HALM 10

55 33 2
                                    

Huminto kami sa malaking gate na kulay pula at ang labas nito ay napapaligiran nang mga bulaklak mukhang mahilig ang magulang ni Kai sa mga bulalak at halaman.Napakataas nang gate nila kaya hindi ito dito makakaakyat ang mga magnanakaw agad.Hindi rin kalayuan ang bahay nila Myca sa bahay nila.Tanaw ko na kasi ang gate nila Myca na kulay itim naman.

Agad agad na bumaba ang dalawa na mukhang excited pa talaga.Pagbubuksan palang sana sila nang pintuan ni Kai nang bigla nalang buksan ni Gab at dirediretso sa harap nang gate nila.Naiwan naman akong mag isa dito kasi mahangin at nakadress ako baka liparin ang suot ko kaya maingat akong bumaba.

"Tara na"tugon ni Kai nang makalabas na ako.Tumango naman ako at nagsimula nang maglakad.Nauuna ako sakanya kaya nasa likod siya.

Pahakbang na sana ako nang may bigla akong maramdaman na malamig na kamay na humawak sa bewang ko.Agad agad kong tinignan si Kai na nakangiti ngayon sa akin.

"Anong ginagawa mo?"tanong ko sakanya pero imbes na sagutin ako ay bigla nalang niyang nilapit ang bibig niya sa tenga ko.Agad kong pinigilan ang paghinga ko dahil sa sobrang lapit niya.

"Breath,Millie"bulong niya na napalayo naman ako sakanya nakikiliti sa tenga.Huminga muna ako nang malalim bago ko ako nagsalita.

"Pwede mo naman sabiin yun ah"nakakunot na kilay ko sakanya.

"Ok na din yun"tugon niya habang nakahawak parin siya sa bewang ko.

"Ewan ko sayo"tugon ko habang magsisimula na sanang naglakad nang bigla niya akong hinila pabalik sakanya.

"Dapat sa tabi kita lagi"tugon niya na ngayon ay nagsisimula nang maglakad kaya naglakad na din ako dahil hawak niya parin ako.

"Bakit naman?,Nangangain ba mga magulang mo"birong tugon ko.

Bumuntong hininga siya"Oo"tugon niya kaya agad akong napaharap sakanya.

"Joke mo ba yan?"tanong ko sakanya.Seryoso parin siya kaya nagsimula na akong matakot.

"Yes,corny diba"tugon niya habang seryoso parin siya.Joke ba yun bakit hindi man lang siya tumawa kung sa bagay napakacorny nang joke niya kaya hindi din ako tumawa.

Nang makarating na kami sa harap nang pintuan nila ay bumangad sa amin ang mga nakahelirang mga katulong.Nang makita nila kami ay agad agad nilang binati si Kai.

"Magandang Gabi po"sabay sabay na tugon nila habang nakayuko pa.Nginitian lang sila ni Kai at pinagpatuloy na namin ang paglakad.Nang papunta na kami sa kusina nila ay doon ko lang napansin na hindi pa pala niya tinatangal ang kamay niya sa bewang ko.

"Bitawan muna ako,hindi naman siguro ako mawawala dito"tugon ko pero mukhang wala siyang balak na bitawan ako dahil tuloy tuloy lang si paglakad na parang walang naririnig.

"Saglit nalang kaya pagbigyan muna ako"tugon niya habang papalapit na kami sa hapagkainan nila.

Nang natanaw kuna sila Myca na nakikipagusap sa dalawang buntong nang tao na mukhang mga magulang ni Kai.Agad naman kaming napansin ni Gab kaya bigla niya akong tinawag na naging sanhi para bitawan na ako ni Kai.

"Saan kaba nanggaling ah"tugon ni Gab nang makalapit kami sa kanila.Hindi nakatuon ang atensiyon ko sakanya dahil ramdam na ramdam ko na may dalawang pares nang matang nakatingin sa akin.Nang hanapin ko iyon ay nakita ko na titig na titig sa akin ang magulang ni Kai.Agad naman akong ngumiti sa kanila na sinuklian naman nila.

"So ngayon na kumpleto na tayo pwede na ba tayong kumain"tugon ni Mr.Lorenzo habang nakangiti.Kanya kanya naman kami nang pwestong pinuntahan.Sila Gab na agad agad na pumunta kung saan umupo si Kai samantalang ako ay hindi na ako lumayo pa at umupo sa pang tatlong sa gilid.

Hate and Love me[COMPLETED]Where stories live. Discover now