Chapter 9

995 36 0
                                    

Ella POV

"Lakas naman ng kain ng papa ko." nabigla naman si Papa ng makita ako.

"Anak nandiyan ka na pala." nasa hospital parin si Papa at thanks God nakakarecover na si Papa, ang taba na nga niya eh. paglabas nalang niya ang hinihintay namin.

"Opo Papa, kakatapos ko lang din kasi mag-ikot sa mga pasyente." nakangiting sabi ko rito.

"Kumain kana ba, sabayan mo na ako dito, pinaluto ni Don Carlos to sakin, ang sarap nga eh." masayang wika niya sakin habang sumusubo ng pagkain.

"Talaga ba, patikim nga." Lumapit ako sakanya at saka niya ako sinubuan.

"Oo nga Papa, mukhang mamahalin, ang sarap eh" nakalabas na si Don Carlos sa Hospital, sabi ni Theo okay na Ito at ngayong araw ay magpapaprescon tungkol sa nalalapit naming kasal.

"Anak, handa ka ba para sa kasal mo?" ngumiti naman ako kay Papa. pinakita ko sakanya na handa na ako kahit deep inside natatakot akong makasal.

"Papa, ako pa ba si Ella kaya Ito." napatingin kami ni Papa sa TV, nang ibalita na ang presconference ni Lolo.

Don Carlos totoo bang ikakasal na ang iyong Apo at Arrange Marriage daw po ito.?

Oo totoo yun, sa darating na araw na ang kasal ng Apo ko at ng Apo ng kaibigan ko, pangako na namin ng aking namayapang kaibigan Ito.

Matutupad na pala ang pangako niyo Don Carlos sa iyong kaibigan, anong pakiramdaman Don Carlos.

Masaya, masaya ako dahil maikakasal na ang Apo ko na isa sa hahalili sa posisyon ko sa kompanya.

pinatay ko ang TV at tumingin uli kay Papa.

"Anak bakit mo pinatay?" takang tanong nito.

"Ang ingay po eh, hehe kain nalang po tayo." napatingin kami sa pintuan ng may kumatok.

"Bes, kailangan mo ng umalis dito." nagtaka nanan ako sa sinabi ni Patrice.

"anong sinasabi mo diyan?" ika ko rito. hinawakan niya ang kamay ko at seryoso akong tiningnan.

"Bes, napanood mo ba ang balita? Ipinakita na sa mga tao kung sino ang mapapangasawa ng Apo ng C.E.O ng Celestial Corporation at bes ikaw yun."

"Sigurado ka bang pinakita na yung mukha ko dun sa balita?" tumango ito saakin at saka ipinakita ang phone niya. laking gulat ko naman ng makita ko ang mukha ko sa screen ng phone ni Patrice.

"Bakit nila pinakita." inis kong sabi.

"Anak, kahit di pinakita ni Don Carlos ang mukha mo ay malalaman parin yun ng Media." pagsingit naman ni Papa sa usapan namin.

"Bes, kailangan mo ng umalis ang dami ng reporter sa labas at hinahanap ka."

"Seryoso?" tumango naman ito sakin. napakamot ako sa ulo ko.

"Anong gagawin ko?" tanong ko. naisip ni Patrice na magpalit ako ng uniform kaya nagbihis naman ako. T-shirt na White and Black Jeans ang suot ko. may inaabot naman sakin si Patrice na face mask na  isinuot ko naman.

"Umalis ka na bes." tumingin naman ako kay Papa.

"Paano si Papa?"

"Ako na bahala kay tito." lumapit ako kay Papa at hinawakan Ito sa kamay.

"Papa magpagaling ka po." tumango naman ito saakin.

Lumabas ako sa kwarto ni Papa at nakita kong sa kanan ay maraming reporters na nagaantay sakin, kaya lang nandun ang mga bodyguard ni Lolo. naglakad ako ng dahan-dahan paalis kaya lang may isang reporter ang nakapansin sakin.

"Siya bayun?" sigaw nito. kaya tumakbo na ako ng mabilis para makaalis. nakita ko pa nga sila na hinahabol ako. nang makarating sa parking lot ay nagtago ako sa isang pulang kotse.

"Nasaan na siya?" tanong ng mga reporters. at saka dumiretso. nakahinga ako ng maayos ng makitang wala na sila, lumabas ako sa pinagtataguan ko at sumandal sa kotse.

*Peep*peep*

"Ay kalabaw." napatalon ako sa gulat ng bumusina ng malakas ang sinasandalan kong kotse.

"Hoy baliw get in." dumungaw naman sa kotse si Theo.

"Bakit?" tanong ko.

"Gusto mo bang pagkaguluhan ka ng Media o sasakay ka?" hindi na ako nag-inarte pa, kasi ayoko namang sumagot sa mga tanong ng mga reporters nayun, kaya sumakay na ako sa kotse niya.

"Dito ka umupo sa harap, wag mo akong driver." napakasuplado talaga nitong lalaking to. wala naman na akong sinabi sakanya, lumipat nalang ako ng maayos, ayoko rin makipagtalo dahil nagugutom na talaga ako. napahawak naman ako sa tiyan ko ng tumunog ito.

"I think you need to eat." tumatawang pang-aasar ni Theo sakin.

"Oo kailangan ko na nga kumain, pwede bang pakainin mo muna ako." inis kong sabi rito.

"You can eat me if you want." mas lalo akong nainis sa sinabi niya. kaya binatukan ko Ito ng malakas.

"What the, are you crazy gusto mo bang maaksidente tayo?" di ko nalang Ito sinagot dahil wala ako sa mood para sakanya.

Arrange Marriage with The Grandson of C.E.O [COMPLETED]Where stories live. Discover now