Kabanata 11

967 88 254
                                    

AROUND OCTOBER OF 2021

PAGKABABANG-PAGKABABA ni Chippy sa hagdan mula sa rooftop ay naabutan niya si Maha na kausap si Simon sa labas ng convenience store.

As usual, may dala na namang plastic ng mga pagkain si Simon na halatang binili nito sa loob ng tindahan. Si Maha naman ay may dalang malaking red eco bag pero hawak nito sa isang kamay ang isang puting tote bag na may pamilyar na design. Hindi lang niya sigurado dahil medyo tagilid ang pagkahawak.

Isinara niya ang zipper ng itim na sling bag niya na madami na namang palawit na keychains.

"Hoy!" tawag niyang atensyon sa dalawa. "Ano na naman 'yang binubudol mo Maharlika?" baling na tanong niya sa babae, bago tinignan si Simon na enjoy na enjoy sa kinakain nitong Piatos green.

"I'm pitching my business," maarteng sagot ni Maha, nabalik ang tingin niya rito. 

Kaartehan nito, sarap hilahin ng bangs.

"Sa isang 'to?" turo pa niya kay Simon. Bungisngis lang ang ibinigay sa kanya ni Simon. "Bakit? Ano bang bago kay Engineer maliban sa hindi pa rin buo ang bahay niya?"

"Oh my gosh! Hindi mo alam? He's famous on TikTok. He just reached 500K followers this week." Literal na namilog ang mga mata niya sa pagkamangha. "Unfortunately, 1 million followers na rin sa TikTok ang kuya kong pinaglihi sa bad spirits."

Nakangiting pumalakpak si Chippy, manghang-mangha pa rin kay Simon. "Hanep! Influencer ka na pala ngayon, Takeuchi?" Dalawang beses niyang tinapik ang isang braso nito. "Payaman ka nang payaman pero nababaon naman sa limot ang bahay mo."

Malakas na tumawa si Simon. "Walangya, Chi! Nanahimik ang bahay ko, ginigising mo na naman."

"Engr., galawin mo naman. Mukhang masaya ka pa naman nitong nakaraang buwan. Sino nagpapasaya sa'yo ngayon?"

"Wala. Masaya lang talagang mabuhay," nakangiti nitong sagot.

Umasim ang mukha ni Maha. "Kakilabot."

Ibinaling niyang muli ang tingin kay Maha. "Gaga! Binubudol mo 'to, 'di ba? Bakit ayaw mong makisama? Ngayon ang tamang panahon para gatasan mo 'to ng pera dahil good mood. Saka, ano ba 'yan, ha?" nguso niya sa hawak nitong tote bag. "Ang dami mo nang binebenta, buong Pilipinas ba binubuhay mo?"

Sabado ngayon kaya maraming lagalag na residente rito sa Faro. Siya naman ay paalis, may lalakaring importante. Sa tagal niyang nakakulong sa Faro ay hindi prinsipe ang lumigtas sa kanya sa pagkakakulong –sariling pasensiya at huwad na kabaitan. 

"Sabi ko sa kanya magbenta siya ng merch sa mga fans niya sa TikTok. Ito nga, oh, binigyan ko siya ng example. Nag-hire ako ng artist na gagawa ng chibi version niya tapos pina-design ko ang final look ng tote bag. Kahit tignan n'yo pa." Inabot sa kanya ni Maha ang tote bag. "Matibay 'yan saka may zipper na. Mura ko na nga lang ibibigay basta ba bulk orders."

Hindi napigilan ni Chippy ang matawa. Hindi dahil nakakatawa ang design kung hindi natatawa siya sa katotohanang kamukhang-kamukha talaga ni Simon ang chibi drawing ng tote bag. Isang linya lang ang mata at malaki ang buka ng bibig dahil may hawak itong burger na mukhang peg ang yum burger ng Jollibee.

"Gaga!" react niya. "Ang effort natin, ah?"

"S'yempre! Aside from that, I already have my plan B if hindi bebenta ang mga 'yan sa mga buraot na Faro Boys. I was thinking to display these sa convenience store. Nag-conduct ako ng survey noong nakaraan and almost 80 percent ng mga residents sa Faro ay willing bumili ng Faro Boys inspired tote bags. Why? Pinakaunang rason nila ay gwapo sila." Proud na proud ang ngiti ni Maha na para bang successful ang pag-pitch nito ng business. "Of course, maliban sa Kuya Balti ko."

FDA 5: Hidden Old Love LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon