HALM 32

34 22 0
                                    

"Kailangan ko ba talagang pumili"tanong ko kay Kai.

Tumango naman siya"Yeah"tugon niya at tinalikuran na ako para pumunta sa kabilang section.Nandito kami ngayon sa isang boutique para mamili daw ng pwede kong suotin nakauniforme pa kasi ako kaya gusto niya na magpalit ako,dito niya agad ako hinila pagkapasok naman sa Mall.

Halos pangkain kuna ng dalawang buwan ang pwesyo ng mga bawat damit dito.Kaya ang hirap pumili atsaka wala atang maayos na damit ang nandito dahil kanina pa ako umiikot para maghanap ng matinong damit at wala ako akong mahanap.Paano ba naman kasi ang mga damit dito ay puro nakalabas ang mga clevage,yung iba naman ay backless,meron din naman maiikling mga dress na itaas mo lang ang dalawang mong kamay makikitaan kana.Nang magsawa ako sa kakahanap sa Women section ay lumipat naman ako sa Men section paniguradong maraming mga matitino dito.

Agad kong pinuntahan ang unang nakahilerang mga damit nang makapunta ako sa Men section.Tingin lang ako ng tingin baka may mahanap ako na maayos.

"Para po sa boyfriend niyo Ma'am"biglang tanong ng isang saleslady sa akin.Hindi ko napansin na katabi ko na siya dahil sa abala sa pagtitingin ng damit.

Para sa akin Ate.

Umiling nalang ako para sagutin siya.Ayaw ko naman na sabihing naghahanap ako para sa sarili ko baka pagtawanan niya ako,akalain pa ngayon palang ako nakapasok sa mga ganitong boutique.

Nginitian niya ako"Ano ba ang hanap niyo Ma'am?"tanong niya sa akin.

"Simpleng t-shirt lang po"simpleng sagot ko at bumalik na ako sa magtitingin.

"Marami po kaming mga plain Ma'am dito po"tugon naman ni Ateng saleslady at nagsimulang maglakad sumunod naman ako.Baka dito na ako makakapili ng susuotin ko ngayon.Huminto kami sa isang section na halos lahat ay t-shirt na may kanya kanyang mga design,kanya kanyang mga size.

Naglakad muna si Ate saleslady at huminto sa mga medium na mga t-shirt at tumingin sa akin.

"Simple lang po ang nandito Ma'am atsaka mura lang po ang mga ito,ano po bang size ang kukunin niyo"tugon niya habang namimili sa mga nakasabit doon.

"Hmmm...mga medium lang po ate"tugon ko at lumapit sakanya.Ang totoo niyan ay small lang talaga ako pero kailangan natin maging wais dito medium na para pwede pang masuot sa mga susunod na taon.

Ilang sigundo lang ay humarap siya sa akin na may hawak na isang t-shirt na stripes na kulay black and white.Hindi siya kalakihan kaya paniguradong kasyang kasya sa akin.

"Yan nalang po ang kukunin ko ate"tugon ko at naglahad ng kamay para makuha ito na agad naman inabot ni Ate.

"Mura lang po iyan Madam"tugon niya sa akin nang inabot na niya.Agad kong hinanap ang prize tag at ganun nalang ang gulat ko nang makita iyon.

"3K"tugon ko nang makita iyon.Grabe naman ang mga damit dito ang akala ko ay hindi aabot ng mga five hundred,ano bang tela to ah.

"Yan na po ang pinakamura dito Ma'am"tugon naman ni Ate.

"Iyan na ba?"biglang tugon ng kakarating lang na si Kai na nakapamulsa pa.

Tumango ako"Oo,ito na daw ang pinakamura eh"tugon ko sakanya na hawak hawak ang damit.

"Ang sabi ko pumili ka ng gusto mo hindi pumili ka nang mura"tugon niya at lumapit sa akin.

"Hindi bagay sakin ang mahal na mga damit"mahinang tugon ko sakanya.

"Tss..atsaka bakit yan ang napili mo eh,damit pang lalaki iyan"mahinang tugon niya din.

"Komportable ako sa ganito eh"pagdadahilan ko sakanya.

Hate and Love me[COMPLETED]Where stories live. Discover now