Chapter 2

1.4K 51 1
                                    

nandito ako sa kwarto ni lolo at inaantay siyang magising, dahil sa nangyari kay Lolo ako muna ang magpapatakbo ng kompanya namin.

"apo." agad-agad akong lumapit kay lolo at hinawakan ang kamay nito.

"lo, okay na ba ? may masakit ba?" pag-aalalang tanong ko sakanya.

"I'm fine ijo, apo please sana pumayag ka na sa pagpapakasal, alam kong hindi na ako magtatagal sa mundo. bago man lang ako mawala ay makita ko sana ang aking magiging anak mo."

hindi ako makasagot sa tinuran ni lolo, ang hirap magdesisyon, para sakin ang kasal ay isang mahirap na bagay na papasukin ko. pero mahal ko si lolo.

"lolo, pag-iisipan ko po, give me a time to decide about the Arrange Marriage. sa ngayon lo, magpagaling ka." biglang nagring ang phone ko kaya nagpaalam muna ako kay lolo.

Don Carlos POV

Nag-paalam si Theo na pupunta sa kompanya at sinabi rin nito saakin na magtatagal ako dito sa hospital, kaya siya muna ang magpapatakbo sa kompanya.

"nakausap muna ba ang Doctor." tanong ko sa aking secretary.

"oo, Don Carlos lahat ng plano ay umaayon ngayon saatin." sagot nito sakin.

"siguraduhin mong hindi ito malalaman ng apo ko at ng kanyang mapapangasawa, hanggat hindi pa sila nagkikita." masayang tugon ko sakanya.

"oo, Don Carlos makakaasa po kayo."

Ella POV

Kakatamad, kanina pa ako round ng round wala man lang gusto ako palitan. di naman ako tanod, Nurse ako huhu.

umupo muna ako dahil sa sakit ng paa ko, kakalakad.

"Ella, pinatatawag ka ni Doctor Lany."

"ako, bakit daw?" takang tanong ko sa kasamahan ko.

"ewan."

"hala, baka may ginawa ka nanaman bes." pang-aasar sakin ni Patrice, kaibigan ko.

"wala akong ginawa dun, baliw."

"puntahan, muna dali." Ika nito at saka ako pinagtutulak.

"oo na chill." nagmadali na ako dahil baka masermunan nanaman ni Doc kaya lang dahil sa pagmamadali may nakabangga ako at nahulog ang mga gamit ko.

kainis, naman ngayon pa. kinuha ko yung mga nahulog na gamit at saka tumingin sa lalaking nakabangga ko.

"IKAW NANAMAN" sigaw naming dalawa.

"hoy miss, are you stalker. dalawang beses na to." inis na sabi nung kumag.

"stalker your face, ikaw nga diyan sulpot ng sulpot kong saan." inis kong sabi sakanya.

"whatever, wag ka na magpapakita sakin, you irritating my eyes." ika nito sakin at saka dinuro-duro yung noo ko.

"aba't siraulo ka pala eh. gusto ko ba na makita ka ha! kung alam mo lang, inis na inis na ako sayo napaka-yabang mo at anong irritating, irritating ka diyan, wag mo akong inenglish diyan. ALIS." sabi ko rito at saka binangga siya.

nakakainit ng ulo yung kumag nayun, kala mo kung sinong gwapo. di ko napigilan ang sarili ko kaya nasipa ko ang pinto ng opisina ni Doctor Lany.

"Galit kaba Nurse Ella?" patay, sira ka talaga Ella.

"Doc, pasensya na po sorry po, sorry po talaga." paghingi ko ng tawad.

"Take a seat Nurse Ella." umupo naman ako bago pa magalit lalo si Doc.

"Doc, bakit niyo po ako pinatawag?" mahinahon kong tanong rito.

"yesterday, may naisugod na matandang negosyante sa Hospital and gusto kong ikaw ang mag-alaga sakanya." anong nakain nito ni Doc. bakit ako ang gusto nitong mag-alaga sa negosyanteng yun.

"Doctor bakit po ako?"

"ayaw mo ba Nurse Ella." ayaw agad nagtatanong nga ako eh echuserang Doctor to.

"Ah- eh hindi po, sige po ako na po ang mag-aalaga sakanya." nakangiting sabi ko.

"Good, nasa Room 211 siya. Go Meet Him." tumango naman ako at saka lumabas sa opisina niya.

Ang weird ah, ang daming Nurse bakit ako pa. Huhu dagdag trabaho nanaman. pinuntahan ko na yung room na ibinigay ni Doctor Lany.

"Wow, nasa private room pala Ito." dahan-dahan kung binuksan ang pinto at tumambad saakin ang isang  matanda na nakahiga sa napakalaking kama.

"Ija, Come in." pumasok ako sa loob at lumapit sakanya.

"Hello po, ako po yung Nurse na naka-assign para mag-alaga  sainyo Sir." nakangiting bati ko sakanya.

"Ikaw pala yun Ija, call me Lolo." nakangiting sabi rin nito sakin.

"Ah, hindi po Sir, pasyente ka po rito at saka nakakahiya po."

"Wag kang mahiya ija, dahil masasanay ka rin pag ikinasal na kayo ng apo ko."

"Ha, kasal? Apo." pagtataka kong tanong.

"Ah Nurse, wala yun, si Don Carlos kasi may apo at malapit ng ikasal." pagpasok sa usapan ng lalaking katabi ni Don Carlos.

"Ah, ganun po ba sige."

pagtapos ng pakilala portion ay kinuhanan ko na ng temperature si Lolo. Well ayaw niya kasi na Don Carlos itawag ko sakanya kaya Ito Lolo na ang tawag ko sakanya.

Aishh namiss ko tuloy ang Lolo ko. wala na ngayon si Lolo nasa heaven na siya kasama si Mommy. Lolo's girl ako, bakit ? Si Lolo kasi ang nagpalaki sakin habang si papa ay nagtratrabaho sa ibang bansa. Si Mommy naman namatay after akong ipanganak. pero nang iwan kami ni Lolo bigla naman nagkasakit si papa kaya nabaon kami sa utang na  hanggang ngayon pasan ko, kaya kahit bakasyon or day off ko sa work may ginagawa parin ako upang kumita.

"Lolo, babalikan po kita tomorrow. bye." pagpapaalam ko kay Lolo.

"sige, apo. salamat."

Arrange Marriage with The Grandson of C.E.O [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon