Kabanata 28

931 87 127
                                    

NAIANGAT ni Mateo ang mukha sa direksyon ng pintuan ng opisina niya nang marinig ang katok mula sa labas. Kahit hindi niya tanungin kung sino ang nasa likod ng pinto ay alam na niya agad kung sino ang mga 'yon.

"Bukas iyan," sagot niya.

Bumukas ang pinto at pumasok  sina Andres at Juanito. Agad na yumuko ang dalawa, nakababa ang mga salakot sa harapan. Pinaningkitan ni Mateo ng mga mata ang magkapatid. Iniwan lang siya ng dalawang ito sa merkado at hindi na binalikan. Umuwi pa na madilim na. Mag-isa niyang bitbit ang dalawang bayong na pinuno niya ng mga rekado.

"Magandang gabi po, Senyorito," basag ni Andres.

Nag-angat na ng mga ulo ang dalawa sa kanya.

Tumuwid si Mateo ng upo mula sa likuran ng kanyang lamesa. "At saan kayo galing?"

"Kinausap lamang po namin ang anak ni Mang Simon."

Kumunot ang noo ni Mateo. "Mang Simon?" Naikiling niya ang ulo sa kanyang kanan. "Kung tama ang pagkakatanda ko ay siya ba ang matandang nangakong bibigyan kayo ng trabaho rito sa Pueblo de Liloan?"

Tumango ang magkapatid.

"Opo, Senyorito. Anak n'ya po ang nakasalubong natin kanina."

"Isang Sangley o Tsino pala ang tinutukoy ninyong Mang Simon," pagkumpirma ni Mateo, sapagkat hindi naman mukhang Pilipino ang lalaking nakasalubong nila roon sa merkado.

Tumango ulit ang dalawa.

"At... anong dahilan ninyo't hindi na ninyo ako binalikan kanina?"

"Kinausap ho namin at tinanong kung na saan ang kanyang ama ngunit ang tugon lamang niya sa amin ay hindi niya alam. Matagal na raw ho niyang hindi nakikita ang kanyang ama at kasalukuyan na siyang nagtatrabaho sa isang kainan dito sa ating lugar, Senyorito."

Naglapat ang kanyang mga labi, tinitigan niya ang dalawa. Tunay na masakit sa ulo ang dalawang ito ngunit hindi niya rin maipagkakaila na malaki na ang naitulong nila Andres at Juanito sa kanyang pag-iimbestiga sa grupo nila Temyong. Inaasahan niyang magiging tapat ang magkapatid sa kanya kaya palalagpasin na lamang niya ang ginawa ng dalawa kanina.

Bumuntonghininga siya. "Huwag n'yo na lamang uulitin ang ginawa ninyo kanina," tugon ni Mateo. "Magpaalaam kayo sa akin nang maayos at pahihintulutan ko naman din kayo."

"Salamat at pasensiya na ho, Senyorito. Hindi na ho mauulit."

Mabilis na nagsulat si Juanito sa sulatan na lagi nitong kwintas at iniangat iyon upang makita at mabasa niya.

() (_ _) ( ˘ ³˘)

Lalo lang kumunot ang noo ni Mateo dahil hindi niya naiintindihan ang mga iginuhit na Juanito.

"Anong ibig sabihin niyan, Juanito?"

Sinilip ni Andres ang ginawa ni Juanito. "Salamat." Ibinalik ni Andres ang tingin sa kanya. "Iyon ho ang ibig sabihin ng mga iginuhit niya."

Ngumiti si Juanito at muli na namang itinaas ang mga kamay sa harapan ng kanyang dibdib upang gawin ang lagi nitong ginagawa na sinasabi niyang hugis puso.

Napailing na lamang si Mateo.

Kakaiba man silang maituturing Mateo ngunit tandaan mong sila lamang ang tutulong sa iyo ngayon at ang tanging mapagkakatiwalaan mo.

Muli siyang napabuntonghininga.

Endure it, Mateo.

"Lumapit kayo at may pag-uusapan tayo." Tumalima agad ang dalawa at inakupa ang dalawang bakanteng upuan sa harapan ng kanyang mesa. "Tungkol kay Temyong," pag-iiba niya. "Anong balita roon?"

FDA 5: Hidden Old Love LettersWhere stories live. Discover now