Chapter 1

2.1K 57 7
                                    

Theo POV

"sir, Theo pinatatawag po kayo ng inyong Lolo." sambit ng maid namin.

"para saan daw? nakikita mong naglalaro ako diba." ika ko rito. alam na naglalaro ako, mangiistorbo. ano nanaman kayang problema ni Lolo.

"ano naman ang pinagkakaabalahan mo apo." napatingin agad ako sakanya ng sumulpot ito sa harapan ko. binitawan ko ang cellphone ko at saka tumingin kay lolo nang nagtataka.

"lolo." unsad ko, umupo naman ito sa sofa na kaharap ko.

"matanda ka na apo, and you know  that you will replace me in our company. Kaya gusto kong maikasal kana as soon as possible." lumaki ang mata ko sa sinabi ni Lolo.

"kasal, Lolo are you serious about that. No way, masaya pa ako sa buhay ko ayokong magpakasal." inis kong sabi rito.

"wala ka ng magagawa apo, dahil pinagkasundo na kita sa apo ng aking kaibigan. Simula palang ipinangako na namin sa isa't-isa na ipapakasal namin ang mga apo o anak namin, kaya lang parehas mga lalaki ang mga naging anak namin."

"kaya ako ang guguluhin niyo. ganun bayun lo, ayoko, never hindi ako magpapakasal kong kanino-kanino." tumayo ako at saka umalis.

nagdrive ako papunta sa bar nila Zach, tinext ko narin siya na pupunta ako. nakakainis si Lolo bakit siya ganun, I have my own life, bakit siya ang dapat magdesisyon sa buhay ko.

*Peep*

WTF, sino ba tong babaeng to na walang takot na tumatawid sa Highway. Lumabas ako at tiningnan yung babaeng nakaupo sa kalsada.

"aray, yung pwet ko." pagrereklamo niya.

"miss, are you crazy. bakit tumatawid ka nalang bigla-bigla, ha!!" inis kong saad rito. tumayo naman agad ito at saka tumingin sakin.

"sir, pasensya na po nagmamadali lang ako may nangyari kasing aksidente doon." itinuro naman niya yung kumpulan ng tao.

"at gusto mo sumunod ako sakanya. hindi mo ba alam na pwede rin akong maaksidente sa ginawa mo!!"

"sir, pasensya na po talaga."

"aishh, tatanga-tanga kasi." pasakay na sana ako ng maramdaman ko ang malakas na paghampas sa likod ko.

"hoy mr. humingi na ako ng tawad lahat-lahat dahil alam kong kasalanan ko. pero para sabihan mo ko ng ganyan nakakabastos kana."

"Ella tara na." hindi na ako nakapagsalita ng may tumawag sa babaeng muntik ko ng masagasaan. pumasok nalang ako sa kotse at pinaandar nalang Ito. aishh, mas lalo  pang uminit ang ulo ko dahil sa babaeng yun.

Don Carlos POV

"Don Carlos, nahanap na po namin ang apo ng kaibigan niyo."

"nasaan siya? ang kaibigan ko nasaan rin siya?"

may kaibigan akong tinuring ko ng kapatid, nung bata pa ako siya na ang kasama ko sa lahat ngunit nagkahiwalay kami ng bumagyo sa dating bayan kung saan kami lumaki at nagkaisip. mula noon hindi ko na nakita si Alejandro, bago kami magkawalay ng aking kaibigan ay ipinangako na namin sa isa't-isa na ipapakasal ang anak o ka-apo-apohan namin at Ito na ang pagkakataon nayun.

"Don Carlos, matagal na pong patay si Alejandro."

"Ano?" pagkabigla ko.

"namatay sa sakit sa puso si Alejandro at bago siya mawala ay nagkaanak Ito ng isang lalaki at ngayon ay may asawa na Ito at isang anak na babaeng kasing edad ni sir Theo."

matapos kong marinig ang lahat ay agad na pumunta kami sa puntod ni Alejandro. ang ipinangako ko sakanya ay tutuparin ko tanda ng pagkakaibigan namin. at kahit anong mangyari ay gagawin ko ang lahat para lang maikasal ang apo ko at apo Ni Alejandro.

"apo, lasing kaba?" pagtataka kong tanong kay Theo.

"lolo, hindi ako lasing, nakainom lang ako. sige aakyat nako." bago siya umakyat ay nagsalita na ako.

"apo, kailangan mo ng makasal sa apo ng kaibigan ko."

"LOLO ILANG ULIT KO BANG SASABIHIN NA HINDI AKO MAGPAPAKASAL." sigaw nito sakin.

"apo, nabibilang na ang araw ko sa mundo kaya please apo."

"lolo, ayoko magpakasal. Tama na." tinalikuran niya ako at naglakad paalis.

Theo POV

Di pa ako nakakaalis ng may marinig ako na nabasag. tumingin ako sa likod ko at nakitang nakahiga na si Lolo sa sahig. agad-agad akong tumakbo rito at hinawakan si Lolo.

"Tulong, Tulong" sigaw ko.

"Lo wake up, Lolo" lumapit agad samin ang mga maid at driver

"Sir, anong nangyari?" tanong ng maid namin.

"I don't know, Restart the Car Now." sigaw ko sa mga Ito. hindi ko alam ang gagawin ko pag nawala si Lolo. Oo pasaway at makulit akong Apo pero mahal na mahal ko si Lolo.

nang makarating kami sa hospital ay agad na inilalayan ng mga nurse si Lolo, na ilagay sa stretcher.

"Doc, please do everything for my Lolo."

"Yes, Sir" nag-antay ako ng ilang minuto. maya-maya ay lumabas na ang Doctor.

"Doc, What happen?. Okay na ba ang Lolo ko?"

"Okay na ang Lolo mo pero kailangan niyang maconfine dito sa hospital, meron pong stage 2 cancer ang lolo mo kaya kailangan natin itong maagapan."

"Cancer."

"Don't worry Sir, kayang maagapan ang Cancer ng Lolo mo."

"Doc, gawin niyo ang lahat para maagapan Ito." sabi ko sa Doctor.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hi, guys vote and comment your feelings while reading  every chapter thank you^_^

Arrange Marriage with The Grandson of C.E.O [COMPLETED]Where stories live. Discover now