Chapter 6

1.1K 43 0
                                    

Ikwenento na sa akin ang lahat ni Papa at ni Don Carlos. pero hanggang ngayon hindi parin nag sisink-in sa utak ko ang lahat.

"Ella, aantayin ko ang desisyon mo tungkol rito." ika sa akin ni Don Carlos.

"May desisyon na ako. hindi ako magpapakasal." seryosong sabi ko rito.

"Anak."

"Papa, sagrado ang kasal at ayokong makasal sa ni minsan ay di ko pa nakikita." pagkasabi ko nun ay umakyat agad ako sa kwarto ko.

hindi ko napigilan ang sarili ko na maiyak, oo matanda na ako at pwede na akong mag-asawa pero marami pa akong pangarap sa buhay. 24 years old palang ako at ang mapapangasawa ko ay hindi ko pa kilala at nakikita. paano ako papayag sa ganoong sitwasyon.

biglang tumunog ang pintuan ng kwarto kaya pinunasan ko agad ang aking mga luha.

"Anak." umupo ako ng maayos sa kama.

"Papa ayoko magpakasal, marami pa akong pangarap sainyo at gusto kong gumanda ang buhay natin." hinawakan ni papa ang kamay ko at pinunasan ang luhang tumulo sa mga mata ko.

"Anak magiging maganda ang buhay natin pag magpapakasal ka sa Apo ni Don Carlos at hindi lang yun. matutuwa pa ang Lolo mo sayo." nakangiting tugon ni papa sakin.

"Pero Papa gusto kong gumanda ang buhay natin sa paghihirap ko at hindi dahil magpapakasal ako sa Apo ng pinakamayaman na negosyante sa Pilipinas."

"Anak, desisyon mo yan at ang desisyon mo ay gagalangin ko dahil mahal na mahal kita anak." napahagulgol ako sa sinabi ni papa. niyakap ko ito ng mahigpit.

"Papa salamat." si Papa hindi ko talaga masyadong close pero simula ng nawala si Lolo at nagkasakit si papa ay napalapit na ako sakanya.

Bukas na bukas kakausapin ko si Lolo tungkol rito.

William Hospital

"Oh bes anong mukha yan?" pagtatanong ni Patrice sakin.

"Wala bes pagod lang siguro." pangangatwiran ko pero deep inside natatakot ako sa sasabihin ni Lolo.

"pagod, eh kakapasok palang natin napagod ka agad."

"Ay ikaw talaga, syempre nag rorounds tayo noh kada sulok ata ng hospital na may pasyente kailangan nating tinganan at icheck diba." Ika ko rito habang pilit kong ipinakita sakanya ang mga ngiti ko.

"Sabagay sakit na nga rin ng legs ko." pagrereklamo niya.

kailangan kong linawin kay Lolo ang lahat kailangan kong sabihin na hindi ako papayag na magpakasal sa Apo niya. nagpaalam naman ako kay Patrice na pupuntahan ko muna si Lolo.

pagkatok ko ay biglang bumakas ang pinto ng kwarto ni Lolo at saka ko nakita ang bodyguard niya.

"Ms. Ella narito ka na pala, pasok." masayang sambit nito saakin. ng makapasok ako ay nagulat ako sa lalaking tumambad sa harapan ko.

"IKAW." sigaw naming dalawa.

"Lolo, wag mong sabihin na siya yung sinasabi mong Apo ng kaibigan mo?" Sarcasm nitong wika.

"Yes Apo siya nga, mabuti at magkakilala na kayo magandang balita yan." nakangiting wika ni Lolo.

habang ako ay tulala sa mga nalaman ko. ang lalaking kumag na to, siya, siya ang papakasalan ko. sa supladong to ako magpapakasal. Isang malaking NO WAY.

"Lolo, tungkol sa Arrange Marriage." huminga muna ako ng malalim at nagsalita.

"Hindi po ako magpapakasal yun lang po salamat nalang po."

"Pero ija, paano ang pangako ng Lolo mo saakin. Ija magiging maganda ang buhay mo pag pinakasalan mo ang Apo ko."

"Lo, tama na wag niyo na guluhin ang buhay namin." inis na sabi ni kumag.

"Theo, manahimik ka." nabigla ako ng sumigaw si Lolo.

"Ikaw ang magpakasal kong gusto mo." inis na sabi ni Theo at saka lumabas ng kwarto. sinundan ko naman si Theo. at nakita ko na may tumawag sa kanya sa phone.

[Hello babe.] ika ng babaeng nasa kabilang linya.

"Babe."

[Babe, totoo bang magpapakasal kana?]

"Agatha hindi pa ako pumapayag."

[Pero bakit di mo sinabi Theo, bakit?] naririnig ko ang paghagulgol ng babaeng kausap ni Theo.

"Agatha let me explain please." pagkakasabi ni Theo nun ay binabaan naman siya agad nito ng telepono.

"Anong ginagawa mo rito?" ika nito saakin ng humarap. kita sa mata nito ang inis.

"Wala, wala napadaan lang." Nabigla ako ng Isinandal niya ako sa pader.

"Alam mo ba na kahit anong pag-ayaw mo ay gagawa ng paraan si Lolo, para matuloy lang tong bwesit na kasal na to." seryoso niyang sabi.

"pero ayoko nga diba, ayokong magpakasal sayo." tinulak ko naman siya ng malakas kaya napaatras Ito.

hindi naman na ulit siya nagsalita at iniwan lang akong tulala. napaupo ako sa sahig dahil sa panginginig ng tuhod ko.

Lolo Alejandro bakit mo ako iniwanan ng ganitong responsibilidad. sana panaginip nalang itong lahat. at sana bumalik na ang lahat sa normal. normal kung saan wala pang gumugulo sa utak ko.

Arrange Marriage with The Grandson of C.E.O [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon