba. Wag mo ngang sabihin yan.. Ikaw ang pinakamagandang dumating sa buhay ko." bulong niya sa akin.

That One Fan (BTS FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon