HALM 14

43 27 0
                                    

"Hindi pa ba kayo aalis?"tanong ko sa dalawa na ngayon ay nakaupo parin sa sofa namin.Ilang oras na silang nandito at maggabi na din.

"Mag-gagabi na kaya"tugon ni Kai habang nakahiga na sa pang tatluan na upuan.

Inirap ko siya"Yun na nga eh mag gagabi na kaya kailangan niyo nang umalis"tugon ko.

Nagkatinginan ang dalawa na para silang naguusap gamit lang ang kanilang mga mata.

"Mauna kanang umuwi"tugon ni Kuya Czean habang tinuturo niya ang pintuan.Agad naman ngumuso si Kai na parang batang ayaw umalis.

"Ayaw ko,ikaw maunang umuwi"tugon ni kai habang nakapikit na ang mata dito ata balak matulog.

"Kung umuwi na kaya kayong dalawa nang sabay"tugon ko habang nakapamewang pa.

"Deal"tugon ni Kai na ngayon ay nakatayo na at inaayos ang sarili.Sinamaan naman siya nang tingin nang kuya niya.Mukhang gusto ni Kai na sabay silang umuwi.

"Cge bukas nalang"tugon ni Kuya Czean na nakatayo na din.

Napangiti naman ako sa wakas ay uuwi na sila.Mag gagabi na din kasi at ayaw ko naman na magstay sila dito magdamag dahil alam kong ayaw nila mama iyon kahit wala sila dito.Sabay na lumabas ang dalawa at nakasunod lang ako sakanila para mailock ang gate at makapag paalam na din.

"Bye"tugon ko nang makalabas na sila sa gate.

Tinanguan lang nila akong dalawa at pinaandar na ang mga sasakyan nila.Nang makita ko na wala na sila ay agad kong nilock ang gate at pintuan.Pagkapasok ko sa bahay ay agad kong niligpit ang baso at platito na ginamit nila.

Magluluto na din ako nang pagkain ko para ngayong gabi.Habang tumitingin ako sa ref nang pwedeng lutuin ay may biglang nagdoorbell.Kunot noo ako nang marinig iyon at agad agad na naghanap nang matigas na bagay para pamprotekta sa sarili.Mahirap na baka masamang tao ang nagdodoorbell baka kong ano ang gawin sa akin.

Nang makapunta na ako sa harap nang gate ay agad kong sinilip kong sino ang nasa labas at nagdodoorbell.Pagkatingin ko ay mas lalo akong kumunot ang noo.Ang nasa labas lang naman ay lalaking na nakauniform nang GrabFood.Wala naman akong alam na nagorder ako atsaka nagtitipid ako kaya hindi talaga ako oorder.Binuksan ko ang gate at tumambad sa akin si Manong na nakangiti pa sakin habang may hawak na supot.

"Ano pong kailangan niyo?"tanong ko kay manong.Nginitian lang niya ako at inabot sa akin ang dala niya supot.

"Food delivery po Maam"nakangiting tugon ni Kuya babalik ko sana ang supot na binigay niya nang bigla nalang siyang sumakay sa motor niya at pinaandar ang sasakyan nang mabilis.Tulala naman at maypagtataka akong iniwan niya dito.

Wala naman akong inorder na pagkain baka nagkamali lang siya nang address na binigay atsaka hindi niya pa hinintay ang bayad ko kong sakali.Pero meron din sa isip ko na baka niloloko lang ako ni kuya pinagtritripan niya lang ako.

Para makasigurado kong ano ang laman nang supot ay agad kong binuksan ito.Napagisip ko na sa loob ko nalang bubuksan ang supot dahil delikado na sa labas.

Nang makarating na ako kusina ay kumuha agad ako nang plato at binuksan ang supot.Pagkabukas ko ay tumambad sa akin ang chicken wings at rice agad akong natakam sa nakita ko.Agad kong sinalin ang chicken wings at rice sa plato at sinimulan na kumain.Hindi kuna inisip kong saan o kanino galing ang pagkain na ito basta anghel siya para sa akin.Ngayon nalang ulit ako kumain nang masarap na ulam simula nang ako nalang mag isa sa bahay.Kung hindi hotdog ay pancit cantoon mga madaling lutuin lang ang kaya ko.

Busog na busog ako nang matapos akong kumain.Hindi pa ako nakatayo agad dahil sa sobrang kabusugan ko habang papainom ako nang tubig ay may narinig ako kaluskos mula sa taas.Sinawalang bahala ko iyon dahil baka pusa or mga dahon lang iyon atsaka sigurado naman ako na nakalock lahat nang pintuan at bintana.Dahil sinusumpong nanaman ako nang sakit ko na katamaran ay napagdesisyunan ko na bukas ko nalang hugasan ang pinagkainan ko.

Hate and Love me[COMPLETED]Where stories live. Discover now