Kabanata 5

1.2K 84 270
                                    

DECEMBER OF 2018

BINUKSAN NI MATHIEU ang lahat ng sliding windows ng bahay niya. Nauna siya sa ibaba saka siya bumalik ulit sa itaas. Naglakad siya sa direksyon ng floor to ceiling na glass door na palabas sa second floor terrace. Bukas na 'yon kanina, nilakihan na lamang niya. He steps out at agad na yumakap sa kanya ang preskong hangin.

"Wow!" manghang usal ni Mathieu, nakangiti habang iginagala ang tingin sa buong Faro de Amoré. "What a gem. Tama talaga ang desisyon na dito ka tumira, Mathieu." Naglakad siya papunta sa railings at isinandal ang mga braso roon.

Maganda ang panahon, maaliwalas ang paligid, mahangin at hindi gaanong masakit sa balat ang init dahil maulap. It was past 4 p.m. nang tignan niya ang malaking orasan niya sa sala bago siya umakyat sa second floor. Plus, today is Sunday, he was supposed to be in Noah's Ark pero instead ay nakatulog siya.

Heck, ramdam pa nga rin niya ang pamamaga ng mga mata sa sobrang lalim ng kanyang tulog kanina. He even forgot to eat his lunch kaya ramdam na niya ang pagkalam ng sikmura, but the magnificent view that surrounds him was enough to calm his grumbling stomach.

He was indeed lucky to reserved a slot near the shore. Hindi nga lang malapit nang sobra just like Tor and Balti's houses but a short walking distance difference was not bad at all. 'Yong slot na gusto niya ay may nagmamay-ari na. Nabanggit ni Simon na binili na raw 'yon ng pinsan ni Thad na barkada rin ng dalawa simula pa noong high school.

Isang buwan pa lang siya rito sa Faro pero ang dami na niyang naging kaibigan. Atty. Kale Thomas Velez or Tor for short and Bartholomew Juarez o mas kilalang Balti o Ser ay isa namang kindergarten teacher. The two are best of friends since childhood. Ang kwento sa kanya ni Simon ay lumapit daw rito si Tor nang maghiwalay ito ng fiancee nito. He didn't narrate the whole story but he can read between the lines.

Kaya halos mga kagaya rin niyang hindi pa pamilyado ang nandito. The rest of the residents ay isang pamilya na. He guessed that he was not the only bachelor who prefers a house over condominiums. Houses are long term investments for him. He may be fond of playing with fire but he was not that cynical in love. He still believes in it, but at the moment, it's not yet part of his options that he's interested to pursue.

Maybe when he's ready.

Naibaling naman ni Mathieu ang tingin sa parola ng Faro de Amoré na tanaw sa kanyang puwesto.

"Lighthouse of love," he murmured.

It was the English translation of the name of this exclusive seaside subdivision owned by de Dios group. One of the many businesses Iesus Cloudio de Dios manages, the landlord of Faro de Amoré. Ito ang may-ari ng nag-iisang white ancestral house sa Faro na nakatayo sa pinakataas na bahagi ng lupain. Ang bahay lang din na 'yon ang namumukod tangi sa lahat.

He'd be honest, the resort lifestyle and breathtaking view of Faro were not the sole reason why he opted to live in this place. He had visited this lighthouse back when the land was just a private property of de Dios. The lighthouse was a public place, isang tagong tourist attraction sa municipality ng Liloan, Cebu.

Liloan is more or less one or two hours away from Cebu City kung saan ang sentro ng Cebu. Pero depende pa rin sa bigat ng trapiko. Lalo na't sobrang trapik sa Mandaue at sa Consolacion. The location is not near the main highway dahil nga malapit sa dagat ang Faro. The arc of trees that welcomes the residents before the lighthouse peeks into view are one of the things that amazes him.

Actually, theres were two lighthouses in the area. Ang pinakauna ay malapit sa dagat pero ruins na lamang 'yon ngayon dahil ilang beses nang nasira ng bagyo. Ang pangalawa ay ang more than one hundred years old na parola na sinasabi nilang pinagawa raw ng unang henerasyon ng mga de Dios na isa sa mga mayayamang pamilya noong unang panahon.

FDA 5: Hidden Old Love LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon