Chapter 22

5.8K 242 149
                                    

Yana's POV

"Humanda ka sa akin kapag nahabol kita, Jeon Jungkook!" sigaw ko at tsaka ko siya hinabol.

Ang layo ng itinakbo ko para lang mahabol 'tong batang 'to. Ang bilis niyang tumakbo! Napagod tuloy ako. Huminto ako sandali tapos naupo muna ako sa buhangin para magpahinga dahil hinihingal na ako.

Tinignan ko siya at kasalukuyan pa rin siyang tawa ng tawa kasi hindi ko siya nahabol. Tumigil siya sa katatakbo at naglakad papunta sa direksyon ko.

"Yana!" sigaw niya habang naglalakad papalapit sa akin.

Nginitian ko lang siya kasi wala pa akong masyadong lakas para magsalita. Hingal na hingal pa rin ako.

"Mukhang napagod ka kakahabol sa akin ah." sabi niya tapos ngumiti sa akin ng nakakaloko.

"Buti alam mo. Ang bilis mo kayang tumakbo! Ikaw yata yung kabayo at hindi si Hoseok." biro ko sa kanya.

Lumapit lang siya sa akin lalo at inilahad ang kanan niyang kamay.

"Tayo na." sabi niya.

Tayo na? Kami na?

"Ha?" nalilitong tanong ko.

"Tumayo ka na diyan sabi ko, noona." sambit niya tapos kinuha at hinila niya yung kanang kamay ko para makatayo ako.

Tayo pala as in tumayo. Akala ko yung ibang meaning na. Hehe.

"Saan na tayo pupunta, Jungkook?" tanong ko sa kanya kasi medyo hapon na. Baka gabihin kami rito at mapagalitan pa siya ng mama niya.

"Gusto mo na bang umuwi?" tanong niya pabalik sa akin. Tama bang sagutin din ako ng isang tanong.

Syempre ayoko pang umuwi.

Eto na nga lang yung oras at pagkakataon na magkakapagbonding tayo ng tayong dalawa lang. Gusto kong sulitin 'to. Sulitin ang bawat minuto at segundo na kasama ka.

"Ikaw bahala." sagot ko at nginitian siya.

"Tara." sabi niya at hinatak na niya ako pabalik sa kotse. Mukhang uuwi na kami.

Mga higit kumulang 30 minutes yung byahe namin. Natulog lang ako sa byahe dahil medyo napagod ako katatakbo kanina sa Haeundae beach. Pagbaba ko ng sasakyan, nagulat na lang ako dahil hindi kami sa bahay nila pumunta.

"T-Teka. Akala ko uuwi na tayo?" tanong ko kay Jungkook na kasalukuyang nakasandal doon sa may kotse niya. Tumingin ako sa relo ko. Alas-sais na pala ng gabi at baka hinahanap na kami ng mama niya.

"Hindi pa. 'Di ba sabi ko sayo ipapasyal kita? Kapag sinabi kong ipapasyal kita, syempre hindi pwedeng sa iisang lugar lang." sagot niya at ginulo yung buhok ko.

Hinawakan na naman niya yung wrist ko at nagsimulang maglakad doon sa pupuntahan namin. Wala akong ideya kung ano at saan ito. Basta ang mahalaga, nandito si Jungkook at kasama ko siya ngayon.

"Saan ba tayo pupun- wow! Jungkook tignan mo oh ang ganda nung fountain!" sigaw ko. Tumakbo ako papalapit doon sa fountain para mas makita pa ito lalo.

Tinawag ko siya sa kinaroroonan ko. Dahan-dahan siyang naglakad habang nakapamulsa. Minsan nga iniisip ko kung 17 years old lang ba talaga 'tong batang 'to.

"Nagustuhan mo ba?" tanong niya at tsaka tumabi sa akin.

"Oo naman!" sagot ko at nginitian siya. Ang ganda talaga nung fountains!

"Ayan ang Dadaepo Sunset Fountain of Dream. Pwede kang magwish diyan kung gusto mo." sabi niya sa akin.

Pagkatapos noong sinabi niya ay pumikit ako at nagsimulang humiling. Hiniling ko na sana hindi ito yung huling pagkakataon na makasama ko siya ng ganito.

That One Fan (BTS FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon