Chapter 8

1K 40 0
                                    

nang magkausap kami ni Ella ay ipinaayos ko na agad saaking Secretary ang operasyon ni Alex  at ayos na ang lahat at maooperahan na Ito.

"Don Carlos maraming salamat." pagpapasalamat ni Ella saakin.

"Huwag kang mag-alala ija, maooperahan na si Alex ang isipin mo nalang ngayon ay ang maging successful ang operasyon niya." tumango naman ito saakin.

"Don Carlos natawagan ko na si Sir Theo at papunta na siya rito." tumango lang ako rito.

Theo POV

habang ipinapark ko ang kotse ko ay bigla namang tumawag si Agatha.

"Hello Babe." masayang bati ko rito.

[Babe I'm sorry hindi ako makakauwi nagkaproblema ang kompanya kaya baka matagalan ako sa pag-uwi.]

nalungkot naman ako sa sinabi ni Agatha. inaantay ko siyang umuwi dahil gusto kong pakasalanan na si Agatha, ayokong magpakasal kung kanino-kanino si Agatha ang gusto ko maging ina ng mga anak ko.

[Babe, nandiyan ka pa ba?]

"Yes, I'm here Babe. It's okay I'll wait for you." ibinaba ko na ang phone ko at naglakad papasok sa hospital.

Pagpasok ko sa loob ay nadatnan ko si Ella na nakaupo sa gilid ni Lolo.

"Apo, narito ka na pala." nakangiting sambit nito.

"Lolo, bakit nandito siya?" pagtataka kong tanong.

"Apo, umupo ka muna." umupo naman ako sa tabi kong nasaan si Ella.

"ihahanda na ang kasal niyo, pagtapos ng operasyon ng papa mo Ella. kailangang magpa
presconference tayo sa media." napatayo naman ako sa sinabi ni Lolo.

"ANO? kala ko ba ayaw mo magpakasal." tanong ko kay Ella.

"Magpapakasal na ako sayo, pasensya na." malungkot na sabi nito sakin. hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya palabas ng kwarto ni Lolo.

"Nababaliw ka na ba?" sigaw ko rito.

"Oo nababaliw na ako dahil magpapakasal ako sayo para mabuhay ang tatay ko." nabigla ako ng makitang tumulo ang mga luha nito at humagulgol sa pag-iyak.

"Desperada na ako Theo, ayokong magpakasal sayo pero gagawin ko to hindi para sa sarili ko kundi para sa buhay ng tatay ko. At saka wag ka mag-alala hindi ko papakialaman ang buhay na meron ka dahil kasal lang tayo sa papel at Hindi sa isa't-isa." pagkasabi niya nun ay iniwan niya akong tulala. nakokonsensya ako sa ginawa ko hindi ko alam nayun pala ang dahilan niya.

Ella POV

"Anak sigurado ka ba sa gagawin mo?" seryosong tanong ni papa sakin.

"Papa wag mo muna alalahanin ang tungkol sa kasal, ihanda mo na yung sarili mo sa operasyon." nakangiting sabi ko rito habang hawak ang kamay niya. kinakabahan ako sa operasyon na gagawin kay papa.

"Nurse Ella sisimulan na po yung operasyon." ika ng intern na Nurse sakin.

"Papa, ayan na. Papa fighting." sambit ko rito para mapalakas ang loob nito sa gaganaping operasyon. ngunit hindi ko mapigilan ang umiyak.

"Anak, kaya ni papa to." nakangiting wika ni papa at niyakap ako. tumango naman ako at saka bumitaw sa pagkakayakap ni Papa.

"Sige gawin niyo na po." dinala na si Papa sa loob ng operation room at di ako mapakali sa sobrang kaba.

"Bes, kalma please umupo ka nga muna." ika ni Patrice sakin.

"Bes, di ako mapakali. natatakot ako sa operasyon ni Papa."

"Wag kang mag-alala Bes kaya ni tito yan." tumango naman ako at inantay ang paglabas ng Doctor.

Maya-maya ay lumabas ang Doctor na nag opera kay papa.

"Doctor kamusta po?" tanong ko.

"The operation is successful and we need to observe your father but don't worry your father is safe now, oobserbahan nalang natin siya." sumilay ang ngiti sa aking mga labi dahil sa narinig ko. para bang nabunutan ako ng tinik sa puso.

Successful ang operasyon ni Papa at sobrang saya ko.

Theo POV

Pagtapos ng eksena kanina ay bumalik ako kay Lolo.

"Apo."

"Lolo, I'm sorry for what I did. papayag na ako magpakasal kong yan ang gusto mo at  ikakaligaya mo, but I don't promise na magiging okay kami." seryosong sabi ko. lumapit naman sakin si Lolo at niyakap ako ng mahigpit.

"Thank you Apo, dahil sainyo ang pangako namin ni Alejandro sa isa't-isa ay matutupad salamat talaga." hindi ko alam ang mararamdaman ko. pero tama si Ella sa papel lang kami kasal at hindi sa isa't-isa. gagawin ko to para sa Lolo ko, alam kung mas gagaling siya sa sakit niya kung susundin ko ang gusto niya.

Arrange Marriage with The Grandson of C.E.O [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon