Kabanata 38

1.5K 116 653
                                    

SUMABAY SA MARAHANG hampas ng alon ang biglang pagtawa ni Mathieu. Marahas tuloy na naiangat ni Chippy ang mukha niya rito na kanina ay nakasandal sa balikat nito. Magkatabi silang nakaupo sa dalampasigan, ang gasera ay nasa kaliwa ni Mathieu.

"Tumatawa ka riyan?" mataray niyang tanong.

Ibinaling ni Mathieu ang tingin sa kanya, nanatili ang ngiti sa mukha. "Takot ka bang mawala ulit ako?"

Kumunot ang noo niya. Bumaba ang tingin ni Mathieu at sinundan niya iyon hanggang sa braso niyang nakayakap nang mahigpit sa braso nito at sa mga kamay nilang magkahugpong.

Ibinalik niya ang tingin dito. "Paano kung sabihin kung, oo?" lakas-loob na pag-amin niya. "Na takot akong mawala ulit ka?" dagdag niya. "At natatakot pa rin akong baka mamaya o bukas ay hindi mo na naman ako maalala?"

Natigilan si Mathieu at napakurap.

Humugot siya nang malalim na hininga at marahang bumuntonghininga, hindi niya inalis ang tingin kay Mathieu. She doesn't care anymore. She want Mathieu in her life at hindi na niya ipagkakait iyon sa sarili niya.

"Mathieu, hindi ka na ulit puwedeng mawala," nag-iinit ang sulok ng mga mata niya habang sinasabi ang mga salitang iyon. Alam niya sa puso niya na hindi pa rin tuluyang nawawala ang takot na iyon. "Kaya... kung kailangan na hindi ako matulog para bantayan at masigurong hindi ka na ulit makakalimot ay gagawin ko. Hindi..." Her lips trembles and tears starts falling from her eyes again. "Hindi... Hindi mo na ako puwedeng... iwan."

Sakabila ng kanyang mga luha ay nanatiling masama ang tingin niya rito – may pagbabanta.

Muling sumilay ang isang ngiti sa mukha nito. "Shshs..." Dahan-dahan itong kumawala sa pagkakahawak niya upang mahawakan ang magkabila niyang pisngi. "Don't cry." Mathieu's thumbs gently brushes away the tears on her face. "I told you I'm not going to leave you again."

"Hindi mo sure..."

Natawa si Mathieu.

"Seryoso ako! Ilang beses ka nang nawala. Hindi ka naman kabute pero nawawala at bumabalik ka na lang bigla."

Nagtama ang mga mata nila. Mathieu looking amuse at her.

"Hindi na."

"Sure?"

Tumango si Mathieu.

"Pero paano? Si Mateo?"

Ibinaba ni Mathieu ang mga kamay. "I am Mateo... in this lifetime, Chi. I have been with you, only without my present memories." Mapait itong ngumiti.

"Hindi ko maintindihan, Math." Kumunot ang noo niya. "Paano mo nalaman ang mga bagay na iyan kung wala ka namang naalala tungkol sa present mo? At saka hindi natin iyon napag-usapan noong –"

"I know Mateo's thoughts and memories. Even in this lifetime, he already has memories of his past life. There was a woman in his dreams who looked exactly like you, Chi. But it's not in present."

"You saw her?"

Mathieu nods his head. "Not everything... just a fragment memory of the woman in his past life."

"Kung ganoon ay may nauna pa sa buhay na 'to?"

"Iyon din ang naisip ko," seryoso nitong sagot. "That the 1935 version is not the first, but probably our second life. Malaki ang posibilidad na ang naunang pagkatao namin ni Mateo ay ang nakasama ng lolo ni Iesus noon. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit sa taong 1935 tayo dinala ng mga sulat at hindi sa taon kung saan nabubuhay pa ang lolo ni Iesus."

Namilog ang mga mata niya nang maalala ang mga sulat. "The old love letters!" singhap niya. "What about those love letters? Iyon lang naman ang hinawakan mo noong gabing iyon. Kanino ba talaga 'yon? At bakit mo gustong makuha iyon?"

FDA 5: Hidden Old Love LettersWhere stories live. Discover now