Chapter 6

8.3K 309 69
                                    

Yana's POV

"ATE GISING NA!!"

Ah ano ba yun. Ang ingay.

"BRIANNA ARISSE WILSON GUMISING KA NA!!"

Anong ingay ba yun?! Nakakainis ang sarap sarap ng tulog ko eh.

Dinilat ko yung kaliwang mata ko para tignan kung sino yung sumisigaw.

Si Briyella pala.

"Tsk. Ano na naman ba 'to Briyella ha nakikita mo bang ang sarap ng tulog ko?" sigaw ko sa kanya. Aba naman, ang sarap ng yata ng tulog ko tapos narito siya't ginising ako.

Hindi ako masungit pero sa mga ganitong pagkakataon, lalo na't ginising mo ang natutulog na ako, nako iba na. Baka mahampas na lang kita ng upuan dyan. Joke.

"Oo naglalaway ka pa nga eh hehe. Gising na kasi ate! Malelate na tayo niyan eh." Sigaw niya sa akin tapos niyugyog ako.

Binato ko lang siya ng throw pillow.

"Malelate saan? Wala namang pasok ngayon ah." sagot ko.

Nakita ko siyang napasapo sa noo niya pagkatapos marinig yung sinabi ko.

"Ate ano ka ba?! Ngayon yung fan signing!" sigaw niya.

Bigla namang nagising yung buong pagkatao ko at dali-daling bumangon sa kama.

HALA OO NGA PALA NGAYON YUNG FAN SIGNING NUNG BANGTAN!

"Oo na maliligo na ako. Ihanda mo na yung mga dadalhin natin." sabi ko tapos nagmadali na akong pumunta sa cr. Jusko naman bakit ko kasi nalimutan?!

"Nakahanda na unnie. Bilisan mo. Nandyan na rin yung susuotin mo. Hehe." ismid niya.

Sinuot ko yung inihanda niyang damit pagkatapos kong maligo. BTS hiphop monster nga yung design. Tapos ganoon rin yung suot niya.

Mapagkakamalan kaming kambal neto eh. Sobrang magkahawig kasi kami ni Briyella. Mas nakuha namin yung features ng tatay namin. Parehas kaming maputi at may katangkaran din. Mas matangkad nga lang ako ng kaunti kay Yella. Mas mahaba rin ng konti yung buhok ko kaysa sa kanya. Pero hindi halata dahil laging nakatali ang buhok ko.

Marami ngang nagsasabi na kambal kami. Kung hindi mo kami kilala masyado, talagang mapagkakamalan mo kaming kambal. Pero hindi naman lahat sa amin ay magkahawig. Magkaiba kami ng mata ni Briyella. Mas matanda rin ako ng isang taon kay sa kanya. 17 pa lang siya at 18 na ako.

Tinignan ko yung suot ko at suot niya. Parehong hiphop monster pero magkaiba ng design.

"Sinong hiphop monster ba 'tong suot-suot ko?" Tanong ko kay Yella na kasalukuyang inaasikaso yung mga regalo na ibibigay niya sa Bangtan.

"Hiphop monster version ni Jungkook yan unnie. Hehe." sagot niya.

"Ahh. Eh yung sayo?" tanong ko naman kahit alam kong kay Taehyung yun.

"Ah. Ano ka ba ate, syempre hiphop monster ni Taehyung my loves 'to. Hehe." sagot niya.

Sana yun na lang din yung suot ko. Pero okay na'to. Hiphop monster naman ito ni Jungkook. Si Jungkook na pinakaunang nakakuha ng atensyon ko sa Bangtan.

"Pansin ko lang ha. Bakit puro Jungkook pinapasuot mo sa akin?" tanong ko sa kanya.

Yung una kasi Jungkook bias tshirt yung pinasuot niya sa akin tapos ngayon eh yung hiphop monster naman niya.

That One Fan (BTS FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon