HALM 40

31 9 2
                                    

*Millie P.O.V*
Nagising nalang ako bigla na para bang isang ordinaryong araw.Tatayo na sana ko para gawin ang aking morning routine ng bigla nalang bumigay ang katawan ko at doon ko lang napagtanto lahat ng nangyare.Wala akong magawa kundi ang bumalik sa kinahihigaan ko at titigan ang mga nakaturok sa akin ngayon na mga kung ano ano.Ramdam ko ang bawat pagpasok ng dugo sa akin na para bang kinakagat ako ng langgam.Bumuntong hininga ako dahil hindi ko alam kong ano ang gagawin ko.Ilang minuto ko ng tinignan ang kisame ng makaramdam ako ng gutom.Hindi ko alam kong ilang araw na akong nandito,hindi ko nga din alam kong paano ako napunta dito.

Hinimas himas ko ang aking tiyan habang nagiisip kong paano ito susulosyunan.Mangyare na ang lahat wag lang kumalam ang tiyan ng kung sino man.Ang hirap pa naman na nagugutom.Akmang susubukan ko ulit na tumayo na bigla nalang bumukas na pinto.Hindi ko na nakita ko sino ang pumasok dahil bumagsak agad ang katawan ko.Hindi ko alam pero bigla nalang akong pumikit at parang ayaw bumukas ang aking mga mata.Rinig na rinig ko pa ang dahan dahan na pagbukas ng pinto.Ilang sigundo katahimikan ang nangyare hanggang magsalita siya at hindi ko inakala na pumunta siya dito.Bigla nalang nanigas ang katawan ko at pati pag hinga ko ngayon ay napatigil.

"Hello,haha stupid Kai"pagkikipagusap niya sa sarili niya narinig ko pa ang mahinang pag hampas.

Para mas lalo pa akong nanigas ng marinig iyon.Ramdam ko na lumapit siya sa akin kaya siniksik ko ang katawan ko sa aking gilid.Bumuntong hininga siya at naramdam ko na umupo siya sa tabi ko.Hindi ko alam kong ano ang mararamdam ko kung magiging masaya ba ako dahil siya ang una kong nakita o magagalit dahil alam ko at naalala ko pa ang pangako niya na babalikan niya ako.

"Hindi ko alam kong paano uumpisahan ito pero una sa lahat ay Sorry,binigo kita sa pangako ko na babalikan kita at ililigtas.Nawalan ako ng lakas ng loob nung nakita kita na hinihila ng mga gagong lalaki na iyon ay naghihina ako.Alam ko nakakabaklang sabihin sayo pero natakot ako nun.Iniisip ko kung paano tinakas na kita nun ng nagpupumilit na na itakas ka."tugon niya at naramdaman ko na hinawakan niya ako sa aking kamay kaya bigla nalang ako  naging kalmado.Nawala lahat ng aking mga iniisip at para gusto ko nalang ngayon ay marinig ang boses niya siguro na ay gusto ko din malaman ang totoo.Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko ang akala ko ay yun lang ang gagawin niya pero nabigla ako ng bigla nalang binuhat ang aking kamay ko at nilagay iyon sa kanyang pisngi.Napakalambot ng kanyang pisngi para itong pochi,at malalaman ko talaga na wala man lang kapimples pimples ang lalaking ito dahil para aking biglang nakahawak na napakalinis na balat.Gusto ko mang mas lalong diinan ang hawak ko sa pisngi niya.Mukhang lumalabas ang puso ko sa sobrang tibok nito.

"Sinubukan kitang dalawin nang mga nakaraang araw pero masyadong mahigpit ang kuya mo,kaya ngayon lang ako nakapunta dito at mabisita ka.Kanina pa ako nandito pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na pumunta dito"tugon niya at naramdaman ko nalang na bigla nalang akong nakaramdam na para bang may tubig o luha na nasa pisngi niya.HUH!UMIIYAK ANG BATA.

Dahan dahan niyang binaba ang aking kamay.Gusto ko mang magprotesta pero parang gusto ko pang marinig ang boses niya.

"Why am I crying, am I gay."bigla tugon niya at mukhang pinupunasan niya ang kanyang mga luha.Gusto ko mang tumawa pero pinigilan ko pero dahil sa pagpipigil ng tawa ay sumakit lalo ang aking tiyan at doon bumalik sa akin ang aking gutom.Huminga siya ng malalim at ramdam ko na tumayo na siya.

"I hope you get well soon. And I hope you also wake up I want to see your beautiful eyes again and your incomparable smiles."tugon niya at rinig na rinig ako kanyang mga yakap ng mga paa palayo sa kanya.

(A/N:Bobo si utor sa english,bawal judgemental dito(-_-)

Hinitay ko muna na marinig ang pagsarado ng pinto bago ako dumilat ulit at hinahabol habol ang aking paghinga.Para akong aatakehin sa puso sa mga narinig ko mula sa kanya.Para pang isa itong magandang kanta na paulit ulit na tumutugtog sa aking tenga.Hinawakan ko ang aking dibdib at daig ko pa ang nagjogging sa sobrang bilis.Para nakakakita ako ng mga mangilan ngilan na mga puso na palutang lutang sa paligid.Para tuloy akong baliw na niyuyogyog ang ulo ko kahit na wala parin akong sapat na pwersa.Sa mga sinabi niya ay mukhang matagal na nga ako dito at si Kuya ang palagi kong tagabantay.Namiss ko tuloy ang maingay at crackhead na lalaking iyon.Lumipas ang ilang minuto na nakahawak lang ako sa aking dibdib habang naririnig parin ang mga sinabi ni Kai sa akin.Sa kalagitnaan na aking pageemote ay yun naman ang pagkalam ng aking sikmura.Kaya naman dahan dahan akong tumayo at pinilit ang aking sarili na tumayo,agad akong kumapit sa pinakamalapit na pader sa akin para mabalanse ang aking katawan.Dahan dahan kung hinahakbang ang aking paa para naman makasulong ako,yung gutom na gutom ka na nga pero mas lalo kang magugutom sa ginagawa mo.Halos lahat ng natitira kong lakas ay nabigay ko na,malapit na ako sa pintuan ng makadungaw ako sa pintuan ako doon ko din nakita na may kausap si Kuya sa labas at doon ko lang napagtanto na si Kai iyon dahil kilala ko siya to the point na kahit nakatalikod siya ay kilala ko na.Ilang hakbang na lang para makalabas ako pero hindi na talaga kaya ng katawan ko at may hawak pa akong stand ng  dextrose ko dahil ayaw ko naman na tanggalin ito at mamaya ay ibabalik.Baka mahimatay ako kung makita ko ang karayom.Pinilit ko pa na humakbang para buksan ang pinto pero talaga hindi na kaya ng katawan ko kaya ang ending ay napasubsob ako sa sahig at buti nalang ay girl scout ako dahil pagkahulog ko ay yun naman ang pagtaas ko na aking kamay kong saan nakalagay ang dextrose ko kaya hindi siya natanggal pero nakaramdam ako ng kaunting kirot.Dahil hindi ko na nga kaya ay gumapang nalang ako balik sa hospital bed at hintayin nalang na pumasok si kuya at magpabili nalang sa kanyang na mga gusto kong pagkain.

Hate and Love me[COMPLETED]Where stories live. Discover now