Kabanata 37

1.9K 146 869
                                    

Start the first scene by listening to the music video above. Thank you, enjoy reading, and happy commenting, Weirdas! (^3^)❤️

***

"JUANITO BILISAN MO!" sigaw ni Mateo.

Tawa nang tawa si Chippy habang hinahabol nila ang baboy na si Bolinao sa dalampasigan. Nakasunod siya kay Mateo, nangunguna sina Juan at Andrew sa paghabol sa baboy na napakabilis tumakbo.

Bumabagal siya lalo kakatawa niya, para silang batang naghahabolan at naglalaro. No toxic oldies to reprimand them. No adult responsibilities to hold them back. It was pure happiness; one that she hadn't done for so long.

She feels so free... and alive.

God!

"Doming, habol!" lingong sigaw ni Chippy kay Simon na nahuhuli na.

Nahuhuli si Simon dahil tumigil ito upang itali muna ang kalabaw sa isang puno para hindi na makawala. Nagawa pa nitong isukbit ang isang pamilyar na puting tote bag sa isang braso. Kanina pa niya napansin iyon at lagi pang nakatago ang design.

"Teka lang!" sigaw ni Simon, binilisan nito ang pagtakbo. "'Langya ang baboy na iyan, mamaya iyan sa akin!"

Sumasabay sa malakas na tunog ng hampas ng alon ang tunog ng sigaw ng baboy at tawa nilang lima. Even Andrew himself is enjoying the chase. Hindi na nila alintana na nababasa na sila ng dagat sa tuwing lumalapit ang tubig sa dalampasigan.

Maya-maya pa ay nakaagapay na si Simon sa kanya.

"Mauna na ako, Senyorita Sardines!" nakangising pang-aasar pa ni Simon bago siya iniwan.

Imbes na mainis ay natawa lang si Chippy. Pero hindi niya inasahan na babalikan siya ni Mateo. May ngiti sa mukha na inabot nito ang isa niyang kamay. He laces his fingers with her. Hindi maiwasan ni Chippy ang mapangiti at matawa. Ina-adjust ni Mateo ang bilis ng takbo nito para sa kanya.

Kahit hinihingal at ramdam na niya ang pagod ay siya naman ang humatak dito para makahabol silang dalawa.

"Bilisan mo!" aniya.

Magkahawak ang kamay na hinabol nila Mateo ang tatlo. Pero biglang lumiko pa tubig ang baboy kaya sinundan ito ni Juan at mabilis na niyakap nang bumagal ito, rinig na rinig nila ang malakas at buhay na buhay na tawa ni Juan habang niyayakap ang baboy at basang-basa na ito ng tubig.

Tuluyan nang sumalampak ng upo sa buhanginan si Andrew, tawa pa rin nang tawa. Si Simon na nakayuko pero nakaangat ang mukha sa direksyon ni Juan habang nakahawak sa mga tuhod nito ay tawa rin nang tawa katulad ni Andrew.

Huminto na rin sila ni Mateo sa pagtakbo at tinanaw na lang si Juan. Umaangat-baba ang kanyang mga balikat at dibdib sa paghahabol ng hininga. Naluluha na siya kakatawa pero hirap na hirap siyang pigilan ang sarili.

Dios ko, ang layo rin ng itinakbo nila. Nakakaloka itong si Bolinao, very athletic na baboy.

Nanatili ang masayang ngiti ni Chippy nang ibaling niya ang tingin kay Mateo. He was looking at her, smiling in his heart's contentment, breathless. And she swears, that smile melts her heart. She had never seen Mateo as happy as that. 

He seems so free just like her. 

"Alam mo... bagay... sa'yo na laging ganyan," basag niya, bahagya na lamang niyang hinahabol ang paghinga.

"Bagay... ang ano?"

"Ang maging masaya at nakangiti." Lalong lumapad ang ngiti nito. "Mas lalo kang gumagwapo."

At tuluyan na itong natawa and darn, mas lalo lang itong naging gwapo sa paningin niya. Kumikinang lalo ang halos matingkad na kulay tsokolate nitong mga mata. The same shade of golden light brown eyes that she loves about Mathieu. Copy-paste na copy-paste, era lang ang naiba. 

FDA 5: Hidden Old Love LettersWhere stories live. Discover now