HALM 21

42 25 0
                                    

"Pagkatapos nang discussion na ito ay magkakaroon tayo nang maikling quiz,naghahabol tayo nang mga paperwork niyo kaya kailan pagkatapos nang isang topic ay quiz agad para makahabol tayo sa lesson,MALIWANAG BA"tugon nang prof namin ngayon sa Mathematics ito na ang last subject namin para ngayong araw na ito tapos uwian na.Kanya kanya kami nang reaksyon sa narinig namin na may quiz pagkatapos nang dicussion niya mahirap pa naman ang math kaya mahirap din mag quiz.

"Pakopya ako mamaya ah"bulong ni Myca na katabi ko ngayon na hindi man lang ako tinitignan nakatingin pa kasi sa amin si Madam baka masita kami.Papakopyahin ko daw siya mamaya eh napakahirap nang math atsaka mahina ako sa Math.

"Ano kokopyahin mo sa akin,pangalan ko"tugon ko habang nakatingin din sa harap medyo hindi ko din binukaka nang maayos ang bibig ko para di mahalata na nagsasalita ako.

"Diba magaling ka naman sa Math"bulong niya sa akin na ngayon ay nakatingin na sa akin.Tumalikod na kasi si Madam at nagsimula nang magsulat sa blackboard at isa lang ang ibig sabiin niyan magsusulat nanaman.

Tingin ko siya"Mathulog ang alam ko"tugon ko habang binibuksan ang bag ko at kinuha ang notebook na para sa Math.

Binuksan na din niya ang bag niya para kumuha na din nang notebook.Hindi na kami pa nagpansinan nang magsimula na kaming magsulat masyadong nakakapagod pag gumagana ang kamay, gumagana din ang bibig.Nang matapos nang magsulat si Madam ay umupo muna siya at nililipat lipat ang mga pahina nang libro.Samantalang kami naman ay nagsusulat pa masyadong ata masipag si Madam dahil tatlong blackboard ay napuno.

"When you are done,keep your things and look at the board"tugon ni Madam na biglang tumayo at magsimulang maglakad lakad sa buong room.Mukhang titignan niya kong ano ang ginagawa namin.Siniko ko si Myca para makuha ang atensyon niya na ngayon ay wala atang balak na magsulat dahil nakatanga lang ito sa pisara.

"Bakit?"kunot noo na tanong niya sa akin.Sinenyasan ko siya na tumingin sa harap na agad naman niya sinundan.Agad siyang nagsulat nang makita na palapit na si Madam sa pwesto namin,napatawa naman ako nang mahina sa ginawa niya.

"Miss Alcantara"biglang tawag ni Madam kaya agad akong napatingin sakanya pati na din ang mga kaklase ko na kanina ay nagsusulat ay napunta din ang tingin sa gawi ko.

"Ma'am"patanong na tugon ko kay Madam wala naman kaya akong ginagawang masama atsaka nagsusulat naman kaya ako.

Tinaasan ako nang isang kilay ni Madam"Why are you la-"hindi na natuloy ni Madam ang sasabiin niya nang biglang nalang bumukas ang pintuan at tumambad sa amin ang gulo gulo ang buhok,kusot kusot ang suot niyang uniform na mukhang kakatapos lang sa sabong,at ang mukha niya na para bang pasan na pasan niya ang problema nang buong mundo.Hindi ko akalain na makikita ko siya ngayon araw na ito na ganito ang itsura niya.Ang atensyon nang lahat ay nasa kanya at imbes na pagtilian siya ay kanya kanyang bulungan ang maririnig mo.

"Bat ganyan ang itsura niya"

"Kaya nga,para siyang may problema"

"Para siyang napaaway"

"Kawawa naman ang itsura niya"

"Yan ba yung tinitilian niyo pag pumupunta dito,Tss"

"Pre mas gwapo pa yung Pulubi sa labas kaysa sakanya"

Kanya kanya ka nang maririnig ngayon sa loob nang room.Pero mukha naman na hindi naririnig ni Kai ang mga sinasabi nila kahit na may kalakasan ang mga bulungan nila.Dahil nakatingin lang ito sa akin nang diretso simula nang bumukas ang pintuan.Nang mapansin ni madam na wala siyang balak na magsalita ay agad siyang nagsalita.

"Mr.Lorenzo why are you here"tanong ni Madam na ngayon ay papalapit na sakanya.Sa pagkakataon na yun ay inalis na niya ang tingin niya sa akin at tumingin kay Madam.

Hate and Love me[COMPLETED]Where stories live. Discover now