Kabanata 46

969 89 90
                                    

MAY PAGMAMADALI ngunit may pag-iingat na umakyat sa hagdan si Chippy. Sumunod sa kanya si Pol at gayundin ang iba. Ramdam niya ang malakas na kabog ng puso na may nagbabadyang takot. Alam niya kung na saang silid si Mathieu pero parang biglang hindi na niya kabisado ang pasikuksikot sa mansion ng mga de Dios. Sumasagi sa isipin niya ang ideya na baka hindi na naman siya maalala ni Mathieu at bumalik ito bilang Mateo.

Please, Lord, parang awa N'yo na. Huwag naman po sana.

Halos pigilan na ni Chippy ang paghinga nang sa wakas ay makarating siya sa silid na inaakupa ni Mathieu. Nakabukas na ito ngunit nanatili lamang siyang nakatayo sa pintuan. Napalunok siya nang magtama ang mga mata nila ni Mathieu. Nangislap sa rekognasyon at tila nabuhay ang mga mata nito nang masilayan siya. May kaunting hikbing kumawala sa bibig niya nang bahagya itong ngumiti.

She knew it was Mathieu.

"Mat—" iyak niyang tuluyan, may pananabik siyang lumapit kay Mathieu at niyakap ito. Parang batang humagulgol siya. "Gago ka—" Naputol ang sasabihin niya nang marinig ang mahinang pagdaing nito. Napasinghap siya at mabilis na lumayo kay Mathieu. "Sorry."

Napapangiwing inilapat ni Mathieu ang isang kamay sa banda ng sugat nito. "Damn, ganito pala—" He gulps and flinches a little when he tries to move again. "Ang pakiramdam ng sinaksak." Namamalat din ang boses ni Mathieu, halata ang matinding pagod doon.

Pero sa kabila ng mga luha niya ay nagawa pa rin niyang matawa. Mathieu is back and he's alive. Lumapit si Javier at inasikaso si Mathieu. Nasundan pa niya ang sobrang pagtitig ni Mathieu dito, halos sundan nito ng tingin ang binatang doktor. Namamangha marahil kung bakit malaki ang hawig nito kay Vier. Mabilis din ang kilos ni Pol na nagsilbing assistant ng binatang doktor.

"Che—Senyoritooooo!" Napalingon si Chippy sa kanyang likuran nang marinig ang parang batang pag-iyak ni Simon. Yumuyugyog pa ang mga balikat nito at kamuntik pang tawaging Chef si Mathieu. "Buhay ka . . . h-hindi mo kami iniwan . . ."

Nakayakap dito si Juan na nagpupunas din ng mga luha pero hindi niya alam kung dapat ba niyang seryosohin kasi parang itinatago nito ang pagtawa sa pagsandal ng mukha sa balikat ni Simon. May pakiramdam siyang totoong umiiyak si Juan pero natatawa kay Simon. And Andrew, kahit itago pa nito ang emosyon ay nahuli pa rin niya itong nagpupunas ng luha bago ibinalik ang kunot sa kanyang noo. Nakatingin naman sa tatlo si Andris pero hindi niya matukoy ang eksaktong nasa isip nito.

Chippy can tell that Julian and Noah felt relief, halata sa mukha ng dalawa. Kahit pa may pagtatampo ang dalawa kay Mateo, hindi naman ito naging masamang kaibigan sa kanila. Talagang sinubok lang ng panahon na ito sina Priscilla at Mateo. At nasaktan din nang sobra sa pang-iiwan nito kay Priscilla.

Pasimple niyang nailapat ang isang kamay sa kanyang tiyan. Naramdaman naman niya si Amara na tumabi sa kanya at niyakap siya. May mga tinatanong si Javier kay Mathieu ngunit nang ibaling nito ang tingin sa kanya ay hindi nanatili sa mukha niya ang tingin nito, bumaba ito sa kung saan nakalapat ang kanyang kamay. Bumalik lamang ang tingin nito sa kanya ngunit sa pagkakataon na iyon ay tila may bumabagabag sa isip nito na gusto nitong itanong sa kanya.

Pasimple siyang umiling dito para pigilan ito. Nakuha naman agad nito ang gusto niyang ipahiwatig kaya marahan itong tumango na may tipid na ngiti sa kanya.

Things are getting complicated here and she doesn't have any idea how to survive this life without her heart breaking for Priscilla and Mateo and their unborn child.

The unborn child that Chippy could feel growing inside her.

Nakaramdam yata ang mga tao sa paligid nila kaya iniwan muna sila ng mga ito pagkatapos masuri ni Javier si Mathieu at masigurong okay ito. Kusang inilipat din ni Noah ang silya mula sa study table patungo sa gilid ng kama upang maupuan niya bago ito umalis.

FDA 5: Hidden Old Love LettersUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum