Kabanata 47

1K 88 84
                                    

A/N: Comments n'yo lang masaya na ako. Enjoy!

***

MAINGAT NA isinarado ni Chippy ang pinto sa kanyang likuran. Nakasunod ang tingin ni Mathieu sa kanya, giving her that suspicious look. Sanay na siya sa kahina-hinalang tingin ni Mathieu sa kanya kapag nauuwi siya sa rooftop at nandoon na ito.

"Anong klaseng tsismis na naman ang nadiskubre mo, Chizle Priscilla?" basag nito.

Hinawakan ni Chippy ang ibabang tela ng mahaba niyang saya at iniangat ito nang bahagya at kanina pa siya natitisod. Sagabal sa pagmamadali niya at ganitong ingat na ingat siyang huwag madulas dahil sa baby nila.

"Math, hindi ka maniniwala sa nakita ko," aniya nang makalapit. Mathieu gave her a little space of the bed so she can sit down. "As in." Naupo siya roon na hindi inaalis ang tingin kay Mathieu. Pigil nito ang matawa sa kanya kaya pinaglapat na lang nito ang mga labi na tila ba nagpipigil lang ito ng tawa.

"Buhay na buhay ka talaga kapag may nahahanap kang tsismis. Malalim na ang gabi pero heto ka't may bedtime stories pang hatid sa akin."

"Seryoso ako."

"Sinabi ko bang nagbibiro ka lang?" he softly chuckles this time. "Okay, tell me. Ano na naman ang nadiskubre ng aking prinsesa?"

"Okay, para hindi ka ma-confuse. I'll start from the very beginning." Attentive at parang batang excited matututo na tumango si Mathieu. "So ito na nga." Sinimulan muna ni Chippy doon sa eksena kung kailan nalaman niyang buntis si Priscilla at nagkunwari siyang tulog para makaiwas kay Julian. Word by word niyang ikinuwento kay Mathieu lahat. "Doon pa lang sa nagtanong si Julian kung nagdadalang-tao ba si Amara, alam ko na agad na may nangyari na sa dalawa."

Ilang segundo munang ipinroseso ni Mathieu ang lahat ng impormasyon. Pero halata sa madalas na pagpapalit ng ekspresyon nito ang magkahalong gulat, pagkamangha, at kuryusidad.

"O, ta's?" he asks.

"Hello, hindi naman ako ipinanganak noong unang panahon—"

"Actually, ipinanganak talaga tayo noong unang panahon."

"Mathieu." Hinawakan ni Chippy sa magkabilang braso nito. "Focus. Okay? Makinig ka lang sa akin. Saka ka na mag-comment. Importante ang mga susunod kung sasabihin dahil baka nga may pasabog na mangyayari sa bahay na ito sa mga susunod na araw."

Napakurap-kurap na lamang si Mathieu sa kanya.

Binitawan na niya ito at siya ay nagpatuloy, "May nangyari sa kanila. Kasi bakit magbibitaw nang ganoong mga salita si Julian? May mabubuo bang bata sa sinapupunan ni Amara kung walang nangyari?"

"You have a point. O, ta's?"

"Ta's ito pa. Hindi mo kakayanin 'to."

"Try me."

"Nakita kong hinila ni Julian si Amara patungo sa silid niya."

Namilog ang mga mata ni Mathieu sa pagkagulat at bahagyang napasinghap. "O, tapos?"

"Malamang magse-sex sila—" Gamit ng libre nitong kamay ay mabilis na tinakpan ni Mathieu ang bibig niya. May inis na tinampal niya ang kamay nito para alisin iyon. "Teka lang—"

"Bibig mo."

May puwersa niyang inalis ang kamay ni Mathieu. "E, bakit ba? Totoo naman, a. May naniniwala pa ba kapag sinabi ng lalaki na mag-uusap lang sila tapos papunta silang kwarto? Ano gagawin nila doon? Magpe-prayer vigil?"

Naglapat na naman ang mga labi ni Mathieu sa pagpipigil ng tawa. "Chizle."

"Alam mo, Math." Hindi niya pinansin ang pagsaway nito. "Feeling ko ay hindi matutuloy ang kasal nila ng babaeng ipinagkasundo sa kanya ni Tiyo Jose."

FDA 5: Hidden Old Love LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon