Chapter 32

945 26 0
                                    

Theo POV

I am here in the Garden with Zach and Andrew, medyo nagkayayaan na mag-inom eh kaya nauna na kami puro kasi party-party at plastikan ang ganap sa exact place ng celebration ko.

"Bro, Happy birthday ulit." tugon ni Zach.

"Thanks Bro." ika ko naman sabay lagok ng alak.

"Anyway bro, anong balak mo? kailan mo sasabihin kay Ella ang totoo?" tanong nito sakin.

"di ko alam." sagot ko.

"Eh si Agatha bro anong balak mo?" napatingin naman ako kay Andrew.

"Wala na kami ni Agatha bro." unsad ko at uminom ulit.

"So tell her, para di na siya masaktan, alam mo naman na concern lang ako kay Agatha dahil naging magkakababata parin tayong apat."

"Don't worry bro kaya nayan ni Theo." ika ni Zach habang nakapatong ang kamay nito sa balikat ni Andrew.

"Theo can we talk?" nagulat naman kami ng makita si Agatha.

"For what?" I asked her.

"Pwede bang yung tayo lang sana?" tumingin ako kala Zach at Andrew.

"Bro it's okay, baka importante ang gustong sabihin ni Agatha." unsad ni Zach. humarap ulit ako kay Agatha at saka tumayo.

Naglakad kami ni Agatha at nagpunta kami sa may Veranda kung saan kami lang ang tao, lahat kasi ng tao nasa ibaba para magsaya.

"Agatha, anong gusto mong pag-usapan?" seryosong tanong ko.

"About our relationship, Theo tell me if you are still inlove with me?" seryosong unsad nito at saka hinawakan ako sa braso. hinawakan ko ang kamay niya at unti-unting ibinaba.

"Agatha, I'm sorry." wika ko dito.

"Theo why? kala ko ba ako lang, kala ko ba mahal mo ko!!" wika nito.

"Agatha oo mahal kita. noon, pero wala na akong nararamdaman sayo ngayon." sigaw ko.

"It's because of your stupid wife." inis niyang sabi. medyo nainis naman ako sa sinabi niya kaya hinawakan ko ang braso niya ng mahigpit.

"Agatha bakit nagkakaganyan ka? hindi yan ang Agatha na nakilala ko, ang Agatha na nakilala ko ay yung mabait at walang taong inaapakan at lalong hindi mapanghusga." binawi niya sakin ang braso niya at  hinawakan ako sa mukha.

"Alam mo kung bakit ako nagkakaganito? Because I love you, I love you so much Theo." nagulat naman ako ng hinalikan niya ako.

Ella POV

Nasaan na ba yung lalaki na yun, kanina pa siya pinapahanap sakin ni Lolo, sabi nila Zach at Andrew kasama daw si Agatha may pinag-usapan. pero nalibot na ata namin ang buong bahay.

"Ella, Ella." napatingin naman ako kay Alvin ng tawagin niya ako.

"Hmm.." nabigla ako ng niyakap niya ako ng sobrang higpit.

"Hoy, Alvin ano ba ginagawa mo?" pagtataka kong tanong rito. kumawala ako sa pagkakayakap niya at agad na tumingin sakanya.

"Alvin." tawag ko sakanya pero sa iba siya nakatingin at hindi sakin.

"Ano ba kasi yung tinitingnan mo." tumalikod ako at saka nabigla sa nakita ko.

Theo and Agatha kissing in front of me. para bang kumirot bigla ang dibdib ko kaya napahawak ako dito. hindi ko na kinaya ang mga nakita ko kaya umalis na ako. may tumulong mga luha sa mata ko habang naglalakad palayo.

"Ella." rinig kong sigaw ni Alvin pero hindi ako huminto sa paglalakad.

bakit sobrang sikip ng dibdib ko, bakit hindi ako tumitigil sa pag-iyak, nakakainis na bakit ba kasi ako nasasaktan dapat handa na ako sa ganito eh!! kasi ako lang naman ang may gusto sakanya at alam ko na wala siyang nararamdaman sakin.

"Ella." napahinto ako ng may humatak sakin at niyakap ako.

"Ella, Please tama na." wika ni Alvin.

"Alvin." hindi ko napigilan ang humagulgol sa balikat niya. habang umiiyak naman ako ay dahan-dahang hinahaplos ni Alvin ang likod ko.

"Bitawan mo siya." nagulat ako ng dumating si Theo at sinuntok si Alvin.

"Siraulo ka, sabi ko na eh!! may gusto ka kay Ella." sinuntok naman ulit niya si Alvin.

"Ano naman kung gusto ko si Ella, oo gusto ko nga siya ano namang pake mo." napatingin naman ako kay Alvin sa sinabi niya.

"Gago ka pala talaga eh!!" inambahan nanaman niya si Alvin pero pumagitna ako.

"TAMA NA SABI EH!! tumigil ka na Theo." pagkasabi ko nun ay tumalikod na ako sakanila.

"Ella." napahinto naman ako ng hinawakan ako sa kamay ni Theo.

"Ella yung kanina, wala lang yun, pangako." unsad nito sakin. humarap ako at pinunasan ang mga luha ko.

"Wala Theo, wala ba yung naghahalikan kayo ni Agatha, Theo tama na alam ko naman eh na kahit kailan di ko mapapalitan si Agatha diyan sa puso mo." habang sinasabi ko yun ay hindi tumitigil ang mga luha ko sa pagpatak.

"Please Ella, maniwala ka naman sakin hindi ko na mahal si Agatha."

"Theo tama na ang lokohan, alam naman natin na napilitan kalang sakin eh dahil kay Lolo na nagpanggap na may sakit, pero ngayon alam muna, bakit hindi mo gawin ang gusto mo?"

"Ella, alam mo yung kay Lolo?"

"Oo narinig ko rin nung gabing yun, masaya kana."

"Ella naman." hinawakan niya ang dalawa kong kamay.

"Theo mag divorce na tayo." wika ko at binawi ang mga kamay ko pero hindi ito binitawan ni Theo.

"Divorce ? hindi ako papayag Ella, ayoko." nabigla ako ng may tumulong luha narin kay Theo.

"Theo hindi ko na kaya, nahihirapan na ako." hinatak ko ang kamay ko sakanya at naglakad paalis. patuloy parin ang pag-iyak ko hindi ko na nga alam kung saan ako pinunta ng mga paa ko. ang bigat-bigat ng nararamdaman ko ngayon.

Arrange Marriage with The Grandson of C.E.O [COMPLETED]Where stories live. Discover now