HALM 11

49 31 0
                                    

"Ang saya kagabi no"tugon ni Myca na ngayon ay nasa Cafeteria kami may pasok pero walang ginagawa.

"Oo,Ang bait nang family niya"ngiting tugon ni Gab habang kumakain nang ensaymada na binili niya.

"Atsaka may kapatid pala siya na gwapo din naman"tugon ni Myca habang nakalagay pa sa dibdib niya ang kamay niya.

"Ang akala ko ay siya lang ang pinakagwapo na nakita ko,Meron pa pala ang kuya niya"tugon niya.

Parang mga tanga ang mga kasama ko dahil parehas silang nakatulala sa taas na para may iniimagine na ano.Ako lang ata ang matino dito dahil ako lang ang tahimik na kumain dito at walang kahit anong sinasabi.At kong gusto niyong malaman pera ko ang pinambili ko dito sa ensaymada na kinakain namin ngayon nawalan nanaman ako nang twenty-five.

"Pwedeng maki-upo?"tanong nang kung sino na galing sa likuran ko.Agad naman bumalik sa ulirat ang mga kasama ko.

"Czean"tugon ni Myca.

Bumungad naman sa akin si Czean na may hawak na tray nang pagkain.Ang nakakagulat lang ay same uniforme kami at ibig sabiin nun ay same school kami pero bakit ngayon ko lang siya nakita dito.

"Tranfer?"tanong ko sakanya nang makaupo na siya sa harap ko.

Tumawa pa siya nang mahina"No,since firstyear and now nandito na ako"tugon niya habang sinisimulan na ang pagkain.

"Pero bakit ngayon ka lang namin nakita?"tanong ni Gab na gusto ko din na itanong sa kanya.

"Dahil ngayon lang ulit ako pumasok"tugon niya na hindi man kami tinignan.

"Wow,and anong year kana?"tanong ko sakanya dahil mukhang nasa college na siya dahil may college din naman dito pero pili lang ang course.

"Fourthyear college"tugon niya.

"Ah ganun ba kuya"patawang tugon ni Myca.Na agad naman siyang tinignan.

"Mukha ba akong kuha?"tanong ni Kuya Czean na may halong pagkapikon.

"Yes"tugon naman ni Myca.

Naging tahimik na kami nang matapos ang paguusap nila Myca.Dahil nga pagkain ito ayaw naman namin bastusin na kumakain nagsasalita kami.Patapos na kami sa pagkain namin nang biglang sumigaw si Gab na mukhang narinig nang lahat sa Cafeteria.

"Kai"sigaw niya na napunta naman ang tingin namin ka Kai na nasa pintuan nang Cafeteria.Nakangiti pa siya nang makita niya kami pero agad din naman nawala nang makita niya na may nakaupo sa tapat ko.Simula nang una siya pumunta dito ay dito sa table na to na kami kumakain para naman kung sakaling kakain siya ay may upuan pa siya.Pero ngayon ay nakaupo na ang kuya niya sa upuan niya dapat na katapat ko.

"Nahuli ka"nakangusong tugon ni Gab na nakaturo pa sa inuupuan ni Kuya Czean.Napansin ni Kuya na tinuro siya kaya agad siyang tumingin sa likuran niya.Nagsalubong ang mga tingin nila pero wala silang emosyon sa kanilang mukha.

"Bat ka nandito?"seryosong tugon ni Kai habang kumukuha nang upuan sa kabilang table at nilagay sa tabi ko.Bale ganito ang pwesto namin.

Kuya Czean,Gab
Kai
Ako,Myca

"Bawal bang pumasok"seryosong tugon ni Kuya Czean habang kumakain.

"Ang akala ko ba ay hindi kana papasok"tugon ni Kai.

"Nagiba isip ko"tugon ni Kuya Czean.

"May dahilan ba ah?"mahinan pagsigaw na tugon ni Kai.

"Kailangan ba na may dahilan pa ako ah"tugon ni Kuya Czean na ngayon ay natingin na kay Kai.

Hate and Love me[COMPLETED]Where stories live. Discover now