HALM 09

52 32 0
                                    

Nandito kami ngayon sa pinakamalapit na salon sa school namin.Ang dalawa ngayon ay busy sa pagtingin nang mga magazine habang hinaayusan sila nang mga parlorista.Si Myca na ngayon ay pinaayos pa ang buhok niya nagpagupit at nagpatrim na din samantalang si Gab naman ay nagpapamake up siya akala mo naman ay prom ang pupuntahan.At syempre ako nandito lang sa may waiting area nang salon.Wala naman akong balak na magpaayos at magpagupit o kahit ano pa eh kakain lang naman kami.

Tumingin si Myca sa gawi ko"Hindi kaba talaga magpapaparlor?"tanong niya.Agad ko siyang tinanguan kaya binalik nalang niya ang tingin niya sa magazine na nasa harap niya.

"Alam ko kung bakit ayaw mong magpaparlor?"nginitian ako nang nakakaloka ni Gab.

"Ano?"tanong ko sakanya.

Tumawa muna siya"Dahil wala kang pambayad"tawang tugon niya.Napatawa naman ako tama naman siya wala nga akong pera naubos ang pera ko sa pinambayad ko sa tricyle kahapon.Narinig ko naman na tumawa silang dalawa.

"Nakuha mo"tawang tugon ni Myca habang inaapiran pa si Gab pero sa hangin lang dahil malayo sila sa isa't isa.

"Oo wala nga akong pambayad pero kong ililibre niyo ako uupo na agad jan"pagbibiro ko na agad naman akong tinignan nang masama nang dalawa.

Hakmang tatayo si Myca para pumunta dito sa pwesto nang bigla siyang hawakan nang parlolista na ibig sabiin ay hindi pa siya pwedeng umalis.Tinignan nalang niya ako nang masama"Ikaw Millie ah,nabubuhay ka sa puro libre"nakataas na kilay na tugon niya.

"Dapat masanay na kayo"tawang tugon ko.

"Sanay na kami,sa sobrang sanay binibili ka na namin kahit hindi mo sabiin.""pabalang na tugon ni Gab.Napangiti naman ako dahil siguro swerte na din ako at pasalamat na din dahil nagkaroon ako nang mga kaibigan na gaya nila yung nanlilibre.Kahit na pagsabiin pa nila ako ngayon mayamaya din ay makakalimutan nila at ililibre nila ako.

"So ano ililibre niyo na ako?"tanong ko sakanila sayang din pag nalagpasan ko ang pagkakataon na to.

"Cge na maupo kana jan,bayad ni Myca"tugon ni Gab habang nakaduro pa kay Myca.

"Ano ako-"nakangusong tugon ni Myca ngunit naputol ito nang may biglang nagsalita na galing sa pintuan nang salon.

"I treat"tugon nang matipunong boses nang bagong dating.Sabay sabay kaming tumingin sa lalaking nagsalita mula sa pintuan.Suot ang polong kulay gray na nakatupi pa,ang pantalon niyang fit na fit sakanya samahan mo pa nang blackshoes kung hindi ko siguro kilala ito pagkakamalan kong artista.

"Kai"tawag ko sa pangalan niya habang nakatingin parin kaming lahat sakanya.

Ngumiti naman siya at naglakad na papunta sa akin"Hello"tugon niya habang paupo sa tabi ko.

"Hi"tugon ko.

"So ano pang hinihintay mo upo kana doon"tugon niya habang nakangiti.Tinignan ko siya na para bang "libre mo" look na mukang nakuha naman niya.

Tumango siya"Yes wag kang mag alala"tugon niya kaya inumpisahan kunang lumakad papunta sa tabi ni Gab.

Nang makarating ako doon ay agad din akong inasikaso nang mga tauhan doon.Nagtanong pa sila kong ano ang gagawin nila sa akin,pinagupit ko lang ang buhok ko nang kunti ara maalis ang mga patay na buhok at nagpaayos na din nang No makeup look ayaw kong magmukhang pupunta sa prom na sobrang kapal nang make up dinner lang naman ang pupuntahan namin doon.

Habang ginugupitan nila ako ay ang kwentuhan naman nila Myca.

"So hindi kayo pupunta sa bahay mamaya"malungkot na tuno nang boses ni Kai.

Gulat na tinignan nang dalawa si Kai.

"No kaya nga kami nag aayos ngayon para paghandaan ang dinner sa bahay niyo mamaya"pagpapaliwanag ni Gab.Wala naman naging sagot si Kai doon dahil tawa lang siya nang tawa habang nakahawak pa sa tiyan niya.

Hate and Love me[COMPLETED]Where stories live. Discover now