HALM 15

42 28 0
                                    

Sigurado kaba na dito talaga tayo kakain?"tanong ko sakanya na ngayon ay nililibot ang mga mata sa kabuuan nang restaurant.

Tumingin siya sa akin at ngumiti"Nakapasok na tayo at nakaorder na din tayo"tugon niya.

Bumuntong hininga naman ako tama naman siya kung hindi siya sigurado dito ay bakit siya pumasok at nag order kong di kami kakain kung sabagay ang sabi naman niya kanina bago kami pumasok ay sagot niya kaya bakit naman ako nag aalala dito.Gaya nang ginagawa ni Kai nilibot ko din ang mga mata ko sa buong restaurant.At tama nga ang napapanuod ko sa Tv na maganda talaga ang loob nito atsaka mukhang mayayaman ang mga kumakain dito.

Tumingin ako kay Hotdog na ngayon ay nilalaro ang laruan na binili ko sakanya kanina sa VET.Buti ay tahimik lang siya na nakakandong sa akin at hindi tumatahol yung mga ibang aso kasi pag hindi gusto ang lugar ay tumatahol nang tumatahol.

"Kailan balik nang mga magulang mo?"bilang tanong niya sa akin.

Kunot noo ko naman siyang tinignan.At doon ko lang naalala na sinabi ko nga pala sakanila kahapon na nasa ibang bansa ang mga magulang ko."Hindi ko pa alam eh"tugon ko na totoo naman hindi ko talaga alam kong kailan sila uuwi.

Kunot noo niya akong tinignan"Hindi ba nila sinabi sayo kung kailan sila uuwi?"tanong niya.

Humiling ako atsaka ang doktor doon ang magsasabi kong kailan sila uuwi.

"Kung sa bahay niyo muna kaya ako"tugon niya nang walang pagaalinlangan.

Sinamaan ko naman siya nang tingin"Sira kaba?,kaya kuna ang sarili ko atsaka ano nalang sasabiin nang mga kapitbahay namin na porke wala si Mama ay nagpapatulog ako nang lalaki sa bahay"tugon ko.

"Okay pero kong kailangan mo nang tagapagligtas tawagan mo lang ako"tugon niya.

Napatawa naman ako sa sinabi niya"Sino ka ah si superman"tugon ko.

Tinignan niya ako nang seryoso"Hindi ako nagbibiro"tugon niya.

"Okay"nakangusong tugon ko ayaw kunang makipag away pa atsaka nakita kuna kasi na may papalapit na waiter dito yun na yata ang order namin.Hindi nga ako nagkamali dahil bigla nalang huminto dito ang waiter na nakita ko.

"Here your order Maam,Sir"nakangiting tugon ni Kuya kaya napangiti nalang din ako.

"Thank you"tugon ni Kai na ngayon ay masama ang tingin sa kay kuyang waiter.

Nilapag na niya sa lamesa lahat ng inorder ni Kai.Halos lahat ay hindi ko alam ang mga pangalan yung ibang pagkain dito ay pinapalibutan nang mga dahon dahon na hindi ko alam.Yung isa naman na nilagay ay pang isang subo lang sa sobrang liit.Nang matapos na si kuya at agad na siyang umalis.

"Kain na"tugon ni Kai habang hinahalo ang Carbonara niya.

Tumango lang ako at kumain na din.Habang kumakain kami ay walang nagsasalita sa amin.Kain lang nang kain ang ginawa namin halos kalahati nang inorder niya ay para sa akin.Ang iba ay hindi kuna maubos pero pinilit ko parin sayang eh.

Nang matapos na kaming kumain ay nakaramdam ako nang tawag nang kalikasan kaya binigay ko muna kay Kai si Hotdog na agad naman siyang pumayag.Dali dali akong pumunta sa Cr dahil lalabas na talaga ganun nalang ang ginhawa ko nang mailabas kuna.Pagkatapos ko ay pumunta naman ako sa pag aayusan sa loob nang Cr.Tinignan ko lang ang sarili ko sa salamin at tinignan kong maayos pa ba ako.Kumuha ako nang suklay at Polbo mula sa bag ko at nag ayos muna saglit.Nang makita ko sa salamin na ayos na akong tignan ay agad na akong lumabas.

Natadnan ko si Kai na nilalaro si Hotdog kaya napangiti ako.

"Cute niya no"tugon ko na napatingin naman si Kai.

Hate and Love me[COMPLETED]Where stories live. Discover now