Chapter 21

927 31 0
                                    

"Good Morning Lolo, Papa." sambit ko ng maabutan namin si Lolo at Papa.

"Oh Theo, Ella umupo na kayo at saluhan kami sa pagkain." ngumiti lang ako at saka umupo. hindi nga tumabi sakin si Ella eh. galit pa siguro sa nangyari kanina, hindi ko naman talaga sinasadya yun eh.

"may problema ba kayo Ella, Theo?" tanong ni Papa.

"Wala po Papa." sambit ni Ella.

habang kumakain kami ay tahimik lang kaming dalawa ni Ella habang sila Papa at Lolo ay nagkwekwentuhan.

"Theo, babalik kana sa pagtratrabaho sa kompanya at ikaw din Ella diba?" unsad ni Lolo.

"Opo, Lolo nakausap ko na ang Head ng Hospital at after natin kumain ay gagayak na po ako." masiglang wika ni Ella.

"Good for you ija, but don't forget that you are the wife of the Grandson Of C.E.O."

"Yes, Lolo hindi ko po kayo ipapahiya, gagawin ko ang trabaho ko as Nurse at bilang asawa ni Theo." sambit ni Ella at saka tumingin sakin.

"sayo naman Theo, Apo alam kong may alam kana sa kompanya, makakaasa ba ako na mas lalo mong palalawakin ang Celestial Corporation." ngumiti naman ako kay Lolo.

"Makakaasa po kayo Lolo." ika ko.

Ella POV

Kanina ko pa talaga hindi pinapansin si Theo, naiinis kasi ako sakanya hinulog ba naman ako sa sahig, hanggang ngayon ramdam ko parin ang kirot sa balakang ko.

"Hey, sorry na." pangungulit niya sakin pero hindi ko siya pinapansin.

"Grabe ka sakin alam mo ba yun, nung ikaw ang may kasalanan ang bilis-bilis kong nagpatawad tapos ikaw nag papasuyo pa." paliwanag nito sakin kaya huminto ako sa pag-aayos ng gamit na dadalhin ko sa hospital.

"Talaga lang, eh paano yung pwersahan mo akong hinatak at hinawakan sa kamay ng sobrang higpit ano wala nalang yun, tapos ngayon hinulog mo pa ako!" inis kong unsad sakanya.

"nagsorry naman ako ah." napipikon talaga ako sa lalaking to.

"AHHHHH." sigaw niya ng tapakan ko ang paa niya.

"What the hell are you doing." sambit niya habang iniinda ang sakit sa pagtapak ko.

"Para Quits." nakangiti kong sabi, nakita ko naman na naasar na siya sakin kaya dali-dali akong tumakbo palabas ng kwarto.

"ELLA SILVESTREEEEEE BUMALIK KA DITO." rinig kong sigaw niya.

"magkita nalang tayo mamaya Mr." sigaw ko rin. ang sarap sa feeling ang makaganti sa kumag nayun. Ella For The Win HAHAHA.

nagpahatid nalang ako sa hospital kay kuya Dindo, at nang makarating kami sa Hospital ay sinalubong ako ng mga Doctor, Nurse at Pasyente sa William Hospital.

"Welcome Back Nurse Ella." sigaw nila at nagpasabog pa ng Confetti. nashock talaga ako at di makapaniwala na ganito ang maabutan ko sa Hospital.

"Totoo ba to, Salamat Guys." naiiyak ko pang sabi.

"Nurse Ella si Doctor Lany ang nakaisip nito." sabi ng isa sa pasyente na inaalagaan ko. tumingin naman ako kay Doctor Lany.

"Doc salamat po." masaya kong sabi. nagulat naman ako ng maiyak at niyakap ako.

"Namiss talaga kita Nurse Ella, kala ko di kana babalik sa Hospital." napangiti naman ako sa ginawa ni Doctor Lany, siya kasi yung sobrang higpit na Doctor dito at saka palagi kaya ako napapagalitan nito kala mo nga menopause na HAHAHA pero nakakatauwa lang kasi namiss niya ako.

"Namiss rin po kita Doc Lany." ika ko rito at niyakap din siya ng mahigpit, nakita ko Naman si Patrice at Doctor Alvin na nag thums-up sakin.

Arrange Marriage with The Grandson of C.E.O [COMPLETED]Where stories live. Discover now