Chapter 7

1K 39 0
                                    

"Bes, may chika ako sayo." tiningnan ko naman agad si Patrice.

"Ano naman yun?." tanong ko sakanya at saka bumalik sa pagaayos ng mga papers ng mga pasyente.

"Si Doctor Alvin babalik na dito." kinikilig na sabi niya sakin.

"Talaga ba, magandang balita yan." sambit ko rito. ibigsabihin tapos na ang kontrata ni Doc Alvin sa Switzerland.

"Bes, gwapo parin kaya siya, maganda parin kaya yung mga smile niya." hay nako Ito talagang babaeng to, patay na patay kay Alvin.

Si Doctor Alvin ay kilala rito sa William Hospital bilang isang pinakamagaling na Doctor kaya lahat ng mga Nurse at Doctor's ay humahanga sakanya.

"Nurse Ella." napatingin naman ako sa tumawag sakin.

"Hi, Brian kamusta kana?" masayang tanong ko rito. siya ang isa sa mga matagal na pasyente dito sa hospital, may Cancer kasi kaya Ito na ang naging tirahan niya.

"Nurse Ella Good news po, makakalabas na po ako." masayang-masayang tugon nito saakin. binitawan ko ang mga papel at saka hinawakan si Brian.

"Talaga ba, Yehey makakalabas na ang Brian namin." sa sobrang tuwa ko at ni Brian ay napatalon-talon kami.

"Wow Brian congrats." ika naman ni Patrice.

"Salamat ate Patrice, pero sabi ni Doc Lany kailangan ko parin maging healthy para hindi na bumalik ang Cancer ko."

"ikaw paba kaya mo yan Brian." wika ko upang lumakas ang loob niya na. natutuwa ako dahil sa tagal ng panahon na namalagi si Brian sa Hospital, ngayon ay nasuklian na because He is already Cancer Free.

sa buong araw paikot-ikot sa Hospital ang ginawa ko. mahirap maging Nurse pero Ito ang tungkuling kinuha ko dahil dito ako masaya.

"Nurse Ella patingnan naman ang pasyente sa Room 9."

"Sige."

after kong macheck ang lahat ay umupo muna ako at saka nagpahinga saglit. di rin naman matagal ang pagpapahinga ko dahil may mga pasyenteng dumarating.

"Bes, una na ako sayo ah." pagpapaalam ko kay Patrice. tapos na kasi ang shift ko.

"Sige Bes ingat ka ah."

"Sige Bes." niyakap ko lang at saka ako umalis ng Hospital, gabi na pala, dumaan ako sa bilihan ng mga ulam para bumili ng iuulam namin ni papa. sumakay ako sa bus ngayon dahil sa kamalas-malasan ay flat ang gulong ng motor ko.

nang makarating ako sa bahay ay agad kong hinanap si papa.

"Papa nandito na po ako." nagtaka ako dahil walang sumagot. kaya ibinaba ko ang ulam na binili ko at mga gamit ko.

"Papa." binuksan ko ang kwarto ni papa at laking gulat ko ng makita si papa na nakahiga sa baba ng kanyang  kama. agad-agad akong lumapit sakanya at inalog-alog siya.

"Papa, papa gising." kinapa ko ang pulso ni papa at naramdaman kong buhay pa ito kaya nagsisigaw ako ng tulong. lumapit naman ang mga kapitbahay namin at agad na isinakay si Papa sa kotse.

"Papa, please gumising ka, kuya pakibilisan po." umiiyak na tugon ko. papa please gumising kana di ko alam gagawin ko kung pati ikaw mawawala.

nang makarating kami sa William Hospital ay isinakay namin agad si Papa sa Stretcher.

"Bes, anong nangyari kay tito?" nag-aalalang tanong ni Patrice.

"Pag-dating ko sa bahay, nakita ko ng ganyan si papa." niyakap ako ni Patrice para patahanin sa paghagulgol.

"Bes, di ko na kaya pag nawala pa si Papa."

"Wag ka ngang nega diyan, magiging okay lang si tito okay." niyakap lang ako ni Patrice habang inaantay ang paglabas ng Doctor. maya-maya ay lumabas na si Doc Elise.

"Doc, kamusta na po si Papa." pag-aalala kong tanong rito.

"nagcollapse ang dad mo Nurse Ella dahil sa sakit niya."

"Doc anong gagawin po natin?"

"Kailangan nating operahan ang tatay mo as soon as possible pero kailangan mo rin na magtabi ng P50,000 sa operasyon."

"P50,000, saan ko kukunin yun Doc?" napaupo naman ako sa sobrang panginginig ng katawan.

"Bes."

"Patrice, saan ako kukuha ng ganun kalaking halaga? sa utang palang namin hirap na ako bayaran Ito pa." daing kong sambit sakanya.

"tutulungan kita, papautangin kita kung kailangan."

"Bes." niyakap ko nang mahigpit si Patrice.

ano na gagawin ko, siguradong hindi lang P50,000 ang magagastos namin dahil sa mga gamot pa. Lolo, Mama please tulungan niyo po ako magisip kung paano ang gagawin ko.

Don Carlos POV

*Tok*Tok*

"Oh ikaw po pala Nurse Ella." rinig kong sabi ng Secretary ko.

"Si Nurse Ella bayan?" sabi ko.

"Don Carlos" nakita ko ang nagmumugtong mata ni Ella kaya umupo ako ng maayos.

"Ija, anong problema?" takang tanong ko.

"Don Carlos kailangan ko po ang tulong niyo."

"Ano iyon ija?"

"Kailangan po kasi operahan si Papa at P50,000 ang halaga ng operasyon." nabigla ako ng humagulgol si Ella sa harap ko.

"Don Carlos magpapakasal na po ako sa Apo niyo para lang mabayaran ko ang utang ko sainyo, tulungan mo lang po ang papa ko." nilapitan ko siya at hinawakan ang likod.

"Ija, tutulungan kita wag kang mag-aalala sa lahat ng babayaran mo. parang anak narin ang turing ko sa papa mo." sambit ko rito.

Arrange Marriage with The Grandson of C.E.O [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon