Kabanata 42

1.3K 93 99
                                    

"NOW WHAT?"

Nilingon ni Andrew si Chippy mula sa kaliwang balikat nito, nakatayo ito sa kanyang harapan, sa kanan nito si Mathieu. Nanatili lamang siya sa likuran ng dalawa, may limang hakbang ang layo. Ilang segundo na silang nakatayo sa harapan ng parola pero hindi pa rin bumubukas at umiilaw ang pinto. Naalala niyang umiilaw iyon noong hintayin nila ang pagbabalik nila Thad at Iesus noon. Panay rin ang tingin niya sa paligid para masiguro na walang taong makakakita sa kanila, mabuti na lang at oras ng siesta ng mga tauhan nila sa hacienda ngayon.

"Let's just wait," kalmadong sagot ni Andrew sa kanya kahit na bakas parin sa mukha ni Chippy ang pagkainis niya sa dalawa.

"It's already past twelve," baling ni Mathieu kay Andrew. Ipinakita nito kay Andrew ang suot nitong wrist watch. "I don't want to be pessimistic, but what if—"

"They'll be here."

Napaangat ng tingin si Chippy sa paligid nang umihip bigla ang malakas na hangin. Sabay-sabay na gumalaw ang mga dahon sa mga nagtataasang puno sa paligid, binibingi siya ng tunog ng marahas na paggalaw ng mga ito na tila ba nagbibigay badya ng isang malakas na unos. Kinilabutan siya bigla at naiyakap ang mga braso sa kanyang sarili, nakaramdam siya ng kakaibang lamig at hindi niya nagugustuhan ang takot at pangamba na bigla na lamang nabuhay sa kanyang puso.

"Math," usal niya bigla.

Pagbaba niya ng tingin ay nakasalubong niya ang mga mata ng dalawa. Bumakas ang pag-aalala sa mukha nila Mathieu at Andrew nang makita ang ekspresyon ng mukha niya.

"Something is not right here—"Hindi na niya nagawang tapusin ang sasabihin.

Lumakas pa lalo ang ihip ng hangin sa paligid nila. Naigala nilang tatlo ang tingin dahil tila literal na tumatakbo ang oras sa paligid nila nang mga oras na iyon at nasasaksikhan nila ang pagkalagas ng mga dahon ng puno sa paligid, ang pagpapalit ng kulay asul, sa kahel, sa kadiliman, sa muling pagsibol ng araw, at sa pagkabuhay muli ng mga dahon sa paligid. Paulit-ulit, walang katapusan.

"Anong nangyayari?!" natatakot na sigaw ni Chippy. "Mathieu! Andrew!"

"This is not good," sabi ni Mathieu.

"We're moving forward," seryosong komento ni Andrew, nakatuon pa rin ang buong atensyon sa mabilis na pagbabago ng mga bagay at ayos sa kanilang paligid. "The lighthouse doesn't want us to leave."




PINIHIT PABUKAS ni Thad ang pinto ng parola at agad na bumungad sa kanilang tatlo ang tahimik, maaliwalas, at luntiang tanawin. Sumasama sa mabining tunog ng hangin ang huni ng mga ibon at kaluskos ng mga hayop na marahil malapit lamang sa parola. Sinugurado rin nilang hindi sila makakaagaw ng atensyon kaya inakma nila ang kanilang mga kasuotan sa kung paano manamit ang mga tao noong 1935.

Ngunit ang pinagtataka ni Thad, walang sumalubong sa kanila.

"Where are they?"

"Na saan na sila?"

Sabay na naging tanong nila Vier at Balti sa kanyang likuran. Tiningnan ni Thad ang oras sa kanyang wrist watch. Hindi naman siguro nagkakalayo ang oras sa oras nila sa kasalukuyan at dito sa nakaraan. Alas dose ng tanghali ang napagkasunduang oras, mahuli o mauna man sila ng ilang segundo o minuto ay alam niyang hindi aalis sina Andrew.

"Sigurado ka bang nasa tamang panahon at oras tayo, Arki?" tanong ni Balti.

Naibaba ni Thad ang tingin sa papel na hawak. It's impossible to miss the right timeline. He was specific with the date and time. He had an item made from that specific time. The lighthouse stood and witnessed it. Kaya impossible na magkamali siya.

"We still have less than twenty minutes."

Hindi sila puwedeng lumagpas sa dalawampung minuto dahil hanggang doon lang ang kaya niya.

FDA 5: Hidden Old Love LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon