Chapter 50

1.6K 46 44
                                    

Yana's POV

Dug dug

Tinignan ko ang lalaking nakatayo sa harapan ko, kinikilatis kung nandyan pa ba siya; kung totoo ba ito at hindi lang isang panaginip.

Nakita ko siyang ngumiti ng bahagya. Totoo nga. Hindi nga ako nananaginip.

Yung kabog ng dibdib ko, sobrang bilis, sobrang lakas. Hindi niya ba 'yun naririnig?

"Yana, pwede ka bang maging akin?"

Dug dug

Nag-echo muli 'yung tanong ni Jungkook sa akin. Ramdam na ramdam ko kung paano dumaloy paitaas yung dugo sa mukha ko.

At ewan ko ba, dahil sa oras na iyon para bang bigla na lang tumigil yung ikot ng mundo ko.

Hindi ko inaasahang darating kami sa puntong ito. Alam ko naman ang ibig niyang sabihin eh.

Ito na ba 'yun? Ito na ba 'yung simula ng plot twist ng istorya namin ni Jungkook?

Pero paano? Paano ba ako hahanap ng sagot kung alam kong sa iisang sagot na iyon, marami ang maaapektuhan? Marami ang mag-iiba? Marami ang isasakripisyo?

Oo, Jungkook. Pwede. Pero ang tanong..

Payag ba silang maging sayo ako at maging akin ka?

Hindi.

Kahit gustuhin natin marami ang tututol. Oo, hindi pa nagsisimula pero mas magandang harapin na ang katotohanan 'di ba? Maraming magagalit sayo, sa akin. Maaapektuhan ang career mo.

At hindi ko kayang makita kang bumaba nang dahil sa akin. Walang mawawala sa akin pero sayo, marami. Ayokong mawala lahat ng pinaghirapan mo ng dahil lang sa isang maling desisyon.

"Noona?"

Bumalik ang wisyo ko nang marinig kong tawagin niya ako. Tinitigan ko ang mga mata niyang naghihintay ng sagot ko—yung mga matang nagbabakasakaling "oo" ang isasagot lalabas mula sa bibig ko.

"Pwede bang.. sa ibang araw ko na lang sagutin?" sagot ko.

Hindi ko pa kayang magdesisyon ngayon.. kailangang pag-isipan ko nang mabuti bago ko siya bigyan ng sagot.

Nakarinig ako ng isang mababang hinga mula kay Jungkook. Isang senyales na dismayado siya sa sagot ko pero kaagad naman niya itong binawi gamit ang kanyang mala-bunny na ngiti.

"Hindi naman kita minamadali, noona. Basta ikaw ang hihintayin ko.. makakapaghintay ako. Kahit gaano pa katagal." malambing na sambit niya sa akin.

Nakakatuwa. Ang saya marinig ng mga iyon mula sa kanya.

Nakakatuwa na ganito na ulit kami. Unti-unti nang bumabalik sa dati.

"Salamat, Jungkook." ang tanging salitang lumabas sa bibig ko. Pagkatapos noon ay lumapit siya sa akin at hinawakan ang dalawang mga kamay ko.

"Hay, Yana noona.. ikaw lang talaga ang nakakapagpaganito sa akin." nginitian niya ako ulit ang inilagay sa dibdib niya ang kanang kamay kong kanina ay hawak niya lang. "Nararamdaman mo ba 'yan?"

That One Fan (BTS FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon