HALM 48

38 7 0
                                    

"Kailangan ko ba talagang suotin ito Ma?"tanong ko kay Mama sa dress na susuotin ko ngayon ngayon na kasi ang araw na papasyal kaming dalawa ni Kai. Balak ko na magsuot ng simpleng skinny jeans lang na pinaresan ng plain t-shirt pero hindi pumayag si Mama na ganun ang magiging ayos ko.

"Ano kaba anak magdadate kayong dalawa kaya naman kailangan ay naka dress ka"tugon ni Mama habang pilit na dinidikit sa akin ang kulay maroon na bestida na may mga desinyo sa baba nito na mga parang paalon alon.

"Ma,lilinawin ko lang sayo na hindi iyon date. Pasyal lang ang gagawin namin"pagklaklaro ko dahil masyado ng kung ano ano ang naiisip ni Mama.

"Tss..sa panahon ngayon ay basta lumabas ang isang babae at lalaki date na iyon"tugon ni Mama na pumunta naman sa study table kung saan saan nakalagay ang iba't ibang klaseng make up.

"Atsaka bakit ka pa bumili ng mga ganyan ganyan ma"busangot na tugon ko na napapakamot nalang ng batok sa nangyayare ngayon.

"Syempre anak,gusto ko na maganda ka sa date niyo"tugon ni Mama na ngayon ay nakatingin sa kisame na mukhang naiimagine ng kung ano ano.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi nga iyon Date"pagmamaktol na tugon ko. Ilang beses ko bang sasabihin na hindi nga date iyon.

"Hay naku!anak ayaw ko na makipag bangayan sa iyo. Pumasok kana sa banyo at maligo habang ako naman ay ihahanda ang mga kakailanganin mo"tugon ni Mama na lumapit pa sa akin para lang itulak ako papunta sa banyo.

Wala na akong magawa kundi ang sundin si Mama na maligo na at baka mapagalitan pa ako kung hindi ko siya susunduin. Pero kung malaman niyo lang kung gaano kaexcited si Mama para dito sa araw na ito,halos kalahati ng napamili namin kahapon ay para sa akin.

Pagkatapos kung maligo ay dahan dahan kung binuksan ang pintuan ng banyo para hindi ito gumawa ng ingay pero hindi pa man ako nakakalabas at sumisilip palang ng bigla nalang sumulpot si Mama mula sa gilid kaya naman ganun nalang gulat ko.

"Halika kana"masayang tugon ni Mama sabay hatak sa akin papalabas at dali dali niya akong inupo sa study table ko.

"Ma,hindi na po kailangan na maglagay ng make up"busangot kong tugon hindi pa naman ako mahilig na maglagay ng kung ano ano sa mukha mo.

"Hayaan muna ako anak,ngayon nalang ulit ako nag ayos eh atsaka alam ko na gaganda ka naman dito dahil mana ka sakin"tugon ni Mama habang nakatingin ngayon sa salamin na nasa harapan namin ngayon.

Bigla naman akong nakaramdam ng awa dahil tama nga naman si Mama dahil medyo matagal tagal na din simula ng ginawa niya ang mga bagay na ito. Dahil ayaw ko naman na makitang malungkot ay wala na akong nagawa kundi ang tumango tango nalang.

"Gaganda kana anak"sigaw ni Mama na patalon talon pa.

*MAKALIPAS ANG ILANG ORAS*

"Manang mana ka talaga sa akin anak"tuwang tuwang tugon ni Mama na mukhang tapos na siyang ayusan ako. Hindi ko alam kung ano ano ang pinaglalagay ni Mama sa akin dahil sa buong oras ay nakapikit lang ako dahil natatakot akong makita ang sarili ko na kahit na sabihin na natin na may itsura naman ako.

"Maganda ba ako?"mahinang tugon ko.

Mahinang napatawa naman si Mama.

"Oo naman anak napakaganda mo kaya naman buksan mo na yang mga mata mo"paguutos ni Mama na agad ko naman sinunod pero akmang bubuksan kuna sana ng bigla nalang bumukas ang pintuan ng aking kwarto at tumambad doon si Kuya na nakabusangot ngayon.

"Nandito si Kai sa baba,hinahanap ka"tugon ni kuya habang nakatanaw sa aking kwarto.

Hindi ko dapat nararamdaman ito pero bakit bigla nalang akong kinabahan ng marinig ko na nandito na siya na nasa baba na. Kinakabahan ako na baka hindi niya magustuhan ang ayos ko ngayon.

Hate and Love me[COMPLETED]Where stories live. Discover now