HALM 45

41 11 1
                                    

"Tumayo ka nga diyan"tugon ko habang ginagalaw ang isa kung paa kung saan doon siya nakahawak.

Hindi siya nagsalita at patuloy lang sa pag-iyak habang ako naman ay hindi alam ang gagawin. Dahan dahan akong umupo para mapaharap sa kanya sabay na dahan dahan din na inaangat ang kamay ko para hawakan siya.

"Tumayo kana diyan"paghihila ko sakanya para matayo siya. Wala akong nararamdaman na galit ngayon kundi awa na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Pilit ko siyang pinapatayo kaya naman umupo nalang ako ulit,ako na ang mag aadjust para sa kanya. Agad kung hinawakan ang mga paa niya para iayos iyon dahil nakaluhod siya ngayon at medyo hindi patag ang sahig dito kaya malamang ay masakit kung lumuhod dito. Nang makita ko na nakaupo na siya ng maayos ay sunod ko naman na hinawakan ang kanyang mga pisnge. Hindi kuna alintana ang hiya sa mga pinanggagawa ko ngayon.

"Tignan mo ako"tugon ko sakanya habang nakahawak sa kanyang mga pisnge na agad naman niya sinunod kaya kitang kita ko ang kanyang bareface habang umiiyak. Nang magtama ang mga mata namin ay agad siyang yumuko at dali daling pinunasan ang mga luha niya.

"Ayaw kung makita mo akong umiiyak,baka sabihin mo bakla ako."tugon niya habang abala parin sa pagpupunas ng mga nalaglag niyang mga luha.

Napatawa naman ako ng mahina"Tao ka din na nasasaktan at may pakiramdam kaya naman,bakit ko sasabihin na bakla ka dahil nakita ka lang na umiiyak."tugon ko sakanya normal lang naman talaga ang umiiyak sa isang tao.

"Paano ka nakapunta dito?"tanong niya sa na ngayon ay nakatingin na ulit siya sa akin.

"Malamang sumakay ako no"pilosopong tugon ko.

"Ibig kong sabihin,paano ka nakapunta dito?diba ay nasa hospital kapa"tugon niya hindi ko siya matignan sa mata kaya sa ibang direksyon ako nakatingin.

"Ngayon na ang labas ko,uuwi na dapat sana kami ni kuya ng bigla nalang tumawag si Myca at sinabing nandito ka daw sa building nila Lola"tugon ko.

"So nag aalala ka parin sa akin sa lahat ng ginawa ko sayo"mahinang tugon niya sabay yuko nanaman kaya para na siyang kuba ngayon.

"Hindi ako ganun kasamang tao na porke galit ako sa isang tao ay wala na akong pakialam sa kanya,siguro oo galit ako sayo pero hindi naman ako ganun kasama para balewalain ka"tugon ko pagkatapos nun ay dahan dahan akong tumayo dahil nangangawit na ako sa kakaupo. Nang makita niya akong tumayo ay dali dali rin siyang tumayo pero hindi ko sinasadyang mapatingin sa kanya kaya naman nagkasalubong ang mga tingin namin na agad ko naman iniwasan.

"Kaya kita nagustuhan eh,napakabuti mong tao"nakangiting tugon niya na nagpukaw sa akin ng tingin.

Kunwari ko siyang tinignan ng masama"Galit parin ako sayo,no."tugon ko sakanya at pinagkrus ang mga kamay.

Kitang kita ko naman ang pagbabago ng kanyang mukha na kanina ay nakangiti pa ngayon ay naging seryoso na.

"Alam ko naman na galit ka parin sa akin,pero pinasisisihan ko lahat ng ginawa. Yung hindi pagsabi sayo nung una kung nalaman na kapatid mo pala siya. Nagpadala kasi ako sa takot na baka lumayo ka sa akin at iwasan ako. Napakaraming beses kung binalak na magsabi sayo ng totoo pero masyadong akong na ano ng pabukas bukas ko hanggang hindi ko nalalaman na tumatagal na pala"mapait na ngiti niya sa akin habang ako ay nakatingin lang sakanya ngayon.

Gusto ko siyang patawarin pero habang tinitignan ngayon ang taong naging dahilan kong bakit siyang agad nawala parang bumabalik lahat ng sakit. Parang gusto kong magbayad ang gumawa sayo sakanya nun pero pumapasok din sa isip ko na hindi rin naman niya sinasadya at bata pa siya nun.

"Dumalaw kaba sa burol niya?"biglang tanong ko sakanya pati ako ay hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko.

Tumalikod siya sa akin at nagsimulang maglakad papunta kung saan siya nakaupo kanina. Dahil gusto kong malaman ang sagot ay dali dali ko siyang sinundan at pagkarating doon tumambad sa aming ang napakagandang tanawin,kitang kita ang mga nagtitiasang mga building,manghang mangha ako sa tanawin ng bigla nalang siyang nagsalita.

Hate and Love me[COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz