Chapter 20

5.9K 228 124
                                    

Yana's POV

Ayun.

Tanggap ko ng best friend lang ako. Narealize ko na wala namang dahilan para maging malungkot ako, actually dapat nga maging masaya ako dahil ako ang pinili ni Jungkook na maging best friend niya.

Isa lang ang ibig sabihin noon, importante rin ako sa buhay niya.

Katatapos lang ng klase namin. Dumaan muna kami sa bahay tapos dumiretso na sa BigHit. May trabaho pa kasi kami doon.

Naabutan naming nagpapractice ang Bangtan. Pawis na pawis na nga sila, siguro kanina pa sila sumasayaw. Kasalukuyan nilang pinapractice yung Danger nang magannounce ng break Mr. Son.

"SA WAKAS!" sigaw nilang lahat. Tuwang-tuwa ang mga loko.

"I'm so tayurd." sambit ni Jimin at naihaga na doon sa sahig.

"Me too, tired." sagot ni naman Hoseok habang naglalakad papalapit sa amin.

Bigla rin akong napagod noong makita ko sila. Basang-basa yung damit nila. Inabutan ko ng isang bote ng tubig at tuwalya si Hoseok pagkalapit niya sa akin. Tapos sina Yoongi, Jin, Jimin, Namjoon at Taehyung ay binigyan ko rin.

Si Jungkook? Ayun, nakay Yella. Doon siya pumunta para kumuha ng tubig niya.

Pinagmasdan ko siya. Yung ngiti niya at yung aura niya nag-iba. Ang saya-saya niyang tignan habang kausap si Yella. Yung mga titig din niya iba. Mukhang tama nga ang hinala ko.

May gusto siya sa kapatid ko.

"Uy Yana? Kararating niyo lang?" bumalik ako sa wisyo ng tapikin ako ni Jin.

"Ah oo. Katatapos lang din kasi ng klase namin."

Lumabas muna ako dahil hindi ko gusto yung hangin doon. Ang sweet sweet ni Jungkook kay Yella. Kailangan ko ng hangin dahil baka makapatay ako ng tao. Ahe. Joke lang.

"Uy may nag-walk out."

Nagulat ako nung makita ko si Hoseok sa likuran ko. Jusme naman nakakagulat 'tong kabayong 'to este lalaking 'to. Parang kabute.

"Hindi naman." pagmamaang-maangan ko. Pero mukhang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko.

"Hindi raw. Hindi mo sila kayang makita ng ganun kaya umalis ka ano?" sabi niya tapos ngumiti ng nakakaloko sa akin.

DAMN. HOSEOK MAY ALAM KA BA?

"Hala, sira ka Hobi. Ano bang pinagsasasabi mo." sagot ko naman.

"Asus. Alam mo ang sinasabi ko, Yana. Nagseselos ka sa kanila no?" sabi niya tapos ngumiti ulit ng nakakaloko sa akin.

"Asa. Hindi ah." sagot ko.

"Pftt." sabi niya habang nakangiti ng nakakaasar sa akin.

Tumabi sa akin si Hoseok. Nakaupo kami ngayon sa isang upuan malapit sa practice room nila. Kanina pa siya tanong ng tanong sa akin. Tapos bigla na lang siyang tumawa. Napatingin ako sa kanya tapos kinunutan ko siya ng noo.

Ngumisi siya sa akin tapos kinindatan ako.

"Nahuli na kita. Nice lock screen, Yana."

Dahan-dahan akong napatingin sa phone ko. SHET NAMAN. Hindi ko pala napalitan. Psh, wala na. Mukhang may nakahuli na sa akin. Good job, Hoseok. Ang galing mo.

Si Jungkook lang naman kasi yung lock screen ko.

Pero omg. Muntikan na ako. Buti na lang si Hoseok lang ang nakakita.

That One Fan (BTS FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon