Chapter 34

928 28 0
                                    

Ring...Ring....Ring....

napamulat ako ng tumunog ang phone ko. kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag pero bigla itong namatay. nabigla ako ng makita ang screen ng phone ko.

50 missed calls
25 Messages

yan ang nakita ko, Si papa, lolo at si Theo ang nag missed call at nag Message, pero mas marami ang kay Theo, tumawag ulit ito pero hindi ko ito sinagot. may nakita naman akong papel na nakadikit sa pader handwritten ni Patrice.

Good Morning Bes, nauna na ako sayo sa hospital hindi na kita ginising kasi napakahimbing ng tulog mo, eat your breakfast bes mwahhhh.

Patrice

napaka swerte ko talaga kay Patrice. bumangon na ako sa pagkakahiga ko at saka dumiretso sa kusina, habang kumakain napapaisip ako kung papasok ba ako o handa na ba ako na lumabas sa condo ni Patrice, kasi feel ko na pag lumabas ako sa condo niya anytime masasaktan ako anytime iiyak nanaman ako, ngayon pa nga lang na naalala ko ang nangyari kagabi para bang nawawalan ako ng gana kumain. kinuha ko agad ang phone ko ng tumunog ito.

"Hello Papa."

[Anak, kamusta ka? kumain kana ba?] pag-aalalang tanong ni Papa sakin. di ko napigilan ang sarili ko na maiyak.

"Papa ayos lang po ako ito nga po ako kumakain ngayon." wika ko habang pinipigilang iparinig kay papa ang pag-iyak ko.

[Anak alam ko na hindi ka okay sa nangyari kagabi alam kong nasasaktan ka.]

"Papa sige na po papasok pa po ako bye na po." paalam ko kay Papa at pinatay yung tawag, hindi ko kayang ipakita kay Papa na nasasaktan ako ayoko na mag-alala pa siya sakin. napahagulgol ako dahil sa bigat ng nararamdaman ko ngayon.

Theo POV

"Papa, alam ko na alam mo kung nasaan si Ella please Papa." pagmamakaawa ko kay Papa na sabihin kung nasaan si Ella.

"Theo hayaan mo muna ang anak ko, hayaan mo muna siya na makapag-isip." wika ni Papa at saka iniwan ako. kanina pa ako tawag ng tawag kay Ella pero ni isang call ko di niya sinagot,

"Sir, Theo." tawag sakin ng maid pero di ko ito pinansin at inilabas ang kotse at umalis. alam ko na kung nasaan siya.

nang makarating ako sa Hospital ay agad ko siyang hinanap.

"Nurse, nasaan si Nurse Ella?" tanong ko sa isang nurse din sa Hospital.

"Nakita ko po siya kanina Sir pero di ko na po alam kung nasaan."

"Sige." inikot ko ang Hospital at nakita si Patrice at Alvin.

"Patrice." tawag ko at lumapit sakanilang dalawa.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong sakin ni Patrice.

"Patrice please tell me where's Ella, nandito ba siya?" tugon ko sakanya, may feeling ako nandito sa hospital si Ella.

"Wala siya rito di siya pumasok Theo kaya pwede ba wag kang nangugulo dito." galit na wika nito sakin. lumapit ako sakanya at hinawakan sa braso.

"Please Patrice sabihin muna kong nasaan si Ella."

Ella POV

Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko, naaawa ako kay Theo. nandito ako nagtatago para iwasan si Theo pilit niyang kinukumbinsi si Patrice at Alvin na sabihin kung nasaan ako.

"ELLA PLEASE ALAM KO NANDITO KA SA HOSPITAL KAUSAPIN MO AKO." napaupo naman ako sa pinagtataguan ko ng makitang umiiyak si Theo habang sinisigaw iyon, maraming pasyente, Doctor at Nurse ang narito na nakarinig sa mga sinabi niya, gusto kong magpakita sakanya pero di ko magalaw ang katawan ko para ba akong naparalyze at umiyak lang ng umiyak sa gilid. sumilip ulit ako sakanila at nakita kong hawak na siya ng mga guard ng Hospital.

"Bes are you okay." agad akong yumakap kay Patrice.

"Bes, I miss him so much gusto ko siyang yakapin kanina pero di ko magawa dahil sa tuwing naalala ko yung nangyari sa party kumikirot ang puso ko."  hinaplos naman ni Patrice ang buhok ko.

"I understand you bes tahan na tingnan mo sa kakaiyak mo pumapanget kana." pinunasan naman niya ang mga luha sa mata ko.

"Bes salamat." niyakap ko muli siya. sa pagyakap ko kay Patrice medyo gumaan-gaan na ang pakiramdam ko.

marami akong ginawa sa hospital para lang maiwasan ang pag-iisip, lahat ata ng pasyente sa Hospital ay ako na ang nagcheck para lang makalimutan yung kanina at para din malibang ang sarili.

"Nurse Ella." habang nag-aayos ako ng mga information ng mga pasyente ay napatingin naman ako sa tumawag sakin.

"Doctor Alvin, bakit?." pagtataka kong tanong sakanya.

"May gustong kumausap sayo free kaba?"

"Sure, wait lang." hininto ko muna ang ginagawa ako at saka sumama kay Alvin.

"Sino ba talaga yung kakausap sakin?" tanong ko sakanya habang naglalakad. napunta kami sa Garden ng Hospital at laking gulat ko ng makita si Agatha.

"Agatha."

"Siya ang gustong kumausap sayo Ella." nakangiting wika ni Alvin. lumapit si Ella saamin  at ngumiti kay Alvin.

"Salamat kuya." nabigla naman ako sa sinabi ni Agatha.

"Kuya? ano mo siya Alvin?"

"She's my youngest sister, oo kapatid ko siya Ella." mas lalo akong nabigla sa nalaman ko, magkapatid si Agatha at Alvin for real.

"Sige na maiwan ko muna kayo." umalis si Alvin at iniwan kami ni Agatha sa Garden.

"Ella I'm so sorry for what I did, oo alam ko marami akong pagkakamali na hindi ko naman talaga gawain, lahat ng pang-iinsulto ko sayo hindi ko gustong gawin." seryosong unsad ni Agatha.

"nagawa ko lang yun." nakita ko ang pagtulo ng mga luha sa mata ni Agatha.

"Because I love him so much na akala ko kaya ko pa ibalik ang nararamdaman ni Theo sakin pero hindi eh!! Ella ikaw ang mahal ni Theo at hindi ako." hinawakan niya ang kamay ko.

"Ella, I'm sorry sana mapatawad mo ko, alam ko magiging masaya ka na after this, I wish na alagaan mo si Theo." wika nito at binitawan ako at umalis.

Arrange Marriage with The Grandson of C.E.O [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon