PROLOGO

4.3K 189 211
                                    

February 13, 2008

"What are these?"

Isa-isang inilabas ni Chippy ang mga sulat na nakasilid sa isang maliit na chest box. Hindi 'yon maliit, medium size na kasya ang mga nakatiklop na mga liham at faded sepia photos. Hindi niya masyadong mamukhaan ang babaeng kasama ng lalaki. Medyo malinaw ang mukha ng lalaki at halatang mistezo. Nakasuot ito ng itim na pormal na two piece suit na may tie at may hawak pang sombrero. The guy was smiling at the faded woman's face habang nakaharap naman ang babae sa camera.

Hindi niya alam kung anong year ang larawan na 'yon pero sigurado siyang lumang-luma na 'yon kasama ng mga sulat sa kahon. Hindi niya agad napansin ang isang pares ng perlas na hikaw na kasama sa box. Sa tingin niya ay totoong mga perlas ang mga 'yon. Hindi man lang niluma ang ganda ng hikaw.

"Kanino naman kaya 'tong mga sulat na 'to?" usal ni Chippy sa kawalan.

Gusto pa sana niyang basahin ang isa sa mga liham pero bigla niyang narinig ang pangalan niya sa labas. Kahit nasa itaas siya ng parola ay rinig na rinig pa rin niya ang malakas na sigaw ng pangalan niya. Mabilis na lumapit siya sa may pinto palabas ng railings ng parola para silipin kung sino ang sumisigaw.

"Shit!" singhap niya saka binalikan ang chest box. Papunta sa parola sina Iesus at Vier. Malalagot na naman siya sa dalawang 'yon. "Sa bahay na lang kita babasahin." Ipinasok niya sa malaking strawberry sling bag niya ang chest box at mabilis na bumaba ng lighthouse.

Nagkandatisod-tisod na siya pero kailangang maunahan niya sina Iesus.

Sa pagmamadali niya ay hindi niya napansin ang lalaking dirediretso rin ang lakad sa direksyon niya nang makalabas siya ng parola. Bahagya siyang nakayuko kaya halos sumubsob siya sa dibdib nito. The person gently grip her shoulders to steady her.

Maya-maya pa ay biglang narinig nila ang malakas na tunog ng kampana ng simbahan. Halos sabay nilang naigala ang tingin sa paligid. Tila bumagal ang oras sa marahang paghampas ng malakas na hangin sa mga dahon ng puno na pumapalibot sa kanilang dalawa.  Humalo ang tunog ng paggalaw ng mga dahon sa tunog ng kampana. 

It sounds serene in Chippy's ears.

Hindi niya inasahan na aabot ang tunog ng kampana ng simbahan ng San Fernando Rey sa Faro de Amoré.

"Sorry!" aniya sabay layo rito nang matauhan.

Natigilan siya nang makita ang mukha ng lalaki. Lalo na sa maganda at malalim nitong kulay tsokolate na mga mata. Her eyes squinted as she stared at his face a little more. Saan niya ba nakita ang ganoong maamong mukha?  May naglalarong mga imahe sa isipan niya pero hindi lumilinaw kahit anong pilit niya.

"Are you okay?" he gently asked.

"I-I'm fine. Sorry."

"Chippy!"

Narinig na naman niya ang sigaw ng dalawa niyang pinsan. Mukhang narinig din ng lalaki dahil naigala nito ang tingin sa paligid.

"Bye!"

Pero hindi pa siya nakakalayo ay muli itong nagsalita.

"Wait! Wait!" Nilingon niya ito. "Is this Faro de Amoré?"

Mabilis na tumango siya. "Yes. Why?"

Sumilay ang ngiti sa mukha nito at umiling. "Nothing. Thanks." Iniwan na niya ito at patakbong pumasok sa malaking gate. Nagulat pa siya nang makasalubong ang pinsan niyang si Iesus at si Vier.

Parehong masama ang tingin ng dalawa sa kanya. Pero mas masama ang tingin ni Iesus Cloudio talaga.

Ngumiti siya. "Oyy –"

"Chizle Priscilla Garcia, saan ka galing?" both of them asks in unison.

"Naglibot-libot lang. Alam n'yo na. Unwind."

Inilahad ni Iesus ang isang kamay sa kanya. "Where's my key, young lady?"

Ngumisi siya saka ibinalik ang susi ng pinto ng parola kay Iesus. Actually, niloob niya ang kuwarto ni Iesus kanina para makuha lang ang susi. No one is allowed to get inside the lighthouse. 

Kaso what Chippy wants, Chippy gets.

"I'll let this pass, Chippy, but don't do this again. The lighthouse is not safe. Buti walang nangyaring masama sa'yo."

"Matibay pa naman ang stairs –"

"That's not the point."

"C'mon guys, let's not argue here," singit ni Vier. "Let's head back bago pa mapansin nila Tito Ram na nawawala na naman si Chi." She smiled at Vier. The best talaga 'to!

"Sige kampihan mo pa 'yang batang 'yan."

Vier chuckles. "Easy on her, Sus. You're becoming grumpy as Tito Josef."

"Hindi na ako bata, okay? Dalaga na ako. I'm turning sweet 16 this year."

"Pagsabihan mo 'yang si Chippy, Vier. Hindi sa lahat ng oras ay nandito tayo para pagtakpan siya sa mga kalokohan niya."

"I know. I know. You're still twenty, Kuya Sus pero ang tanda mo nang manermon."

"You're welcome," sagot nito sa kanya na may mapang-asar na ngiti.

Nauna na itong maglakad sa kanila. Sumunod naman si Vier. Siya naman, 'di niya maiwasang ibalik ang tingin sa parola at nanatili munang nakatayo. Napahawak siya sa bag niya nang mapansin niyang may kung anong sumabit doon.

"Ha?"

Naningkit ang mga mata niya nang makitang may sumabit talagang ID sa bag niya. Hindi niya alam kung paano 'yon napunta roon. Agad na pumasok sa isip niya ang mukha ng nabunggong lalaki kanina.

Napasinghap siya.

Huwag mong sabihing?

Tinignan niya ang University ID nito. Sa luma ng ID ay hindi na masyado makita ang picture ng may-ari maliban sa buong pangalan, ID number at department nito.

"Mathieu Dmitry Brandaeur," basa niya.

Brandaeur?

"Chi?!" tawag sa kanya ni Vier dahilan para mapatingin siya dito.

Huminto rin si Iesus sa unahan at nakatingin sa kanya habang nakapamulsa. "Hurry up!"

"Oo na! Oo na!"

Wait, paano 'yong ID?

FDA 5: Hidden Old Love LettersDonde viven las historias. Descúbrelo ahora