HALM 07

52 31 1
                                    


Batuan nang mga papel,May nagsusulat sa blackboard na wala naman katuturan,Mga nagkwekwentuhan sa gilid meron din naman mga tahimik lang na naglalaro sa mga cellphone nila.May mga kumakain sa likod habang nakaharap ang mga upuan sa pader para hindi sila makitang kumakain.Syempre mawawala pa ba ang magjojowa na ginawa nang motel ang classroom.

Ganyan na ganyan ang sitwasyon ngayon sa loob nang classroom namin.May mga kanya kanyang mga mundo na parang sila ang nakatira doon.

"Kailan kaya ako magkakaboyfriend?"bulong ni Myca habang tinititigan ang kaklase namin na magjowa na naghaharutan sa gilid.

Wala naman din akong ginawa kundi ang idukdok sa lamesa ang ulo ko.Kaya naisipan kong asarin si Myca.

"Ligawan mo na kasi si Boyet"pag aasar ko sakanya sa nerd na kaklase namin na si Boyet.Wala kasing masyadong lumalapit sakanya dahil sa nerd siya.

Halatang narinig niya ang sinabi ko dahil agad agad niya akong pinalo sa braso nang mamula mula ang braso ko.

"Hindi kami bagay,maganda ako samantalang siya mukhang paa"patawang tugon niya.

"Apaka mapamintas mo naman"tugon ko sakanya.

"Hindi pintas yun,nagsasabi lang ako nang totoo"tawang sabi niya kaya nasama nasama na din ako sa pagtawa niya.

"Eh ikaw bat hindi mo ligawan si Natoy yung sa TV ngayon"pang aasar niya sa akin.

"Ikaw muna"biro ko sakanya.

Nagtinginan kami at tumawa nalang bigla kaya naman mas lalo pang umingay dahil sa tawa ni Myca na akala mo kambing.

"So kayo lang masaya"singit ni Gab.

"Doon ka President,Patahimikin mo kami"pagtataboy ni Myca kay Gab.Tinignan siya ni Gab nang masama.

"Tulungan mo kaya ako Vice President"inis na tugon ni Gab na ang tinutukoy ang si Myca.

"Tulungan mo di-"hindi na niya natuloy ang sinasabi niya nang nagsalita ako.

"Wala ako sa officer"tawang sagot ko napakamot naman siya.

"Bakit kasi hindi mo ninominate si Millie bilang P.I.O Gab"masamang tingin ni Myca sakanya.

"Absent kaya siya nun"tugon ni Gab.

"Suko na ako"tugon ni Myca pagkatapos ay tumayo na siya at biglang pumunta sa harap.

"TUMAHIMIK KAYO"sigaw niya na lumalabas pa ang kanyang ugat sa leeg.

Nagsitahimik naman sila nang marinig si Myca.Mukhang narinig nila pero sabagay sino ba naman ang hindi makakarinig sakanya eh nahiya ang speaker sa boses niya.

"Vice president lang naman siya"

"Pabibo siya"

"Bida bida"

Bulong nang grupo nang babae mula sa harap.Hindi ko nga alam kong bulong pa ba yan oh sinasabi lang nila.Mukhang sinadya talaga nilang iparinig sa lahat ang sinabi nila.

Napakabilis nang pangyayare dahil bigla nalang nagkagulo dahil biglang sinabunutan ni Myca ang leader nila na si Angel.

"Ikaw wala ka naman ibang ginagawa kundi ang magpaganda ay bakit pumapasok kapa?sigaw ni Myca na nanlilisik ang mga mata at nagdidikit ang mga ngipin.Ang mga kamay niyang may sariling isip na sabunot lang kung sabunot.

"Tama na"sigaw naman nang mga kasama nang babae mula sa gilid.

"Kaya mo yan Myca"hiyaw naman ni Gab.Sira ulo din ito eh nag aaway na nga lang sila eh.

Hate and Love me[COMPLETED]Where stories live. Discover now