Chapter 20

941 30 0
                                    

Don Carlos POV

"Good evening Don Carlos." bati ng mga maids namin.

"Good Evening, where's the lover?" I ask to the maid.

"nasa-" di ko na pinatapos ang maid sa pagsasalita ng makarinig ako ng tawanan.

nakita kong paakyat na sa taas sina Ella at Theo na nagkukulitan.

"nabusog kaba?"

"Oo busog na busog nga ako HAHAHA."

"patingin nga?"

"Ayoko nga HAHAHA."

"Hoy antayin mo ko." napangiti naman ako sa nakita ko.

"Don Carlos mukhang nagkakamabutihan na po sina Ma'am Ella at Sir Theo." ika ng secretary ko.

"Mabuti nga yun para narin magka-apo na ako HAHAHA." pabiro kong sabi.

Ella POV

Ang saya ko lang kasi napakain ko ng gulay ang isang kumag.

"HAHAHA alam mo ba ang reaksyon mo nung kumakain ka." pang-aasar ko kay Theo.

"Okay lang naasarin mo ko, sige lang Wala akong pake basta ako busog." ika nito at saka humiga sa kama.

"Hoy, umupo ka nga muna kakakain mo lang eh."

"Humiga ka rin kaya." nabigla ako ng hilahin niya ako pahiga sa kama. ngayon magkatapat na kami sa isa't-isa, nakatagilid kami parehas at ilang inch lang ang layo.

"salamat." nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"Ha?"

"wala sabi ko panget ka." sambit nito at pinitik ako sa ilong.

"Aray." reklamo ko dito, gaganti pa sana ako ng biglang mag ring ang phone niya, kinuha naman niya Ito at nakita ko ang taong tumatawag. walang iba kundi si Agatha. tiningnan niya ako na para bang nagtatanong.

"di mo ba sasagutin yan? sagutin mo na baka importante yan." nakangiting sabi ko.

"sige I'll be right back." ngumiti lang ako at saka naman siya lumabas sa kwarto.

naiwan ako sa kwarto kaya, naglinis nalang ako ng katawan pero paglabas ko sa banyo wala parin si Theo. inisip ko nalang na importante siguro yung pinag-uusapan nila. humiga ako sa kama pero pagkahiga ko ay biglang tumulo ang mga luha ko. hindi ko alam kung bakit pero sobrang bigat ng nararamdaman ko, para bang tinutusok ng karayom yung dibdib ko.

"bakit ba ako naiiyak."

Theo POV

Natagalan kami sa pag-uusap ni Agatha kaya pagbalik ko sa kwarto ay nakita kong tulog na si Ella, nilagyan ko siya ng kumot at inaayos ang pagkakahiga niya, napansin ko nga na basa ang unan niya.

"bakit basa tong unan, umiyak ba siya?" bulong ko at hinaplos ang pisngi niya. nabigla ako ng makapa ko na pati ang pisngi niya ay basa.
bakit siya umiiyak? may problema ba siya?.

*Ring*Ring*

kinapa ko ang phone ni Ella sa lamesa at ito ay pinatay, grabe naman tong babaeng to mag-alarm di naman nagigising. dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at nakita ko sa tabi ko si Ella, nakayakap sakin habang ginagawang unan ang braso ko, kaya pala namamanhid ang braso ko dahil sa babaeng to. tiningnan ko siya at nakita ko ang maamo niyang mukha.

ilalagay ko sana ang ulo niya sa unan kaya lang bigla siyang yumakap sakin, nagtaka naman ako ng biglang bumilis ang tibok ng puso ko. napahawak ako sa dibdib ko.

"What's wrong with me?" bulong ko. natulak ko naman si Ella ng malakas kaya nahulog ito sa sahig.

"Aray." napatayo ako ako at tiningnan Ella na nakahiga sa sahig.

"Sorry I'm sorry, Ella."

"baliw ka ba ha? anong trip at tinulak mo ko?" tanong nito sakin. anong idadahilan ko Aishhh.

"Ah kasi may Ipis tama Ipis sa balikat mo kaya natulak kita, sorry talaga." tinulungan ko naman siyang tumayo pero inalis niya ang pagkakahawak ko.

"Ipis, Ipis ka diyan." sambit nito at saka pumasok sa banyo.

"Sorry na Ella." sigaw ko.

Arrange Marriage with The Grandson of C.E.O [COMPLETED]Where stories live. Discover now