Chapter 26

920 24 0
                                    

natapos na din ang shift ko, kaya agad akong nag-antay kay Theo sa labas ng Hospital.
aishh, napaka tagal naman niya. kanina pa ako nag-aantay dito ah. kanina pa nga ako tingin ng tingin sa relo ko.

"Hey, Ella pauwi kana?" tumango naman ako sakanya.

"Oo eh, ikaw ba Alvin?"

"Oo gusto mo sumabay?"

"ay hindi-hindi na." bigla namang bumuhos ang ulan ng napakalakas. kaya napatakbo kami sa parking lot ni Alvin.

"Wrong timing ata ang pagbuhos ng ulan ah." tumatawang wika ni Alvin.

"Oo nga, bakit ngayon pa Lord." sabay naman kaming tumawa ni Alvin. tinignan ko ang  phone ko pero wala talagang message ni Theo.

"Inaantay mo si Theo?" tumango naman ako.

"sabi niya kasi, susunduin niya ako pero kanina pa ako nag-aantay."

"What if, ihatid nalang kita sa bahay niyo."

"Hala!! hindi na okay lang ako."

"Pero gabi na, mukhang matatagalan pa ang inaantay mo." ika nito sakin.

tama nga naman siya, at saka mukhang hindi titigil ang ulan na ito.

"Sige." sambit ko at ngumiti.

"Just wait, kukunin ko lang kotse." tumango naman ako at hinintay siya sa labasan ng parking lot. maya-maya ay nakita ko na siya kaya, agad akong pumasok sa kotse. pinaandar na niya ito at saka kami umalis. sobrang lakas ng ulan na para bang lahat ng dagat na inipon ay ibinuhos na ngayon. nagtataka ako bakit di manlang nag message sakin si Theo, busy na busy ba talaga siya.

"malapit na tayo." sambit ko. huminto naman kami sa harapan ng Mansion, nakita naman kami ng mga bodyguards kaya agad silang lumapit samin at nagbigay ng payong.

"Ma'am Ella, ito po."

"Salamat, tara Alvin sumama ka muna sa loob." pag-yaya ko at saka kami bumaba.

"Apo." ika ni lolo na nag-aantay sa may pinto ng bahay. lumapit ako dito at nagmano.

"Hello po." bati naman ni Alvin kay lolo. ngumiti si Lolo at pinapasok kami.

"Don Carlos, okay na po."

"Sige, oh ijo, sumabay ka na samin kumain."

"hindi na po, busog pa naman ako." lumapit si lolo kay Alvin at inakbayan ito.

"sumabay kana ijo, wag ka ng mahiya." napatingin naman sakin si Alvin na nahihiya, ngumiti lang ako sakanya.

"Sige po." natanong ko kay lolo kung bakit hindi ako nasundo ni Theo at kung bakit wala pa din si Papa, tugon naman nito, na ngayong araw ang monthly statistics ng company. kaya busy sila Papa at Theo.

masaya naman kaming nagkwekwentuhan nila Lolo at Alvin habang kumakain.

"Ijo, ano nga ang pangalan mo?" tanong ni Lolo.

"Ako po si Alvin Monteverde."

"Monteverde? kaano-ano mo si Kael Monteverde."

"Papa ko po siya." bigla namang nagulat si Lolo, sa sagot ni Alvin.

"Lolo bakit po?" tanong ko.

"Si Kael Monteverde ay business partner ko at nagulat lang ako na siya pala ang isa pang anak na naikwekwento sakin ni Kael." napatingin naman ako kay Doctor Alvin.

"ako nga po, nice to meet you po Don Carlos."

"Bakit, ngayon lang po ba kayo nagkita?"

"Oo, Ella dahil hindi ako sumasama kala Mama at Papa pag tungkol sa business ang pinag-uusapan, ayoko kasi nun, gusto ko ang maging Doctor at hindi ang maging business man, kaya lumaki ako sa lola ko at malayo sa mga magulang ko." paliwanag nito.

"Ganun ba." tumango naman siya sakin at ngumiti.

bumalik kami sa pagkain at nagkwentuhan pa.
napatingin naman kami sa likod ng makita si Papa at Theo. tumayo ako at nagmano kay Papa. tumingin lang ako kay Theo at saka bumalik sa pag-upo ko.

"Nandito na pala kayo, sumabay na kayo samin."

"Sige Don Carlos." ika ni Papa at umupo sa harap ko, habang si Theo ay umupo sa harap ni Alvin.

"Bakit nandito siya?" tanong ni Theo.

"ah kasi hinatid niya ako dito." sambit ko naman sakanya.

"oh, kumain na kayo." sambit ni Lolo, nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin samin si Theo. tinawag naman ni Lolo si Secretary Ursua at may inabot si Secretary Ursua kay Lolo.

"but wait, ijo, I want to invite you to Theo's birthday celebration here's the invitation." napatingin naman agad ako kay Lolo.

"Birthday po ni Theo?" tumango naman si Lolo.

"Lolo, ayoko icelebrate ang birthday ko." tugon naman ni Theo.

"But why?, don't worry apo ready na ang lahat."

"ilan taon kana ba? Theo?" tanong ko sakanya, tumingin naman siya sakin ng seryoso.

"25." maikling tugon nito sakin. 25 years old na pala si Theo, mas matanda siya sakin ng 1 year.

"Makakapunta ka ba, Ijo?" tanong ni Lolo.

"Oo, Don Carlos makakapunta ako 9:00 PM naman ang start eh." nakangiting wika nito.

nang matapos kami ay nagpaalam na si Alvin kala Lolo at Papa. hinatid ko siya palabas ng bahay, mabuti nga at hindi na umuulan.

"paano bayan, bukas nalang sa hospital." ika ko sakanya.

"Papasok ka pa?" tanong nito sakin.

"Oo, 9:00 PM pa naman eh hehe."

"Okay, See youu." ngumiti lang ako. ng nakaalis na siya ay pumasok na ako sa loob.
paakyat na sana ako sa kwarto namin ng makita ko si Theo. sinundan ko siya at napahinto kaming dalawa ng marinig ang pag-uusap ni Lolo at ng Secretary niya.

Arrange Marriage with The Grandson of C.E.O [COMPLETED]Where stories live. Discover now