Kabanata 12

915 91 314
                                    

"VIER, BILISAN MO!"

Ang bilis nakaalis ni Iesus, hindi man lang silang nilingon kanina kahit noong tiniwag niya ito. Dire-diretso ito sa sasakyan at pinaharurot iyon. Bumalik pa sa loob ng mansion si Vier para hiramin ang sasakyan ni Nicholas. Pero malaki na ang agwat ng oras kaya hindi na nila nakita ang sasakyan nito sa daan. Linggo pa naman kaya malamang ay mabilis lang itong makakarating sa Faro dahil wala gaanong sasakyan sa daan.

"Chi, calm down," pagpapakalma ni Vier sa kanya habang nasa daan ang tingin. Mabilis na sa normal speed limit ang pagpapatakbo nito pero nababagalan pa rin siya. "We're almost there."

Nasa bridge na sila ng Cansaga, doon sila dumaan dahil 'yon ang shortcut nila lagi. It will take 10-15 minutes or less before they reach Faro. Pero kahit malapit na sila ay sobra-sobra pa rin ang kaba niya. Magsusugat na yata ang kamay at mga daliri niya sa sobrang paghawak niya roon para makalma ang sarili.

Tangina naman kasi Chippy! Kung hindi ka ba naman tanga? 

She wanted to curse herself for choosing to lie and for dragging Mathieu in this mess. Sa ginawa niya ay lalo lang niyang pinalala ang lahat. Alam niya at sigurado siyang magagalit nang sobra sa kanya si Mathieu.

"Secure your seatbelt," maya-maya ay utos ni Vier.

Chippy nods her head and did what Vier instructed kahit na naka-secure na ang seatbelt sa katawan niya. "Kailangan nating makarating agad sa Faro at baka ano pang gawin ni Iesus kay Mathieu," aniya pagkatapos. "Hindi niya puwedeng saktan si Mathieu."

"Don't worry, I texted Tor and warned him about Iesus' potential outburst. Just as long as we get there on time." Biglang pinaharurot ni Vier ang sasakyan, sa pagkabigla niya ay napahawak siya sa hand rail sa gawi niya.

Nakarating agad sila sa Faro, nauna sila sa bahay ni Mathieu pero walang sasakyan doon ni Iesus kaya nagdesisyon silang puntahan si Tor at habang papunta roon ay may napansin silang pamilyar na likod ng sasakyan.

"Vier!" pagpa-panic niya nang makilala ang plate number. Bahagya nitong binagalan ang pagda-drive dahil may nakaharang sa gitna ng daan – sa mismong tapat ng bahay ni Thad. "Sila yata 'yan." Agad niyang nakilala sina Juan, Balti, at Sep na pumagitna kina Iesus at Mathieu. She gasps in horror the moment she realizes that Mathieu was sitting on the ground. "O-Oh my God, Vier..." Nagsimula na namang manginig ang mga kamay niya. "Vier..."

"Shit!" Vier curses.

Mabilis na ipinarada nito ang kotse sa likod ng sasakyan ni Iesus. Nagmadali na rin siyang kalasin ang seatbelt sa katawan at binuksan ang pinto ng sasakyan.

"Sus, anong ibig mong sabihin?" Thad clarifies, worried.

Enraged, Iesus glares in Mathieu's direction. "Mathieu got Chippy pregnant!"

"Sus!" sigaw niya.

Napatingin ang lahat sa kanya. Nakagat niya ang ibabang labi nang magtama ang mga mata nila Mathieu. He look so confuse and lost at hindi iyon nakatulong sa kanya para i-console ang nagrerebelde niyang konsensiya. Lalo na nang makita niyang may dugo sa gilid ng labi ni Mathieu at namumula ang isang pisngi nito. Sa hitsura nito ay mukhang malakas ang pagkakasuntok ni Iesus dito.

"Vier, ilayo mo si Chippy rito," seryosong utos ni Iesus sa pinsan nila, halatang nagpipigil pa rin ng galit dahil nakakuyom ang mga kamay nito. "I'm not done talking with Mathieu."

Maya-maya pa ay dumating na rin si Tor kasama si Aurea. Tumatakbong nakasunod sa dalawa sina Jude, Mari, at Niña. Mula sa kabila ay dumating din sina Amora, Maha, at Hayme.

God, what have you done Chizle?

"Sus, calm down," Tor steps forward. "We can't solve this problem with you infuriating. Hayaan mong magpaliwanag muna si Math."

FDA 5: Hidden Old Love LettersWhere stories live. Discover now