HALM 30

37 22 0
                                    

"Kailan mo balak na sabihin sakanya"tugon ni Mama sakanya habang nakatingin sa langit.Kanino naman nila sasabihin sa akin ba?atsaka ano bang tinatago nila.

"Gusto ko mang sabihin na sakanya pero hindi ko alam kung paano uumpisahan"nakayukong tugon ni Kuya Czean.Mukhang seryoso ang pinaguusapan nila.

"Umpisahan mo sa pagsabi nang Kapatid kita"tugon ni Mama hindi ko alam kung kanino o sino ang pinaguusapan nila ngayon.Hindi ko alam kong humihingi lang nang payo si Kuya Czean kay Mama o ano.

"Sa tingin ko mauutal ako.........Mama"tugon ni Kuya Czean.

Parang tumigil lahat nang marinig ko ang huling sinabi ni Kuya Czean kay Mama.Anong ibig sabihin nito.Hindi pa man ako makapaniwala sa sinabi ni Kuya Czean ay nagsalita na si Mama na mas lalong nagpagulo sa akin.

"Kaya mo yan,anak"tugon ni Mama habang tinatapik pa ang balikat niya.

Buong buhay ko akala ko kaming dalawa lang ni Mikayla ang anak ni Mama at Papa pero mukhang may tinatagong pala silang lihim.Kahit naman hindi nila panggitin kung sino ang tinutukoy nila na Kapatid niya ay alama na alam kung ako iyon.Ako lang naman ang anak ni Mama eh,ako nalang pero ang laking tanong parin sa akin kung paano,bakit,ang daming gumugulo sa isip ko na mga tanong.

Bakit hindi nila sinabi sa akin?
Paano nangyare iyon?
Bakit?Bakit?

"Paano po pag ayaw niya sa akin"tanong naman ni Kuya Czean.

"Anak,alam ko na matatangap ka niya.Kilala ko si Millie mabait na bata iyon.Atsaka diba lagi kang nagkwekwento sa akin tungkol sakanya araw araw."tugon ni Mama.

Araw-araw?araw-araw siyang pumupunta dito para bisitahin si Mama.Samantalang ako ay bawat linggo lang kaya ba ganun nalang ngayon ang paguusap nila ni Mama.Gusto ko mang lumabas na kung saan ako nagtatago ngayon pero para may gusto pa akong marinig sakanila.

"Hindi po ba siya magagalit sa akin?"tanong niya.Pero hindi pa man sumasagot si Mama ay ako na ang nagsalita.

"Magagalit,galit na galit"tugon ko mula sa likuran nila.Sabay naman silang tumingin sa akin at kita sa mga mukha nila na nagulat sila nandito ako.Gusto ko man siyang murahin ngayon dahil ang tagal tagal na naming magkakakilala pero bakit hindi niya sinabi sa akin ang totoo na KUYA KO PALA SIYA.Pero may respeto parin ako sa nakakatanda sa akin.

Dahan dahan na tumayo si Kuya Czean at lumapit sa akin habang ako naman ay umaatras para di kami magkalapit.

"Narinig mo ba ang lahat?"tanong niya sa akin na ngayon ay diretsong nakatingin sa akin.

Tumango ako"Narinig ko ang lahat"tugon ko hindi kuna alintana kung ano na ang itsura na kanina pa umiiyak.

"Alam mo na pala"tugon niya na nakapatawa pa nang mahina na nagpainis sa akin.Dahil sa inis ko ay lumapit ako sakanya ay at hinanda ang kamay ko para suntukin siya.

Sinuntok ko ang dibdib niya"Nakakainis ka"tugon ko.Napahawak naman siya kung saan ko siya sinuntok.Bagay lang sakanya yan.

"Ganyan na ba ang way mo para tawagin akong kuya"pangiinis niya sa akin.Tinignan ko siya nang masama yun bang nakakamatay,yung nagliliyab.

Wala akong naging sagot sa sinabi niya.Hindi ko alam kong ano ang sasabihin at isasagot ko.Habang siya naman ay tumatawa lang na mukhang masayang masaya siya bwesit.Tinignan ko si Mama at katulad ni Kuya Czean ay nakangiti din siya na nakatingin sa aming dalawa.Isa lang naman ang pwede kong gawin para makaalis ang dito.

"Gusto ko nang umuwi"yun nalang ang lumabas sa bibig ko.Tingin ko napakaraming nangyare ngayong araw na ito.Pagod na pagod ako.

"Uuwi na tayo"tugon niya.

Hate and Love me[COMPLETED]Where stories live. Discover now