Chapter 11

989 31 0
                                    

Theo POV

ayaw mo buksan ah, naghanap ako ng pin sa cabinet para mabuksan ang pinto ng kwarto. and I'm so proud to myself dahil nabuksan ko nga yung pinto. patay ka sakin, baliw na babae ka. dahan-dahan kong binuksan ang pinto at laking gulat ng makitang kakalabas lang nito sa banyo at nakatakip lang ang katawan ng tuwalya.

"WHAAAAAAAAAA, MANYAKIS KA." sigaw nitong sabi saakin at pinagbabato ako ng unan.

"Hey, stop. ano ba tumigil ka nga." inis kong sabi.

"bakit ka ba nakapasok ha? nakasara yan ah."

"Because of this." ika ko sabay pakita ng pin.

"Sige dahil na diyan, lumabas kana dali." hindi ko naman siya pinakinggan at lumapit nalang sa kama at humiga. nakakapagod tong araw na to.

"Hoy, sabi ko labas." hinila-hila naman niya pero hindi ako nagpatinag sakanya, nakahiga pa rin ako.

"Ano ba bumangon ka nga." naiinis na ako sa babaeng to. hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya hinila ko siya palapit sakin. nagtitigan kaming dalawa habang nakahiga ako sa kama at siya naman ay nasa taas ko.

"hindi ako aalis, kaya mapapagod kalang kakahila sakin diyan." ika ko rito at saka siya binitawan. umalis naman siya sa pagkakapatong sakin.

"sige wag kang umalis bahala ka." rinig ko pang sabi nito at saka pumasok sa loob ng banyo.

mga ilang minuto lang din ay naramdaman kong may tumabi sakin sa kama at hinila yung kumot na gamit ko. hindi ko nalang pinansin ito at bumalik nalang sa pagtulog, pero di pa ako tumatagal sa pag-idlip ay nagising ako dahil sa paang pumatong sa mukha ko. tiningnan ko si Ella at nakita ko siya na nasa paahan ko na. inalis ko ang paa niya sa mukha ko at tumagilid. mas lalo akong nainis ng matuhod nito ang likod ko at naging dahilan sa pagkahulog ko sa sahig.

"Aishh, napakalikot mo matulog." hinagis ko naman yung unan sa mukha niya at saka kinuha yung kumot at inilagay sa sahig. hindi ako makakatulog kung ganyan siya kalikot.

Ella POV

iminulat ko ang aking mga mata at tumingin sa kisame ng may ngiti. hindi ko alam kung bakit ang sarap-sarap ng gising ko. umupo ako sa kama ko at nabigla ng makita si Theo na nakahiga sa sahig.

anong ginagawa kaya nito sa sahig. bumaba ako sa kama ko at lumapit kay Theo. wow, ganito pala ka-gwapo itong kumag na to. matangos ang ilong, may mahahabang pilik mata at mapupulang labi. napalunok ako ng mapadako ang mata ko sa mga labi ni Theo. di ko namalayan na ang kamay ko ay dumampi na sa mga labi nito. ang gaganda ng mga labi niya at ang lambot.

nabigla ako ng biglang gumalaw ang kamay ni Theo at hinawakan ang bewang ko at inilapit sakanya. biglang bumilis ang tibok ng puso ko na para bang nagpapaunahan ang mga blood cells ko sa sobrang bilis ng pagkabog. ilang inch nalang ang pagitan naming dalawa at naaamoy ko na rin ang mabangong amoy nito na paa bang hindi bagong gising.

"pinagnanasaan mo ba ako." bumalik ako sa katinuan ng sabihin niya yun. pinalo ko yung noo niya gamit ang kamay ko.

"Asa ka." bumangon ako at saka inayos ang sarili habang siya, tawa ng tawa.

"May nakakatawa ba dun ha?" inis kong sambit rito.

"HAHAHA your face HAHAHA." hindi siya matapos-tapos sa sasabihin dahil sa kakatawa niya.

"Tawa well kumag." inirapan ko lang siya at lumabas sa kwarto, nagugutom narin kasi ako. nagtungo ako sa kusina at naghanap ng makakain sa refrigerator pero ni isang pagkain wala akong nakita.

"ano bang refrigerator to, ni pagkain wala." inis kong sabi at saka isinara yung refrigerator. nakita ko naman si Theo na may hawak na gatas at tinapay with nutella pa.

"Hoy kumag saan mo naman yan nakuha?" tanong ko sakanya.

"Nag order ako, what is the use of cellphone diba kung di gagamitin." pagsusungit nito.

"What is the nye nye." bulong ko.

"may sinasabi ka?"

"Wala mag-oorder rin ako kasi nga diba may cellphone ako." sarcasm kong sabi.

"No need nagpaorder din ako ng Milk for you, here." inihagis naman niya yung isang gatas saakin buti nga at nasalo ko. kala ko sakanya niya lang yung dalawang gatas HAHAHA akin pala yung isa.

Arrange Marriage with The Grandson of C.E.O [COMPLETED]Where stories live. Discover now