Kabanata 14

951 92 381
                                    

PAKIRAMDAM NI CHIPPY ay babaliktad ang sikmura niya, nasusuka siya na ewan, kinakapos siya ng hangin dahil feeling niya ay hindi na siya marunong huminga pagkatapos ng mga pasabog na realizations na nabuo sa kanyang isipan.

She's freaking back in 1935!

Napalunok ulit siya habang bumibilis ang pagpapaypay ng libreng kamay sa kanyang mukha para makahinga nang maluwag na hindi naman umeepekto.

1935, girl! Dios ko! Anong gagawin ko rito? Paano na ang pamilya ko na hindi ako deserve? Ang mga kaibigan ko? Ang pinakamamahal kong pinsan na sina Iesus at Vier? Sino na ang titira sa rooftop? Paano pa mabubuo ang rooftop squad na walang Chizle Priscilla de Dios Garcia?

Muli niyang iginala ang tingin sa paligid, maaliwalas talaga ang paligid, kakaiba sa natural na liwanag sa panahon niya, hindi mainit at hindi masakit sa balat dahil madaming mga puno sa paligid. Literal na iba ang lighting and vibes ng 1935 sa polusyong hatid ng 2021.

"Mateo!"

Ibinalik ni Chippy ang tingin kay Mathieu na sa mga oras na 'yon ay nililingon ang halos kasing tangkad lang din nito na lalaki.

"Saglit," sagot ni Mathieu sa lalaki, nakatayo lamang ito malapit sa isa sa mga sasakyang gamit sa panahon na iyon. Ibinalik ni Mathieu ang tingin sa kanya. "Miss Altagracia, ipagpaumanhin mo at hindi ko na maibibigay sa iyo ang oras na kinakailangan mo sapagkat ako ay hinihintay na ng aking kapatid na si Dimitreo." Bahagya nitong ibinaba ang ulo sa kanya. "Paalam," nakangiti sa pagkakataon na iyon, "at sana hindi na tayo magkita...muli."

Napamaang si Chippy.

Kaloka! Talagang may pa ganyan, Mathieu Dmitry? Umabot hanggang taong mil novecientos treinta y cinco ang galit mo sa'kin?

Tinalikuran siya ni Mathieu at naglakad sa direksyon ng lalaking tinawag nitong Dimitreo. Naiwan siya roon na nakatayo – halos hindi makapaniwala sa sinabi nito sa kanya. No need to think about it, pagbabanta 'yon, hindi 'yon biro. 

Bumaba ang tingin niya sa hawak na sulat at rosas sa kamay, kumunot ang kanyang noo.

Sinabi kong mahal ko siya at inaabot ko sa kanya ang sulat na 'to at rosas sa harapan mismo ng simbahan ng San Fernando Rey. Shuta! Ito ba ay sinaunang one sided love ng 1935 by Maria Priscilla Altagracia y de Dios?

Muli niyang tinignan ang mga tao sa paligid niya, may ilan na umalis na at nagkunwaring hindi nasaksihan ang ginawa niya, may ilan din namang halatang siya ang pinag-uusapan. Napanguso siya at alam niyang naging isang linya na naman ang mga kilay niya.

"Para namang tanga ang mga 'to," mahinang kausap sa sarili. "Bakit ngayon lang ba kayo nakakita ng magandang babae na ni reject? Nako, pumunta kayo sa panahon ko at lahat ng magaganda ay niloloko ng mga lalaki. Kabikabilaan ang cheating at hiwalayan tapos mag-so-sorry sa live ampo –" Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil nakita niyang may palabas na pari. "Ampo-ntahan ko na lang nga 'yong dalawa."

Mabibilis ang mga hakbang na nilapitan niya sina Juan at Andrew na kanina pa nagtatago sa gilid ng simbahan. Mabuti na lang talaga at hindi kasing bigat ng mga naunang Filipiniana ang suot ng mga babae sa panahon na 'to at baka manakit lang ang mga kamay at braso niya kakaalalay. Hers is just different from what other people are wearing.

Her white dress that reaches below the knee looks expensive and elegant – a Sunday's dress. Hindi niya alam ang hitsura ng buhok niya pero base sa pagiging presko ng batok niya ay halatang maayos na nakapusod iyon. Two inch blocked heel lang din naman ang suot niyang nude closed shoes at wala siyang dalang pamaypay.

Baka mas importante kay Maria Priscilla Altagracia y de Dios ang mga sulat at rosas kaysa ang kaginhawaang dala ng pamaypay. The priorities of this woman!

FDA 5: Hidden Old Love LettersWhere stories live. Discover now