HALM 06

65 33 0
                                    


Ordinaryong araw sa ordinaryong tao.Isang maaraw na umaga sa akin at payapa.Pagkatapos kong makapag ayos nang lahat nang kailangan ko ay naghanda na agad ako para lumabas na at pumunta sa school.Ngunit hindi ko pa man nakakalabit ang doorknob nami nang biglang may sumigaw mula sa labas nang bahay.Agad naman ako napangiti nang mabosesan kong sino ang sumisigaw.Walang iba kong hindi ang pinakatahimik sa aming magkakaibigan.

Si Myca

"Millie labas na"sigaw ni Myca sa labas nang bahay.

Agad kong binuksan ang pintuan para matahimik na si Myca.Nang makalabas ako ay agad akong sinamaan nang tingin ni Myca na mag isang nasa labas.

"Bilis Millie"pagmamadali niya sa akin.

"Saglit"tugon ko na ngayon ay tinatakbo na ang pagitan namin.

"Bilis baka naiinip na si Kai sa loob"inis na tugon niya habang nagmamaktol pa.

Gulat ko naman siyang tinignan"Si Kai?Nandito?"tanong ko sakanya.

Tango lang naman ang naging sagot niya at pagkalapit ko sakanya ay agad agad niya akong hinila para pumasok na sa sasakyan.

Pagbukas palang ay bumungad na sa akin si Kai na nakaupo ay nakangiting tinignan ako.Samantalang si Gab naman ay nasa harap at syempre si Myca na magmamaneho.

Agad akong sumakay at pinaandar na ni Myca ang sasakyan.Naging tahimik naman saglit ang buong sasakyan bago nagsalita nanaman si Myca.Pag kasi nagsalita na siya wala na itong katapusan hindi siya papayag na maputol nanaman ang usapan.

"Kumusta naman ang araw niyo kahapon,hindi tayo nagkita kita ah"panimula ni Myca sa usapan.

Agad namang sumagot si Gab"Ayos lang"simpleng sagot ni Gab at tumingin sa amin dalawa ni Kai na naghihintay nang isasagot namin.

"Masaya"tingin niya sa akin"Masayang masaya"pagpapatuloy niya sa sinabi niya habang nakatingin parin sa akin.

"Ano namang masaya doon?"bulong na tanong ko.Wala naman talagang masaya nangyari kahapon sinundan niya lang ako at binigay lahat nang pinamili niya sa akin.

"Eh ikaw Millie?"tanong naman ni Myca.

"Ganun parin"tamad na sagot ko.Napansin naman nila Gab na hindi ako kumportable na itanong nila sa akin lalo na.Na may kasama kaming ibang tao ayos lang naman sa akin na pagusap iyon basta kaming tatlo lang.

"Anong ganun parin?"kunot noo naman tanong sa akin ni Kai.

"Wala"tugon ko sakanya.

"Alam niyo napapansin ko na lately medyo sinisipag na na magsalita si Millie,pansin niyo ba"pag aasar ni Myca sa akin.

Agad naman tumango si Gab"Pansin ko din ewan ko kung dahil kay Kai ba o higit pa doon"tugon ni Gab habang may halo pang pang aasar ang boses.

"Malisyosa"bulong ko pero sinandya kong lakasan kaunti para naman marinig nila.

Habang inaasar nila ako ay nakisama pa si Kai sa pang aasar.

"Pansin ko nga din,baka dahil saakin"birong tugon niya.

"Kapal"sabi ko na hindi tumitingin sa kanya.

"Anong makapal Millie?"tanong naman sa akin ni Kai.

Tinuro ko ang librong hawak ni Gab"Ayon oh,masyado akong nahiya sa sobrang kapal."pekeng tawa ko.

"Akala ko naman kong ano"kamot batok niya sabi.

"So napag usapan niyo na ba kong kailangan ay dati niyo"tanong ni Gab sa amin.Agad akong tinignan sa side mirror at nakatingin siya doon kaya tinapunan ko siya nang masamang tingin.Napatawa naman siya nang makita ako.

Hate and Love me[COMPLETED]Where stories live. Discover now