Chapter 28

932 28 0
                                    

Ella POV

Sobrang aga kong nagising, hindi ko alam kung bakit, pero para bang ang ganda-ganda ng gising ko. bumangon ako at nagulat ng may nakitang pagkain sa Table at may papel sa ilalim. kinuha ko ito at binasa ang nakasulat.

Ella Silvestre Greigo

I'm so sorry for what happen, last night.
busy lang talaga sa work eh, kaya hindi kita nasundo kaya ito sorry breakfast nalang ang ipapambawi ko sayo.

Theo Silvestre Greigo

nang nabasa ko ang nakasulat ay biglang lumawak pa lalo ang ngiti ko, anong nakain niya at nagsulat siya ng ganito. but I appreciate his small effort. habang nag-aayos ako ng sarili ko ay naalala ko ang nangyari kagabi, dapat ko bang sabihin kay Theo na narinig ko rin. biglang nag ring ang phone ko kaya agad ko itong sinagot.

"Hello."

[did you eat your breakfast.] biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang boses ni Theo.

"Ah, Oo Salamat."

[That's Good, papasok ka ba ngayon?] tanong nito.

"Oo, nag-aayos na nga ako eh, Theo Happy Birthday." masayang bati ko sakanya.

[Thank you Ella, ibaba ko na to, ingat ka]

"ikaw din." nang patayin na ni Theo ay napaupo ako at biglang hinawakan ang dibdib ko.
sobrang bilis ng tibok ng puso ko at para bang walang ng bukas kakakabog.
bumalik lang ako sa katinuan ng may kumatok.

"Anak." napatingin ako sa pinto at nakita si Papa.

"Papa, hindi ka po ba pupunta sa kompanya." tanong ko.

"Pupunta pero isasabay na kita." sambit nito.

"ah ganun po ba, sige po." kinuha ko ang bag ko at saka lumabas.

habang nasa byahe kami ni Papa ay nagkwentuhan kami, tinanong ko rin kung kamusta siya sa kompanya. nung ikinasal kasi ako bihira na kaming nag-kakausap ni Papa, dahil minsan di na kami nagkakaabutan dahil sa work ko at work niya. mas lumakas na nga ngayon si Papa kesa nung dati.

"Papa, alagaan mo ang sarili mo ah para di na po bumalik ang sakit mo."

"Oo, anak wag kang mag-aalala kay Papa." ngumiti ito sakin.

"Nandito na pala tayo Ella." tumingin ako sa labas at nakita na ang hospital.

"Sige po Papa, mag-iingat po kayo." ika ko at saka lumabas ng sasakyan. inantay ko munang makaalis si Papa at saka pumasok sa Hospital.

"Bes." sinalubong naman agad ako ni Patrice.

"Bes." ika ko.

"Aba't ang ganda ata ng ngiti mo, anong meron."

"ah- ah wala to, ano kaba hehe." tiningnan naman niya ako ng napaka seryoso.

"may sakit kaba?" tanong nito na ikinatawa ko.

"baliw, lahat ba ng may sakit masaya." ika ko sakanya.

"hehehe Charot lang bes, mema ko lang yun."

"ay ewan ko sayo, tara na nga." niyaya ko na siya na pumasok sa loob. inilagay ko lang ang gamit ko at saka nag check ng mga pasyente.

"Hello, Nurse Ella." bati sakin ni Cassey. tumabi naman ako sakanya.

"Oh Cassey, kamusta kana."

"ito po wala parin pagbabago, nakahiga parin po ako dito." lumungkot naman ang mukha niya.

"Cassey, wag ka ng malungkot, gagaling ka na rin kaya fighting." masayang sabi ko sakanya.

"opo Nurse Ella." niyakap naman niya ako at ganun din ang ginawa ko sakanya.
simula ng naconfine si Cassey dito, ako na ang nagchecheck sakanya. kaya napamahal narin sakin ang batang ito.

"Oh sige na magpahinga ka na muna Cassey ah, babalikan ka ni Nurse Ella." tumango naman siya sakin.

nang makalabas ako sa kwarto ni Cassey ay nakasalubong ko si Doctor Lany.

"Ella, tatanggapin mo ba ang offer ko sayo?" inilabas ko yung papel na binigay sakin ni Doctor Lany.

"Doctor Lany, pasensya na po pero hindi ko po matatanggap ito." ibinalik ko sakanya ang papel.

"Desisyon mo yan Nurse Ella, wag ka mag-alala si Nurse Katherine na ang ipapalit ko sayo." nakangiting wika nito sakin.

"Maraming salamat po."

"Wala yun, I have to go." ngumiti naman ako sakanya.

"HOY." nagulat ako ng biglang sumulpot si Patrice sa likod ko.

"Ano ba Patrice, gusto mo ba akong atakihin sa puso." pagrereklamo ko.

"Ano yun? bakit di mo tinanggap ang offer."

"Ayoko lang." paliwanag ko.

"dahil ba kay Theo?" bigla naman akong nabigla ng sabihin niya iyon.

"Patrice." hinawakan niya ang dalawang balikat ko.

"kaibigan mo ako Ella, kaya kilala na kita at halata kaya." ngumiti naman ito sakin.

"Patrice." niyakap ko siya ng mahigpit.

"Umayos lang talaga yang Theo nayan, pag ikaw umiyak dahil sakanya kakalbuhin ko siya." natawa naman ako sa sinabi ni Patrice.

"Hindi naman niya alam na gusto ko siya."

"Edi sabihin mo." bigla naman lumungkot ang mukha ko.

"Para ano bes, para masaktan."

"bakit ka naman masasaktan?"

"dahil sa relasyon namin ako lang ang nagmamahal." bigla naman akong niyakap ni Patrice.

"Hindi mo malalaman, kung di mo susubukan." tugon naman sakin ni Patrice.

Theo POV

pagpasok ko palang sa kompanya ay lahat na ng empleyado ay binati na ako pero isa lang ang inaantay ko na bumati sakin at yun ay si Ella. at kanina ng tawagan ko siya ay nabati niya ako, kaya hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko.

"Happy Birthday Theo." napatingin naman ako sa pinto ng marinig si Agatha.

"Salamat Agatha." nakangiting sambit ko. may nilapag siyang pagkain sa harap ko kaya tiningnan ko siya.

"Salamat, para dito, mamaya ko nalang ito kakainin." ika ko at binaba ang mga dala niya.

"Theo pwede ba tayong mag-usap."

"Tungkol saan?" tanong ko sakanya habang nakatingin parin sa monitor ng Computer ko.

"Sorry Sir Theo, pinatatawag ka ni Don Carlos." tumayo ako at saka inayos ang sarili.

"I'm sorry Agatha, mamaya nalang tayo mag-usap." ngumiti ako at saka lumabas ng opisina ko.

Arrange Marriage with The Grandson of C.E.O [COMPLETED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin