Kabanata 29

948 88 169
                                    

HINDI alam ni Chippy kung gaano na kalayo ang sinasakyan nilang bangka pero alam niyang maliwanag na sa labas dahil tumatagos na ang sikat ng araw mula sa bahagyang manipis na kumot na ipinantakip ni Simon sa kanya. At hindi niya alam kung hanggang kailan niya matitiis ang posisyon niya.

She was literally curled like a ball at the back of the boat and she can't even move or stretch. Kumakalam na rin ang sikmura niya at nasusuka na siya sa amoy ng isda. Tinitiis lang niya talaga dahil kapag nalaman ni Mateo na kasama siya ay patay na talaga.

Hindi lang kami mabubukong apat, hihingan pa niyan kami ng mahabang eksplenasyon na hindi niya rin panininiwaalan. Iisipin niyang nababaliw na kami. Talaga ba, Chi? O judgmental ka lang?

Mariin niyang naipikit ang mga mata at napangiwi nang maramdamang nag-cramp na naman ang isang binti niya.

Shuta talaga! Hilong-hilo na nga ako sa alon, dumagdag pa 'to sa alalahanin ko. Ang saya! Ang saya-saya talaga bumalik sa nakaraan.

"Gaano pa ba tayo kalayo?" narinig niyang tanong ni Mateo.

Hindi siya mapapansin nito dahil nakaharang si Juan, alam niya dahil pasimpleng ipinasok ni Juan ang isang kapirasong papel sa ilalim ng kumot para mabasa niya ang sulat nito kanina. Sina Andrew at Simon malamang ang nagsasagwan ng bangka nila.

Alangan namang utusan nila si Senyorito Mateo, 'di ba?

"Sa tingin ko ay dalawang oras pa bago natin makita ang isla," sagot ni Andrew.

"Dalawang oras?" Chippy mouthed hysterically. Parang gusto na lang niyang magpakita kay Mateo at bahala na itong mag-adjust sa existence niya. "Tang'na, buhay pa ba ako after two hours?" naiiyak na niyang reklamo na wala pa ring lumalabas na boses sa bibig niya.

Kahit nahihirapan ay hinugot niya mula sa bulsa ng pantalon ang pocket watch niya, pasado alas sais na ng umaga. Alam niyang bandang alas cuatro sila umalis kanina ng Liloan at dalawang oras na pala ang lumipas.

Marahas siyang napabuntonghininga na hindi pa rin nakakagawa nang malakas na ingay.

Dios ko, give me strength. Kung ayaw N'yo Lord, itaob n'yo na lang 'tong bangka namin – ay joke lang po. Chippy, kalma.

"Nga po pala, Senyorito," pag-iiba ni Andrew. "Bakit nagbago ang isip n'yo?"

Suddenly it pique's her interes, bakit nga ba? Come to think of it, matagal-tagal na rin pala siyang hindi updated sa buhay ni Mateo.

"Hindi naman importante ang lakad na iyon... at hindi naman kawalan ang aking presensiya roon."

Oh? Is this related to Pearlina and his brother's marriage? Pamamanhikan kaya ang tinakasan ni Mateo?

"Hindi po ba kayo hinahanap sa inyo, Senyorito?" usisa pa ni Andrew.

Pakiramdam niya ay umiling si Mateo bago ito sumagot. "Madalang akong hanapin sa amin, kapag lamang ako ay nagkamali ay naalala nila ako," naringgan niya ng kalungkutan ang boses nito.

Napaisip si Chippy, napansin na niya iyon sa party. Hindi siya sigurado kung siya lang ang nakapansin pero parang outcast ang dating ni Mateo sa pamilya niya. Ni hindi nga pinaalam sa kanya ang tungkol sa kasunduan na kasal. He seemed so lost after that announcement and none of his family cared about his reaction.

But why is he opening up to Andrew? To us, here? Kung tutuosin ay estranghero pa rin silang maituturing kahit na matagal na nitong kilala si Priscilla if ever nga na aware itong nandito siya in the form of her past self.

"Ngunit, huwag mong ituon ang pansin sa akin, Andres." Mateo paused before speaking again. "Sigurado ba kayong sa Pacijan dumaong ang bangka nila Temyong? Tatlong isla na magkakalapit ang tinutukoy ninyo, sa pagkakaalam ko ay may pang-apat pa nga yata ngunit nasa dulo na iyon ng Pacijan."

FDA 5: Hidden Old Love LettersWhere stories live. Discover now