Kabanata 18

881 97 267
                                    

CHIPPY couldn't guess the minutes that had passed. Nilalamig siya nang sobra, kanina ay dinadaan pa niya sa pangungulit kay Mateo na laging nauuwi sa pagsusuplado nito pero ngayon ay pakiramdam niya ay may nag-full-blast ng aircon sa paligid. Hindi na sapat na hawak-hawak niya lang ang mga kamay at pagtago ng mga binti sa ilalim ng mahaba niyang saya.

Sabi na talaga at mauuwi sa sama ng pakiramdam ang pagod niya simula kahapon. Dinagdagan pa niya kanina ng mga acrobatic moves, ng sugat, at pagpapaulan. Namimigat ang kanyang talukap ng mga mata, lalo lang sumakit ang ulo niya at bumigat ang katawan niya. Gusto niya ng makapal na kumot at humiga.

Wala si Mateo sa malapit, sabi nito ay sisilip ito sa labas kung wala nang ulan.

Kinakarma yata ako sa mga pinaggagawa ko rito.

"Tumila na ang ulan." Boses 'yon ni Mateo. "Maari na tayong lumabas –"

Hindi na niya kinaya ang bigat ng pakiramdam niya kaya bigla na lamang siyang napahiga.

"Priscilla!" sigaw ni Mateo.

Hindi niya maimulat ang mga mata pero ramdam niya ang paghawak nito sa mga braso niya. Umakyat ang isang kamay nito para salatin ang kanyang noo.

"¡Dios mío! Kanina ka pa ba nilalagnat?"

Ramdam niya ang init ng hininga niya, nilalamig talaga siya nang sobra. Pilit niyang iminulat ang mga mata at nanghihinang sinalubong ang magkahalong inis at pag-aalala sa mukha nito.

"M-May... Biogesic ka ba riyan? Bioflu?"

Kumunot ang noo ni Mateo. "Tama na pagbibiro, Priscilla –"

"H-Hindi ako... nagbibiro –" Muli niyang naipikit ang mga mata nang gumuhit ang sakit sa kanyang sintido. "Walangya!" mura niya tuloy rito.

Bumuga ito ng hangin. "Enough of your ill words, yong lady." Inilalayan siya nito at dahan-dahang kinarga. Kahit na sobra-sobra ang panghihina niya ay nagawa pa rin niyang kumapit sa leeg ni Mateo. Yumakap siya nang husto. "Iuuwi na kita."

Hindi na niya masyadong nasundan ang mga sunod na nangyari at kung inuwi ba talaga siya nito dahil tuluyan na siyang nawalan ng malay.




KISAME agad ang unang bumungad kay Chippy nang magising. Dalawang beses na may gap ang pagkurap niya dahil parang gusto pa niyang matulog and at the same time ay gusto na rin niyang bumangon.

Total blackout talaga ang nangyari sa kanya. Kahit panaginip ay wala rin. Dahan-dahan siyang bumangon at ibinaling ang tingin sa bintana. Maliwanag na at mukhang maganda na rin ang panahon sa labas.

Ilang oras ba akong nakatulog?

She gulps, nauuhaw siya.

Maya-maya pa ay biglang bumukas ang pinto at agad siyang napatingin sa pumasok. Namilog ang mga mata niya nang makita ang Kuya Noah ni Priscilla.

Sumilay agad ang ngiti sa mukha nito. "Gising na pala ang aming prinsesa," anito na may himig na pang-aasar. May hawak itong wooden tray na may babasaging baso at lagayan ng tubig.

Sa totoo lang ay nagugulat pa rin talaga siya sa tuwing nakikita niya ang Mama at Kuya ni Priscilla sa timeline na 'to. Although, malaki ang hawig ng dalawa sa ina at kuya niya at kahit may longing siya na yakapin lagi ang dalawa ay nakakaramdam pa rin siya ng hesitation – natatakot siyang ma-attach nang sobra.

Pero pamilya mo pa rin naman sila, Chizle. Iisang dugo pa rin ang nanalaytay sa inyo. At ganoon naman talaga minsan, 'di ba? May mga kamukha talaga tayo sa past at maaring may kamukha pa rin ako sa susunod na henerasyon. Si Lolo Remegio nga oh, carbon copy sila ni Iesus. May hawig din si Tiyo Jose kay Tito Yosef. Mataba lang itong Tiyo Jose ko rito pero si Tito Josef, nakooo! Sugar daddy ang awrahan. Sana all na lang mga matrona kay Tita Claudia. Hindi na nakapagtataka kung pati si Iesus ay tatandang hot landlord pa rin.

FDA 5: Hidden Old Love LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon