Chapter 8

8K 315 116
                                    

Yana's POV

Ano na kayang nangyayari sa fan signing? Ang malas ko naman kasi. Bakit ngayon pa yung appointment namin ni mama sa doctor. Hindi ko tuloy sila nakita. Mukhang ayaw pa ng tadhana na magkita kami ulit ni Taehyung.

"Anak magpahinga ka muna. Wag kang magpapagod."

"Opo ma."

Nandito na kami sa bahay ngayon. Wala naman ako pasok dahil long weekend naman. Nabored ako kaya kinuha ko yung ipad ko at nanood ng ilang videos.

Nang bigla nalang magpop yung video niya.

Dug dug

"Long time no see." Bulong ko sa kanya. Alam ko namang hindi niya ako naririnig pero bakit ba. Gusto ko lang naman siyang kausapin. Matagal na panahon na simula noong huling usap namin.

"Okay na ako ngayon. Alam mo ba yun?"

Sige lang Yana. Para namang sasagot yang kausap mo sa video.

"Nakalimutan na nga kita.. pero bakit ka pa nagpakita ulit sa akin? Hindi man personal pero eto oh. Sa dinami-dami ng videos na pwedeng magpop e yung video mo pa."

Tuloy-tuloy lang sa pagplay ang video.

"Ibang klase ka na ngayon. Hindi na kita maabot. Pero alam mo, masaya ako sa narating mo ngayon. Alam kong pangarap mo na yan noon pa lang. Pangarap mong iparining sa buong mundo ang musika mo. Di ba?"

Sige lang Yana. Ilabas mo lang yan. Matagal mo ng kinikimkim yan di ba?
Oo matagal na. Tatlong taon na.

"Kahit masakit.. Kinaya ko naman.. Alagaan mong mabuti ang sarili mo tulad ng sinasabi ko sayo dati ah?"

Hindi ako galit sa kanya dahil wala naman ako sa lugar para magalit. Pero.. Naiinis lang ako kasi hindi man lang niya sinabi sa akin. Hindi man lang niya ipinaalam na hindi na pala siya darating.. At higit sa lahat..

Hindi na pala siya babalik.

"Sana.. Sana huwag kang magbago.. At sana.. Hanggan ngayon, kilala mo pa rin ako." Sambit ko.

Bumalik nga siya..pero sa ibang pagkatao na. Nagbago na siya, yung pisikal na anyo niya iba na. Pero alam ko namang kahit anong mangyari, kahit sumikat pa siya lalo at kahit dumami pa ang fans niya, hindi magbabago ang ugali niya.

Natapos na din magplay ang video clip niya. Napabuntong-hininga na lang ako.

"Pero kahit ganoon.. thank you.. Dahil noong araw na yun..nung araw na iniwan mo ako. Nung araw na umiyak ako dahil sayo na sinabayan pa ng malakas na ulan..nakilala ko siya."

Siya na nagpatibok ng puso ko.

At hanggang ngayon ay itinitibok pa rin nito.

"Thank you, Zelo.. dahil ikaw ang naging tulay para magkakilala kaming dalawa.."

/plok/

Hindi ko namamalayang nag-uunahan na pala sa pagtulo ang mga luha ko. Ngayon na lang ulit ako umiyak ng ganito.

Psh. Ano ka ba Yana wag ka ngang umiyak. Akala ko ba nakamove-on ka na?

Akala ko rin. Pero sa Tuwing naaalala ko siya.. At yung pinagsamahan namin.. Bumabalik lahat.

Hanggang ngayon pala masakit pa rin..

"Huy ate?"

Nagulat ako nang may tumawag sa akin. Agad kong pinahid ang luha ko at pinatay yung ipad.

That One Fan (BTS FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon