HALM 13

45 28 0
                                    

Inalis na din ni Kai ang tingin niya sa akin at lumapit naman sa sasakyan na kulay maroon.

"Mauna na din ako sainyo"Paalam niya sa amin pero sa akin lang siya nakatingin.

Tumango muna kaming tatlo bago siya pumasok sa sasakyan niya at pinaandar na ito.Naiwan kaming tatlo kaya naman nagkaroon na pa nang sandaling katahimikan.

"Ihahatid kapa ba namin?"tanong ni Gab.

Humiling naman ako.Hassle pa sakanila pag nagpahatid pa ako imbes na dumiretso na sila sa Mall ay magiibang daan pa sila para lang mahatid nila ako.Atsaka may pera naman akong dala ngayon para pampamasahe ko at siguro magjejeep nalang ako para mura.

"Enjoy nalang kayo doon"tugon ko sa dalawa.

Nakangusong naman si Myca"Hindi ka talaga sasama?"tanong niya.

"Hindi na muna,iwas gastos"tugon ko.

"Anong iwas gastos ka diyan eh lagi ka kaya namin nililibre kaya wala kang nagagastos pagpumupunta tayo nang Mall"nakataas na kilay na tugon ni Gab.Kung sabagay ay tama naman sila para na akong nabubuhay sa libre lang.

"Cge larga na kayong dalawa"pagtataboy ko sakanila.Maglalakad pa kasi ako papunta sa terminal nang mga sasakyan dito at paniguradong pupunuin pa ang jeep bago kaming umalis.

Agad naman sumakay ang dalawa sa sasakyan ni Myca.At nagpaalam sa akin sinabihan pa nila ako na wag daw akong umiyak pag binigay ko ang bayad ko sa jeep mamaya.Masyado daw kasing mahalaga ang pera sa akin kaya parang kasalanan pag ginagamit ko.

May ngiti sa mga labi ko habang papunta ako nang terminal.Kahit ganun ang mga kaibigan ko ay mababait sila.Pagdating ko sa terminal ay saktong papaalis na ang isang jeep at isa nalang ang kulay kaya naman agad agad na akong sumakay.Kinailagangan ko pang yumuko nang bonggang bongga para lang hindi ako mauntog.

Sampung piso ang pamasahe ko at wala pa nga ang gala namin ay nagastos kuna agad ang bente na binigay ni Myca kanina.Nakasakay lang ako nang jeep kaya naman sa harap lang nang subdivision nalang ako bumaba.Hindi naman pwede na ipasok ang jeep para lang maihatid ako sa bahay namin.Hindi naman malayo ang bahay namin sa harap nang subdivision kaya naman hindi ako mapapagod sa kakalakad.

Malapit na ako sa bahay namin nang makita nang ko na may dalawang sasakyan ay nakahinto sa harap nang bahay namin.As in sa harap talaga wala naman ako inaasahan na bisita dahil wala naman talaga.Hindi din naman pwede na magpark sila dahil may garahe naman ang bawat bahay.Habang papalapit ako nang papalapit ay doon ko lang nakita ang kulay nang mga sasakyan na nakaparada doon.Isang kulay maroon at isang kulay itim.

Kunot noo ko naman tinignan ang mga sasakyan dahil pamilyar na pamilyar sa akin ang mga ito.Kung hindi ako nagkakamali ay kay Kai ang sasakyan na maroon at kay Kuya Czean ang sasakyan na itim.

Nang nasa tapat na ako nang bahay ay tinignan ko pa nang mabuti ang mga sasakyan.Hindi na ako nagulat nang bumukas nang sabay ang mga pintuan nang mga sasakyan at lumabas doon sila Kai at Kuya Czean.Nang makita ko sila ay agad akong lumapit sa kanila.

"Ang akala ko ba ay maypupuntahan kayo?"tanong ko sa dalawa.

Napakamot naman nang noo si Kai samantalang walang reaksyon si Kuya Czean.

"Napadaan lang ako"tugon ni Kai.

Kunot noo ko siyang tinignan"Napadaan eh ang pagkakaalam ko ay wala ka naman kakilala dito sa subdivison nato kung di ako lang"tugon ko halos lahat nang mga katira sa dulo nang subdivision ay mga matatanda na.

"May kinuha lang ako sa kakilala ko at naisip ko na daanan ka para makita ko kong nakauwi kana ba"tugon niya.

Tumango nalang ako baka kung ano pang masabi niya palusot niya.Pagkatapos ko siyang tignan ay si Kuya Czean naman ang tinignan ko.Nakatingin lang siya sa akin nang diretso at wala kang mababasa sa mukha niya kong ano ang nasa isip niya.Kinuotan ko naman siya nang kilay at nagtatanong na mga mata na tinignan ko siya.

Hate and Love me[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon