Chapter 10

1K 39 0
                                    

bumili kami ng pagkain sa Mcdo at sa kotse namin ito kinain, di na kami lumabas ng kotse Drive thru lang dahil kaming dalawa ay laman na ng TV at newspaper.

"kanina ko pa talaga gustong kumain kaya lang isang kutsara lang yung nakain ko dahil sa bwesit na mga reporters." pagrereklamo ko.

"halata naman." niyaya ko si Theo na kumain pero sabi niya hindi siya gutom kaya bahala siya.

"brrrr, excuse me."

"Lalaki ka ba grabe ah." ika nito sakin. ngumiti nalang ako at nag peace sign.

mga ilang oras din ay huminto kami sa napaka eleganteng bahay, ewan ko nga kung bahay ba to o mansion sa sobrang laki.

"Bahay niyo to?" tanong ko. tumango naman siya at pumasok sa loob. sumunod naman ako sakanya at lalong namangha pagkapasok.

grabe ganito pala talaga kayaman ang C.E.O ng Celestial Corporation. nakakahilo tingnan ang bahay. may mga maids na nagsisiyuko samin.

"Where's my Lolo?"

"nasa office niya ho Sir Theo." sa sobra kong paghanga sa bahay nila ay di ko namalayan na huminto na pala si Theo kaya nauntog ako sa likuran nito.

"Ano ba sabihin mo naman sakin kung hihinto ka." ika ko rito habang hawak ang noo ko.

"wag ka kasing tatanga-tanga." upakan ko kaya to aishh. binuksan niya ang pinto ng opisina. Ito ata ang office ni Lolo.

"We're here Lolo." ika ni Theo. tumambad naman saamin si Lolo na nakaupo at ang Secretary niya.

"Theo, Ella I'm happy to see you both, umupo kayo." pagkasabi nun ni Lolo ay umupo kaming dalawa sa harapan niya.

"Because both of you is topic in the newspaper. kailangan niyo mo ng magsama."

"magsama po Lolo?" gulat kong tanong.

"Oo ija, malapit na ang kasal niyo kaya dapat kayong maghanda, kaya ija hindi ka na babalik sa hospital bilang Nurse."

"pero Lolo tungkulin ko po ang alagaan ang mga pasyenteng nasa hospital at pangarap ko na po ang maging Nurse."

"Yeah, I Know pero you are soon to be wife of the Grandson of C.E.O kaya hindi mo na kailangan pang magtrabaho." nalungkot naman ako sa mga sinabi ni Lolo, ibigsabihin pala nun last na ang pagtratrabaho ko sa hospital.

"Lolo, hayaan niyo si Ella magtrabaho sa hospital pagkatapos naming ikasal." napatingin naman ako sa sinambit ni Theo. bakit niya kaya iyon sinabi?

"Apo."

"Lolo, kung pipigilan niyo siyang magtrabaho sa hospital parang inalisan niyo narin ng kalayaan si Ella." wow, mabait rin pala tong lalaking to. kala ko masamang tao siya at mayabang may puso rin pala.

"Oh siya sige you can work in the hospital after your wedding ija." napangiti naman ako ng sobrang lawak dahil sa narinig ko.

"Salamat po Lolo, Salamat."

"Sige na pumunta na kayo sa bahay niyo, Apo." ano daw bahay namin?

"Bahay po namin? kala ko po ba dito po kami titira?"

"No ija may sarili na kayong bahay ni Theo." seryoso sariling bahay.

"Sige Lolo aalis na po kami."  hinawakan naman ako sa kamay ni Theo at hinila palabas, hindi na nga ako nakapagpaalam kay Lolo.

"Hoy Theo malayo ba yung bahay na sinasabi ni Lolo."

"Hindi."

"lumang bahay ba?."

"Bakit ba ang dami mong tanong." Aishh nagkamali ako masungit at masama parin pala tong lalaking to, nagtatanong lang eh. hindi na ako ulit nagsalita dahil ayokong makipagaway sakanya. buti at tinulungan niya ako kung hindi kanina ko pa siya nabatukan.

Nakarating kami sa bahay na sinasabi ni Lolo, simple lang ito at hindi kagaya sa bahay nila Lolo na mansion. pagpasok nga namin, nilibot ko agad ang bahay, nakakahilo nga dahil sa sobrang ganda at dahil din sa mga chandelier. Bali 3 kwarto ang meron. pero nakalock ang dalawa. kaya dali-dali akong bumaba at hinanap si Theo.

"Theo bakit nakalock ang dalawang kwarto?" takang tanong ko.

"Hindi ko alam."

"Saan ka matutulog?"

"Edi sa bukas na kwarto" seryosong tanong niya.

"eh ako saan?"

"Bahala ka, malaki naman ang bahay. kahit saan pwede ka matulog." siraulo ba siya alam kong malaki ang bahay.

"ano ka ikaw sa kwarto ako dito sa baba, di ako papayag. dito ka matulog." wika ko at saka tumakbo ako pataas at agad na pumasok sa loob ng kwarto na bukas at inilock ang pinto. narinig ko ang pagkatok at pagsigaw ni Theo, pero hindi ko ito binuksan at hinayaan lang na magsisigaw si ito sa labas.

Arrange Marriage with The Grandson of C.E.O [COMPLETED]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum